Kab 1

4159 Words
Buong oras na dilat na dilat ang mata ko habang bumabyahe kami sa kahabaan ng NLEX. Noong nalagpasan na namin ang syudad at ang nag kikinangang salamin ng mga buildings doon ay mas lalo lang nagising ang kaluluwa ko. Hindi naman ako pala-tulog madalas tuwing bumabyahe kami para magbakasyon. Mas gusto kong natatanaw ang mga nadaraanan namin. Pakiramdam ko kasi'y kapag natulog ako, makakaligtaan ko ang ganda ng tanawin sa ilalim ng naghaharing araw. Nakatulugan ni Ate ang pag iyak. Hindi na nagsalita pa si Papa noong inaaway siya ni Ate kanina. Panay ang alu naman sakanya ni Mama. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't nanahimik nalang ako at inilugar ang sarili sa dapat lugaran. Habang nagdadrive ay may mga tintanggap na mga tawag si Papa kaya kinuha ko muna ang cellphone ko at sinubukang kumuha ng ilang picture noong nabasa ko na ang 'Welcome to Balungao' arc. Napakahabang konkretong daan ang naghihintay sa amin. At hindi ako magrereklamo kung ang nakikita ko ngayong tanawin sa labas ang dadaanan namin buong oras. Maraming nakahilerang puno ang nasa gilid ng konkretong daan dahilan kung bakit malamig ang siplog ng hangin sa amin. Ang malawak na bukirin ay tinamnan ng palay, sa kalayuang bahagi ay mga mais naman. Napakalapit din ng bundok kahit pa ilang oras pa bago makarating sa paanan noon. Naghahari ang araw sa tuktok ng kaulapan. Napaka-picture perfect ng senaryo sa lugar na ito. Napakapayapa. Nadaanan din namin ang bayan ng Balungao. Napakaraming nagbebenta sa gilid gilid ng kakaning 'patupat' at ng tuba. Siguro'y ang mga iyon talaga ang pangunahin nilang produkto rito, naisip ko. Abala ako sa pagchicheck ng mga picture na nakuhanan ko nang biglang nagising si Ate Dian. "Matagal pa ba tayo, Pa?" masungit niyang tanong. "Malapit na hija. Huwag kang mag alala at tumawag na ako sa mansyon ng mga Barrios. Naghihintay na si Senyor Manuel... at ang mga apo niya," Sarkastikong natawa si Ate. Kinuha niya ang kaniyang make up atsaka nag ayos. "I can't wait to see which one of them will ruin my life," "Nagkakamali ka, hija. Hindi naman hahayaan na lumaking ganoon ang mga apo ni Senyor Manuel lalo na't kilalang kilala sila sa larangan ng negosyo," "I told you, Ricardo. This will just ruin your daughter even more. This won't work. Bakit hindi nalang natin siya ipadala sa ibang bansa?" "Davina, tapos na tayong mag usap tungkol dito. Letting go of your daughter in times like this will only ruin her either" sinulyapan ni Papa si Mama pagkatapos ay kay Ate. "Dian, soon you'll realize what's the point of this," "I've done my research, Pa. One of them is a womanizer and the other one is a f*****g misogynist... they hate girls that much, I guess?" "Where did you get the resources, hija? It's probably false information about them," Pinagitnaan na ni Mama ang dalawa dahil nagsisimula ulit sila. "Don't worry Dian, if they violated you, I will file a lawsuit against them right away, okay?" "Can't believe Papa will marry me off to a bad guy. Atsaka hindi ka ba nag aalala sa santo mong anak?" tinuro ako ni Ate. "Madadamay siya rito. You're just ruining our lives, Papa." "If this will make you behave Dian, I will risk it," "I can't believe it! And is your say on this, Rio? Magpapakatuta ka nanaman dyan at susundin si Papa?" "Of course she's on his side!" nagdidileryong ani Mama. Napalunok ako. Sinikap kong isatinig ang nais kong sabihin. "Uh... siguro Ate huwag muna tayong manghusga sa ngayon... b-baka naman mabait talaga iyong mga a-apo ni Senyor Manuel..." halos hindi ko na maituloy ang pangungusap ko. "And saint Rio has finally spoken. Ang sabihin mo lang landing landi ka na kaya't pabor na pabor sa'yo lahat ng ito!" "H-Hindi naman sa ganoon A-Ate," "Huwag ka nang magsalita, Rio. Mas pinapalala mo lang ang lahat," si Mama. Napayuko ako at nanahimik. "This is ridiculous, Ricardo." umiling si Mama. Humina ang patakbo ni Papa dahil sa kuliglig na nasa harapan namin kaya nakahanap siya ng oras upang pagsabihan ulit si Ate. Naagaw naman ng pansin ko ang kabayong nasa tapat ko. Medyo masikip na rito ang daan at nalagpasan na namin ang highway kaya siguro hindi sila makauna noong amo niya at ang sakay nitong babae na nakayakap sakanya. Pinasadahan ko ng tingin ang lalaki. Naka cowboy hat ito at sleeveles na kulay abong T-shirt na binagayan ng kupas na maong pants. Kuminang ang kulay pilak niyang krus na pilak kasabay ng pagkinang ng kaniyang balat dahil sa pawis. Seryoso siyang nakatingin sa daan. Alam kong nakatagilid siya sa akin ngunit kitang kita ko parin ang nakaigting kaniyang panga. Naputol lang ang konsentrasyon niya ng bumaba ang kamay noong babae sa gitna ng mga hita niya. Halos maalis ang mata ko sa gulat at medyo nagpadausdos sa inuupuan. Ramdam ko ang init ng pisngi ko. Baka pala naggi-girlfriend at boyfriend time sila roon, tapos ito ako't walang hiya hiyang nanonood. Pinilit kong isalin sa iba ang atensyon ko pero para yata silang magnet at nahihigop sa direksiyon nila ang mata ko. Hindi bale, hindi naman nila ako kilala. At base sa karanasan ko, walang madaling nakakaalala sa akin kahit na anak pa ako ng sikat na businessman na si Ricardo dela Carcel. Sinulyapan ng lalaki ang babae at nadepina ang muscles sa kaniyang biceps noong inalis niya ang kamay ng babae. Natawa ang babae at nanunuyang nginitian ang lalaki. Seryoso at diretso lang ang tingin ng lalaki sakanya, mukhang naiirita. Kinausap niya ito. Maliliit lang ang galaw ng kaniyang manipis na labi. Mas lalo lang natawa ang babae at paulit ulit na hinalikan ang balikat nito. Maganda ang babae at sa pag upo palang niya talagang mahahalata ang makurba niyang katawan. Mahaba rin ang kulay mais niyang buhok at namumula ang kaniyang pisngi dahil sa bagsik ng sikat ng araw. Lumiko ang kuliglig sa isang kanto kaya bumilis na ang patakbo ni Papa. Niliko rin ng lalaki ang kabayo doon sa kanto ngunit bago niya pa nagawa iyon ay nagtama ang mga mata namin. Nakakurapkurap ako sa gulat kaya't nagawa kong isara ang tinted window sa tapat ko. Kahit naman hindi niya ako kilala ay nahiya parin ako. Pakiramdam ko alam niyang nakita ko ang momentong pinagsaluhan nila ng girlfriend niya kanina... na hindi ko dapat nakita. Nagbangayan pa sila Mama at Papa hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa mansyon ng mga Barrios. May kalayuan ang mansyon nila sa sibilisasyon at napakatahimik dito, animong kakonti lang na sasakyan ang dumadaan. Isang malaking parke pa ng dinaanan namin bago maabot ang harap ng mansyon. May buhay na fountain doon at nakalandscape din ang mga halaman, dagdag disenyo sa agaw pansing arkitekto ng mansyon. Hindi maalis ang mga mata ko sa ilang paru-parong dumadapo sa mga bulaklak doon tulad ng Waling Waling, Bougainvillea, Jasmine, Plumeria at mga bulaklak pang hindi ko mapangalanan. Hawak ni Papa ang kamay ko at nasa gilid naman sina Mama at Ate Dian. Tumigil kami sa tapat ng fountain dahil sinalubong na kami roon ng isang matandang lalaking may baston at nakasuot ng Ben Hogan sa ulo. Kung hindi ako nagkakamali ay baka nasa mid 70s na siya. Nasa likod niya ang isang kasambahay at isang lalaki. Magiliw itong ngumiti sa amin at kinamayan si Papa, niyakap niya ito at tinapik ang balikat. "Long time no see, Senyor Manuel." Natawa ang matanda. "Hindi ka parin talaga nagbabago Ric!" "Let me introduce to you my family first..." tiningnan kami ni Papa. "This is Davina, my wife. Dian and Rio, my angels," Nakipagkamayan sa amin si Senyor Manuel Barrios. "Kamukha mo ang... kung hindi ako nagkakamali ay ito ang panganay mo?" "Opo, Senyor..." "Kamukha mo nga..." aniya habang nakatingin kay Ate Dian. Sarkastiko ang ngiti ni Ate ngunit nakipagkamayan pa rin. At noong nakipagkamayan na ako sa matanda, natigilan siya. "Ito nama'y kamukha ng Misis mo," ngumiti siya sa akin. I smiled back awkwardly. Nakita ko ang sarkastikong reaksyon ni Mama matapos niya akong pinandilatan ng mata. Hindi na ako nagulat doon dahil kadalasang ito na ang naririnig ko tuwing ipinapakilala kami ni Papa sa mga kabusiness niya. Hindi ko man nagsasalita si Mama ngunit dinig na dinig ko ang pagkadisgusto niya sa tuwing sinasabing kamukha ko siya. "Carbon copy. Nice meeting you, Miss Rio..." Tumango ako at ngumiti. "Nice meeting din po, Senyor..." "Mahaba haba ang binyahe niyo. Mukhang gutom na rin kayo... halata sa mukha ni Miss Dian," humalakhak ang matanda. Nawala ang ngisi sa labi ni Ate Dian. "Mabuti pa't magtanghalian na tayo at ipapakilala ko kayo sa mga apo ko," Sinabihan din ng matanda ang kasambahay na ibaba ang mga gamit namin mula sa aming sasakyan. Halos malaglag ang panga sa laki ng kanilang mansyon. Parang pwede na ritong manirahan ang buong barangay. Napakaraming antique atsaka may mamahaling pyano pa sa malapit sa grandstaircase. May mga picture na nakasabit sa  dingding at mga abstract painting. Ginto ang ilaw ng grand chandelier na mas lalo pang nagpamahal sa kabuuan ng tanggapan ng mansyon. Nangunguna sa amin sina Papa at Senyor Manuel na sinundan ni Mama at Ate Dian, ako naman ay nasa dulo at naiiwan iwan pa dahil sa pagtanaw sa bawat detalye ng mansyon. Napansin ko ang nga kasambahay na tahumik na naglilinis. Ngumingiti sila sa amin ngunit ako lang yata ang nakakapansin kaya't ako naang ang nginingitian sila pabalik. "Magandang araw po..." sabi ko. "Magandang araw din po, Ma'am," mahinang sagot nila. Tiningnan ako ni Mama. "Sinong kinakausap mo riyan?" Tiningnan din ako ni Ate. "Syempre sarili niya. Alam mo naman Ma na minsan ay nasasapian 'yan ng kabaliwan at kaweirduhan." "Ah hindi... kinakausap ko lang  'yung mga kasambahay..." "E 'di ikaw pumalit sakanila. Bagay naman sa'yo!" Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa malaking teresa ng mansyon. Sa gitna ay may parihabang mesa. May nakalagay na roong mga pagkain at panghimagas. Naoakalamig din doon at kitang kita ang mabeberdeng dahon ng nagsasayawang puno sa labas. Mula sa teresa ay nakikita ko ang mga kasambahay na binababa ang mga gamit namin ni Ate mula sa aning sasakyan. Nakikita ko rin ang fountain na may tatlong anghel. Ang isa'y babae na siyang nasa gitna at ang dalawang nasa gilid niya ay mga batang lalaki. Umupo sa sentro ang senyor, sa kaliwa  niya si Papa na siyang tinabihan ko. Sa kanan naman sina Mama at Ate Dian. Sa parehong tabi namin ni Ate ay may dalawang bakanteng upuan. "Melba, nasaan na ba si Juandro at Hakim?" Lumapit ang matandang kasambahay at may ibinulong sakanya. Umiling ang senyor. "Kumain na muna tayo at medyo mahuhuli ang mga apo ko ng dating..." "Walang problema, Senyor." "Alam mo na mga kabataan. Medyo masakit din sa ulo." halakhak ng matanda. Tiningnan ni Ate si Papa na para bang tama ang naresearch niya tungkol sa mga apo ni Senyor Manuel. Nag umpisa na nga kaming kumain at hindi nga ako nagkakamaling may involve na business ang pagpunta namin dito. Halos mapanis ang laway ko roon. Salamat nalang at masasarap ang mga hinain, kung 'di, buong tanghali akong nganganga rito. Masayang nagtawanan sina Mama, Papa at Senyor Manuel. Minsan ay ngumingiti ako, ngunit si Ate ay hindi kailanman ngumiti. Nag angat ako ng tingin sa biglang pumasok na lalaki. Magulo ang buhok nitong naka left over haircut. Mukhang kakagising niya lang ngunit naisipan pang magpalit ng round neck white T-shirt at khaki pants. Nakakasilaw din ang maliit na earrings niya sa kaliwang tainga ganoon din ang kaniyang ngisi. May bahid ng kayabangan ang nanliliit niyang mga mata habang pinapasadahan kami ng tingin. Humikab siya at kinamot ang batok. "Hakim," nagbabantang tinig ni Senyor. Ito pala ang isa sa kaniyang apo. Nag peace sign siya at ngumisi. "Sorry. Sorry. I told you not to wake me up, old man." aniya at wala sa sariling naupo sa tabi ni Ate, muntik na siyang matumba ngunit itinawa niya lang iyon. Nakita ko ang pag ngiwi ni Ate sa kaniya ngunit hindi niya iyon nakita. "I'm Emanhuel Hakim Barrios..." pagpapakilala niya, hindi siya mapakali sa kaniyang upuam. "Hakim nalang," Tumango tango sakanya si Mama at Papa. "I'm sorry about that. Nadala niya ang pagiging Manila boy dito but I'm already working on that," halakhak ng Senyor sa amin. Ngunit agad lang naglaho iyon ng tinawag niya si Hakim. "Hakim, sit beside Miss Rio," "Huh?" 'di niya narinig ang Senyor dahil abala siya sa pagtingin sa mamahalin niyang relo. "Sit beside Miss Rio," itinuro ako ng Senyor. Napaawang ang bibig ko. Siya na pala ang nakareto sa akin. Nakita ko ang pagsinghap ni Ate Dian at unti unting pagngisi nito. "The hell is that name," ani Hakim at tamad na lumipat sa aking tabi. Tiningnan ko lang siya. To sum up his personality, he seems like... a very chaotic person. I don't know if that's the perfect word to describe him. Nagpatuloy sa usapan tungkol sa negosyo ang mga matatanda. Nagpatuloy na rin sa pagkain si Ate habang hinihintay ang nakareto sakanya. "Oh! You're Rio, I supposed." pagkausap sa akin ni Hakim. "Uh... Oo..." ngiti ko. Ngumiti rin siya. Ngunit hindi ko alam kung natural ba iyon o nakakaloko. "Nice name," medyo lumapit siya sa akin. Agad na pinagharian ng amoy ng alak ang aking ilong. Ngunit kahit ganoon ay amoy na amoy ko pa rin ang matapang niyang pabango. "S-Salamat," "My name is Hakim by the way," inabot niya ang kamay sa akin. "Nice meeting you..." Nagkamayan nga kaming dalawa. "I'm sorry on how I acted earlier." kinuha niya ang tinidor at tumusok ng cassava cake. "You know, just got home at 7 AM, drunk and high and Manang Melba knocked me like one hundred and sixteen ninth times and told me to get the f**k up and dress up and eat with you," "Ayos lang..." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na siya. "Do you eat tahong?" sumandok siya noon at ng kanin na rin. "O-Okay lang naman... uh..." Natigilan ako sa paghahanap ng sasabihin nang maagaw ng pansin ko ang bagong lalaking dumating. Ang kulay abong sleeveless T-shirt at maong pants hanggang sa kulay tsokolateng boots na suot niya ay napakapamilyar sa akin. Nakasuot parin sakaniyabang krus na kwintasm. Pawisan pa rin siya at seryoso ang mukha. Para akong binuhusan ng yelo. Lalo na noong magtama ang paningin namin. Malakas na humalakhak si Hakim at may sinabi pang kung anu-ano na hindi ko na naintindihan dahil sa pagkalabog ng puso ko sa kaba. "Andito na pala si Juandro. He's the firstborn Barrios just like his father, Alessandro Barrios," Inalis niya ang kaniyang sumbrero at pinasadahan ng daliri ang buhok. Imbes na umupo agad ay dumiretso siya sa kaniyang Lolo at nagmano rito. Nagpakilala rin siya kay Mama at Papa. "Juandro nalang po..." mababa ang kaniyang boses at bagay na bagay iyon sa kaniya. Napakalaking tao niya pala at napakatangkad. Halata naman na iyon noong nakita ko siyang minamaneubra ang kulay itim na kabayo kani-kanina lang. Hahanapin ko na sana ang babaeng angkas niya ngunit napagtanto kong  siya ang irereto kay Ate Dian. Kung ganoon may girlfriend siya? At pumayag siyang ipagkasundo? Kinabahan ako kung si Hakim ba ay may girlfriend din? Ngunit habang tinitingnan ko siyang nakanguso at kumakain sa tabi ko para namang wala siguro siyang girlfriend? Naupo si Juandro sa tabi ni Ate Dian at nagpakilala rito. Malaki ang ngisi ni Ate Dian sakanya. Hindi rin navtagal ang atensyon niya kay Ate Dian bagkus ay nabaling iyon sa akin. Gumalaw ang buto sa kaniyang pisngi. Tinanguan niya ako ngunit seryoso pa rin ang kaniyang ekspresyon. Ngumiti ako kahit pa nanginginig ang aking labi. Iniisip ko tuloy na baka naalala niya ako? Pero hindi naman ako ganoon ka-importante para maalala agad. Agad akong nag iwas ng tingin at tumuloy sa pagkain. Lagi siyang kasama tuwing nag uusap sila tungkol sa business. At kung tinatanong siya ay laging precise ang kaniyang sagot. He's like he's veen trained well even at a young age. Ngunit kahit ganoon ay ramdam na ramdam ko parin nag nanunusok at naninimbang niyang titig sa akin. "Where have you been grumpy kong?" tanong ni Hakim sa kaniyang kapatid. "Hinatid ko si Edisan," "Talaga ba? You looked like you came straight from cow dung," natawa si Hakim. "What a cowboy," Ate Dian cleared her throat. "Who's Edisan, Juandro?" "A close friend," Napa angat ang tingin ko sa sagot niya. Close friend ba ang tawag kapag dinudukutan at hinahalik-halikan? Nagtama ulit ang tingin namin ngunit siya naman ngayon ang nag iwas at sumandok nalang ng pagkain. "Don't worry Miss Dian, he's very introverted and doesn't know how to flirt. Kaya kung iniisip mong babaero 'yan ubusin mo nalang 'yang gulay sa plato mo," ngisi ni Hakim. "But I wasn't talking to you Mr. Hakim?" mataray na balik ni Ate. Namilog ang labi ni Hakim sakanya. Para bang  hindi niya inaasahan iyon. But the humor on his face is very visible unlike on Ate Dian's. She's very irritated and obviously, he despised Hakim the moment she saw him. On the other side, Juandro is unbothered and lazily eating his food. Siniko ako ni Hakim kaya nawala ang tingin ko sakanya. "Is your sister on period?" bulong niya. "Ah... hindi pa naman yata," "Okay, then. She has an attitude." he shrugged. "By the way don't you like tahong?" Nabalik naman ang naputol na usapan namin kanina. "A-Ano kasi may allergy ako sa seafoods," Totoo naman iyon. Nagkakapantal ako tuwing aksidente akong nakakakain niyon. Lalo kapag pancit ang handa, minsan nilalagyan nila ng hipon at crab. "Oh! It's the other way for me. I love eating tahong. It's my favorite. Kakaiba 'yung thrill, e" he chuckled. "Hindi ba Kuya?" ngisi niya roon kay Juandro na halatang walang pakialam sa paligid. Nakita kong masama ang tingin ni Ate sa katabi ko ngunit inirapan niya lang ito. "Shut up, Gascon pig," ani Juandro nang di man lang nililingon ang kapatid. Natawa lang si Hakim. Sa sumunod na minuto panay na ang banggit niya tungjol sa tahong. Nakikinig naman akonsakanya at pilit na iniintindi ang kaniyang saloobin. Hindi naman palang boring kasama si Hakim. Noong matapos kaming kumain, nagpahinga muna kami saglit bago kami ipasyal ni Senyor Manuel sa ekta ektarya nilang niyugan. May sariling kotse si Hakim kaya doon ako nakisabay pati na si Ate. Hindi naman din kalayuan ang plantasyon ng kanilang niyog sa kanilang mansyon. Sina Mama at Papa naman ay nakisabay sa sasakyan ni Senyor Manuel. Habang si Juandro ay ginamit ang kaniyang kabayo. Ate Dian has never ridden a horse kaya mas pinili niya nalang na sumabay sa amin kahit pa halatang kinamumuhian niya kami ni Hakim. Mataas ang araw dahil kakatapos lang ng tanghalian ngunit pinapayungan naman kami ng mga kasambahay kaya ayos lang. Marami namang puno at nagtatayugan ang mga puno ng niyog kaya malamig ang simoy ng hangin. Para ngang walang katapusan ang plantasyon. Ngunit sa malayo ay nakikita parin namin ang mga bundok ng Balungao. Habang naglalakad kami ay maraming sinasabi si Senyor Manuel tungkol sa history nitong plantasyon at kung paano niya napalawak ang dating maliit na plantasyon ng kaniyang pamilya. Tunay nga siyang business-minded at wais. "L-Lagi ka bang pumupunta rito?" tanong ko noong medyo nagsawa na si Hakim sa pagdadaldal. Nasa isang tapat kaming dalawa ng puno ng niyog na inaakyat ng isang mama. May mga tao rin naman ngunit sa tingin ko'y mas maraming tao roon sa kalagitnaan ng plantasyon. Para kasing nasa b****a lang kami. "Tuwing wet season lang," sumandal siya sa tabing puno kaya lumapit ako roon dahil baka mabagsakan pa ako. May sarili ng mundo sina Papa, Mama at Senyor Manuel. Sina Ate at Juandro ay naroon lang sa punong katapat namin. Nakangisi si Ate sakanya habang nagsasalita, si Juandro naman ay nakatitig lang sakanya. Nagtataka kong tiningnan si Hakim. "E 'di walang bunga ang mga niyog... at malamig dito," Tiningnan ko ang paligid. Sa kalayuan ay may nakikita akong parang isang malaking nipa hut. Siguro'y maganda roong magpahinga. "Nah, dito ako nagpapainit," "H-Huh?" Malakas siyang humalakhak. "You're very innocent, love. I like you." Umiling ako at naguguluhang ngumisi. I was so confused with his thoughts. He licked his lower lips at nagpameywang. "What do you want to do tonight? Want us to cuddle, hmm?" "H-Huh?" Nanliit ang mata niya sa akin. "You know like a sweet couple. That's what couples do..." Uminit ang pisngi ko. Parang ganoon ba sa ginagawa kanina ni Juandro at ng girlfriend niya? Mas lalo pang uminit ang pisngi ko. Tumawa ako para mabura ang naisip. "Ah! Hindi ko alam..." "Hmm. Haven't done foreplay yet? We could do it too if you're still not ready with 'it'" Ano ba 'yun? Ngumiti lang ako. At kinagat ang labi. I really have no idea what he's talking about. "Oh!" natawa siya nang may mapagtanto. "You don't know that too! How old are you again?" "Uhm... e-eighteen. Pasensya na," mas lalo lang akong nahiya. "No, no. It's okay. But you know we can do something about that-" Seryoso na akong nakikinig kay Hakim  nang biglang umeksena si Juandro sa harapan namin kaya naputol ang sinasabi niya. "The hell? You scared me, dude!" Sa mukha palang ni Juandro, hindi pa man siya nakakapagsalita ay parang ubos na agad ang kaniyang pasensya. "Pakitawag nga si Mang Pastor," utos niya rito. Umungol si Hakim. "Bakit ako? Wala ka bang paa? Kitang nag uusap kami rito ni Rio," lumapit siya sa akin at umakbay. "Hindi ba, love?" Mas lalo lang nalukot ang mukha ni Juandro. Hindi ko alam kung tatango ba ako o ano. "Hindi na ako magtatagal. Pakisabi na siya muna ang magpastol ng mga kabayo sa kuwadra mamayang hapon. I have some stuff to deal with." aniya. Kinagat ko ang labi ko at medyo hindi kumportable sa pag akbay ni Hakim sa akin. Nakita ko si Ate na masama ang tingin sa amin mula sa kabilang puno. "Alright." he smirked. "But I would do it unless Rio will agree to sleep with me in the same bed tonight," pabirong aniya. "H-Huh?" uminit ang pisngi ko. Titig na titig sa akin si Juandro mukhang inaantay ang reaksyon ko. Para naman akong natutunaw. Natataranta na ako sa gagawin. "Stop acting like a pig, you're making her uncomfortable," dinig ko na sa boses niya ang pagkairita. "What? Am I making you uncomfortable?" niyugyog ako ni Hakim. "Ah!" I chuckled to hide what I feel. "Ayos lang naman," sabi ko. "Tss," si Juandro at tinalikuran kami. "Right, I will tell Mang Pasty what you said," Malokong tumawa si Hakim at tinapik muna ang kapatid bago sundin iyong ipinapagawa ni Juandro. Malalim akong napabuntong  hininga at napapikit. Para akong kakagaling lang sa mariing pagkakasakal at ngayon lang napakawalan. There's something in the air earlier and I couldn't breathe. Binalikan ni Juandro si Ate at nag usap nanaman ang dalawa. I can't stop noticing how tall he was and how perfect his back image was. Mahahaba ang kaniyang binti at halos maabot na ng kaniyang mahabang buhok ang kaniyang batok. Bumabakat din ang mga muscles ng kaniyang likod sa kaniyang damit. At ang kaniyang pwetan ay medyo... matambok. Nag iwas ako ng tingin at hinintay ang pagbabalik ni Hakim. Alas kuwatro na ng hapon nang makabalik kami sa mansyon. At alam kong oras na iyon ng pamamaalam sa aking mga magulang. Hinayaan kami ng mga Barrios na makapagpaalam sakanila. Hindi ko inaasahang hindi umiyak si Ate Dian. She just hugged Mama and Papa. Pareho nila itong kinakausap habang kayakap. Niyakap ko rin si Mama ngunit tahimik lamang siya. Nang si Papa na ang yumakap sa akin hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. "My little girl... I'm sorry if you have to be included in this trouble," Niyakap kong mahigpit si Papa at umiyak ibinaon ang mukha ko sakaniyang balikat. Sa loob ng labing pitong taon, walang oras ni minsan sa buhay ko ang hindi ko siya nakita o hindi nakausap. Even if he's busy with our business, he'd always make time for us. At ganoon din ako sakanya. Ngayon lang dumating sa akin na kaya't may tinatawag na legal age dahil doon mo na dapat inoorganisa ang gusto mo sa buhay, kung saan mo gustong dalhin ang buhay mo at kung paano ka magiging independent. "You can always leave, Rio. You don't have to stay here," Gusto ko mang sumang ayon sa sinasabi ni Papa ngunit naisip ko rin ang pinangako ko kay Mama. Na babantayan ko si Ate rito. Umiling ako habang tumutulo ang luha sa aking pisngi. "Ayos lang po, Papa. Huwag po kayong mag alala magiging mabuti po ang lagay namin dito," At siguro minsan kaya tayo naiiwan sa takbo ng buhay dahil hindi natin maiwan iwan ang nakasanayan natin. Kaya ngayon ay tinatanggap ko na ang nangyayari. Not only do I want to grow and learn within my own environment, but I also want to accept what the rest of the world has to offer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD