Chapter 5

3699 Words
lumipas na naman ang ilang araw, napansin ko kay Kelly medyo naging balisa siya sa mga nagdaan araw. Minsan hindi siya nakafocus pag kinakausap siya. Minsan din para bang ang lalim ng iniisip niya. Gusto ko siya tanungin pero parang nagiging mailap siya sa akin. Galit ba siya sa akin? May nagawa kaya akong mali sa kaniya? Gusto ko siya tanungin pero nahihiya ako. "Sir ok lang kayo?" tanong ni Manang Nena, walang pasok nun at nasa bahay lang kami ni Kelly. "Kanina niyo pa tinitignan si Kelly" sabi niya Kasalukuyan itong nagdidilig ng halaman sa hardin at ako naman ay nasa puwesto kung saan puwede ko siya pagmasdan. "May napansin ba kayo kay Kelly Manang?" sabi ko "Oo sir, nitong mga nagdaang araw para ba siyang naging balisa" sabi ni Manang Nena "Pansin ko din iyon, may problema kaya siya?" tanong ko "Gusto mo po itanong ko?" "Naku huwag na manang mamaya sabihin niya nakikialam tayo" "Nakikialam tayo kasi may pakialam tayo sa kaniya" biglang sabat ni Manang Tina may dala itong meryenda. "Nakakabigla talaga kayo manang bigla kayo sumusulpot" sabi ko "Kelly!" sabay sigaw ni Manang Tina "Manang naman!" sabi ko "Bakit po?" tanong ni Kelly "Ano ka ba tatawagin ko lang siya magmeryenda sir" sabi naman ni Manang Tina "Halika at magmeryenda muna tayo" sabi ni Manang Tina kasu tumingin lang ito sa amin, mas lalo na sa akin. "Mamaya na lang po" sabi niya saka ngumiti kahit pilit lang ito. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim saka tumayo sa aking kinauupuan. "Mamaya na lang ako magmeryenda manang" sabi ko saka umalis "May LQ ata" narinig ko pang sabi ni Manang Tina "Ikaw talaga" sabi naman ni Manang Nena Hindi ko na narinig pinag usapan nila dahil nakalayo na ako. Maghapon akong nagkulong sa aking kuwarto, doon na din ako nananghalian. Pati sa gabi, hindi na din ako lumabas ng kuwarto binigay na lang sakin ang aking kakainin. ******************* Kinaumagahan sa opisina, Sahod ng mga empleyado ngayon at First time sasahod ni Kelly, Masaya ito nang makita kong hawak na niya ang sahod niya. "Sir may sahod na" sabi pa niya sa akin "Ang saya mo ah" "Opo, kasi mabibigyan ko na sila mama" sabi niya Ang bait niya talaga, pamilya niya talaga inuuna niya. Uwian na ng marinig kong nag uusap sila ni Manong Temyo May pinuntahan kasi ako sandali at hinintay nila ako sa sasakyan. Bukas ang sasakyan at mukhang hindi nila ako napansin. "Mukhang ang saya mo Kelly" "Opo manong, kasi nagsahod na kami at makakapagpadala na po ako sa bahay" sabi ni Kelly "Oh eh bakit bigla kang sumimangot?" sabi ni manong Temyo "Kasi, may sahod na po ako" "Oh kanina ang saya mo lang" "Kasi baka paalis na ako ni Sir, baka sabihin niya puwede na ako maghanap ng matitirhan" malungkot na sabi niya Nalungkot din ako, pero never kong naisip na paalisin siya sa bahay. "Naku, hindi ganun si sir, sigurado hindi ka paaalisin nun" "Oo nga po pero nahihiya na po ako sakaniya" sabi naman niya "Oh, ang lalim ata ng pinag uusapan niyo?" sabi ko at kunwari kararating ko lang "Kanina pa ba kayo diyan sir?" tanong ni Kelly "Kararating lang, bakit?" sabi ko "Wala po" sabi niya "Oh tara na Manong Temyo" sabi ko "Sige sir" sabi ni Manong Napakatahimik habang binabagtas namin ang daan pauwi hanggang sa makauwi kami na walang imikan. Pati sa hapag kainan hindi kami masyadong nag imikan. Hanggang sa pagtulog hindi na kami nakapag usap ni Kelly. ********************** Tok Tok Tok Nagising ako dahil sa mahihinang katok mula sa aking pintuan. "Sir?" Napabangon ako agad nag marinig kong si Kelly ang nasa labas ng pintuan. Napatingin ako sa aking relo, Alas sais na pala. "Pasok ka" sabi ko nang medyo maayos ko ang sarili ko. Nakita ko na para bang namumutla siya nang pumasok ito sa aking kuwarto "Ok ka lang ba?" nag aalala akong lumapit sakaniya "Opo sir, magpapaalam lang po sana ako na hindi makakapasok ngayon" sabi niya "Masama ba ang iyong pakiramdam?" sabi ko. "Opo sir" "Gusto mo ba dalhin kita sa hospital?" "Hindi na sir, kaunting tulog lang po ito" sabi niya "Sigurado ka?" "Opo sir" "Oh siya sige, mag day off ka muna" sabi ko sakaniya. "Salamat sir" sabi nito saka lumabas na sa aking kuwarto Gusto ko siyang samahan at alagaan pero baka may masabi siya sa akin. Wala tuloy akong gana pumasok, pero ayaw ko naman mahalata niya. Nag ayos na ako at nag ready para pumasok. Binilin ko si Kelly kina Manang Tina at Manang Nena bago ako pumasok sa opisina. Nang nasa opisina ako, halos hindi ako mapakali, nag aalala talaga ako sakaniya. Para bang gusto ko nang umuwi pero wala naman akong magandang dahilan. Message ako ng message kina Manang Nena kung kamusta na siya. Nakahinga din ako ng maluwag nang sinabi nila na medyo gumanda na ang pakiramdam ni Kelly. Hindi na ito masyadong namumutla pero hindi parin talaga ako mapanatag Hinintay ko na lang hanggang sa mag alas kuwatro ng hapon nang tinawagan ko si Manong Temyo na sunduin na ako. Nang makarating siya nagpaalam ako sa mga empleyado na uuwi ako ng maaga. Malapit na kami sa bahay nang pinatigil ko ang sasakyan, syempre para bumili muna ng prutas para sa kaniya. "Sir para kay Kelly ba iyan?" "Oo" sabi ko Kasalukuyan na kaming nasa daan at malapit na kami. "naku, huli na kayo sir andito ang nobyo ni Kelly" sabi niya Nagulat ako, akala ko ba may sakit siya? Nakarating na kami ng bahay, at papask na ang kotse sa gate ng makita ko sila sa hardin ng bahay. Magkatabi si Kelly at ang kaniyang nobyo, nagtatawanan ang mga ito. Kasama nila si Manang Tina. Para bang may patalim na sumaksak sa puso ko. "Sir?" sabi ni Manong nang buksan niya ang pintuan ng kotse di ko napansin na nakaparada na pala siya at binuksan na niya ang pintuan sa tapat ko. "Thank you" sabi ko lumabas ako ng sasakyan at kinuha ang mga prutas na binili ko. "Ako na sir" "Ako na po" sabi ko saka dumiretso sa pintuan ng bahay. Bago pa ako tuluyang pumasok sa bahay tinignan ko ulit si Kelly na aking pinagsisisihan. Nakita ko na hahalikan siya ng kaniyang nobyo. Para bang bumagal ang oras habang nilalapit ng lalaki ang kaniyang nga labi sa labi ni Kelly. Habang nangyayari iyon para ba akong sinasaksak ng ilang ulit sa aking puso. Hindi ko na nakaya, hindi ko na hininhtay na maidapo niya ang labi niya kay Kelly, agad na akong pumasok sa bahay. "Sir?" sabi ni Manang Nena, nakasakubong ko siya, napansin niya siguro na naiinis ako na ewan. "Kunin mo ito manang" sabi ko saka binigay ang prutas na aking dala saka dire-diretsong umakyat sa taas patungo sa aking kuwarto. Nagagalit ako, naiinis ako, nagseselos, hindi ko alam ano ba talaga ang nararamdaman ko. Lakad dito, lakad doon ang ginawa ko sa loob ng aking kuwarto. "Kelly bakit?" sigaw sa isip ko. "Akala ko naman nagkakamabutihan na tayo" sabi ko pa sa aking isip. Hindi ko alam kung ilang minuto din akong naging ganun. Isa lang naiisip ko, kailangan ko muna umalis. Nag aayos ako ng aking gamit nang biglang pumasok si Manang Nena. "Sir, may problema ba?" tanong niya "Wala manang" sabi ko "Eh anong ginagawa niyo?" sabi ni Manang Nena "Nag iimpake manang, aalis na muna ako?" "Huh? Saan kayo pupunta?" "Kina mama muna manang, kailangan ko muna magpahinga" "Dahil ba kay Kelly?" "Huh?" "Alam ko gusto mo siya, hindi, tingin ko mahal mo na siya-" "Huwag mo sabihin yan manang" sabi ko "Totoo di ba?" "Opo" sabi ko "Oh eh bakit ka aalis?" "Ayaw ko na makita si Kelly, Manang Nena" sabi ko "Bakit?" *************************** KELLY's POV Kasalukuyan akong papunta sa kuwarto ni Sir James, gusto ko na sabihin sakaniya lahat, gusto ko na malaman niya ang totoo, at sana, sana paniwalaan niya ako. "Oh eh bakit ka aalis?" narinig kong sabi ni Manang Nena Aalis siya? Aalis si Sir James? "Ayaw ko na makita si Kelly, Manang Nena" sabi nito Nagulat ako sa sinabi ni Sir, ayaw na niyang makita? Kaya siya aalis dahil ayaw na niya ako makita. Akala ko pa man din nagkakamabutihan na kami, hindi ko namalayan lumuluha na pala ako. "Bakit?" sabi ni Manang Nena Umalis ako sa aking puwesto at di ko na pinakinggan anong dahilan niya. Naisip ko na lang ay kailangan ko na umalis. Hindi kailangan umalis ni Sir James, ako anh dapat umalis dahil ako lang naman pabigat dito. Nasa baba na ako ng makasalubong ko si Manang Tina. "Oh, bakit ka umiiyak?" sabi niya Hindi ako sumagot, dumiretso na lang ako sa aming kuwarto at alam kong sumunod ito. "Nag usap na ba kayo ni Sir? Sinabi mo ba ang nangyari kanina" "Manang, hindi po, kaso kailangan ko na po umalis manang" sabi ko habang hinahanda ang aking mga gamit "Bakit?" "Ayaw na daw ako makita ni Sir James manang, ayaw ko na din maging pabigat dito" sabi ko "Anong ibig mong sabihin? Baka naman-" "Narinig ko po sila na nag uusap ni Manang Nena, gusto umalis ni sir dahil ayaw na niya ako makita" sabi ko na mas lalo pang umiyak dahil hindi ko na talaga kaya ang mga dalahin ko sa aking kalooban. "Sandali baka nagkakamali ka lang kasi tingin ko may gusto siya saiyo" "Iyon din tingin ko, iyon din po akala ko kaso akala lang po iyon at mahirap mangyari dahil ganito lang po ako. Ayaw ko na po paasahin ang sarili ko." "May gusto ka ba kay Sir James?" biglang tanong ni manang Tina "O-opo, kaya aalis na lang po ako" "Pero bakit? Saan ka pupunta? Huwag mong sabihin pupuntahan mo iyong nobyo mong iyon eh muntikan ka na niyang saktan kanina" "Hindi ko na po siya nobyo matagal na" sabi ko, hindi ko na din kaya itago, napaupo ako, kailangan ko na sabihin sakanila ang totoo. "Eh bakit siya pumunta dito at maayos naman-" "Naalala niyo po iyong isang araw na nagpaalam ako sainyo ni Manang Nena po na aalis at pupuntahan ko siya?" "Oo, iyong sinabi mo pa adress niya bago ka umalis?" "Opo" sabi ko, mas lali nanaman ako umiyak, ang bigat bigat ng nararamdaman ko. "Sa...sa...sa araw na po iyon..mu-muntikan na po niya akong magahasa" nanginginig na sabi ko, naaalala ko ang nangyari nun. "Ano!? Bakit hindi mo sinabi sa amin Kelly? Bakit mag isa mo itong dinala" sabi ni Manang Tina, niyakap niya ako, umiiyak na din siya Niyakap ko din siya, nakaramdam ako ng kaunting paggaan ng kalooban ko. "Kaya ba ilang araw ka ng binabangungot? Kaya ilang araw ka ng balisa?" sabi niya, tumango lang ako "Bakit hindi mo sinabi sa akin o sa amin?" sabi niya saka kumalas sa pagkayakap sakin. "A-ayaw ko po kasing isipan niyo ako ng masama" sabi ko "Kelly, sa kaunting araw na namalagi ka dito, kilala ka na namim, bakit ka namin pag iisipan ng masama, sana sinabi mo sa amin ito" "Sorry Manang" "Eh bakit kanina, bakit hindi mo sinabi? Bakit pa natin siya pinapasok dito? Bakit siya pumunta dito? Bakit parang ok naman kayo kanina?" "Hindi ko po alam kung paano niya nalaman dito, andito siya kasi hinihingan niya ako ng pera, ayaw ko ipakitang natatakot ako sakaniya dahil baka anong gawin niya sainyo at dito po, pero nung muntikan na niya akong halikan bumalik sa akin ang lahat kaya ganun po nangyari" paliwanag ko "Kinaya mo ang lahat ng ito nang wala mang lang tumutulong saiyo, kailangan malaman ito ni Sir James" sabi niya "Manang huwag na po ayaw ko dagdagan ang problema ni Sir" sabi ko Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at pinagtuloy ang pag aayos ng aking mga gamit. "Huwag ka na umalis Kelly" sabi ni Manang "Kailangan po" sabi ko "Sasabihin ko ito kay sir" "Huwag manang please nakikiusap ako" sabi ko "Sigurado ka na ba? Hindi ka pa tuluyang gumagaling" sabi niya saka hinawakan ang aking mga kamay na kanina pa nanginginig. "O-opo" sabi ko Kaunti lang ang nilagay ko sa aking bag, naglabas ako ng papel at ballpen at nagsulat. "Manang pakibigay ito kay sir James pag nakaalis na po ako" sabi ko sabagy bigay sa sulat na ginawa ko "Pati na din po ito" sabi ko, binigay ang cellphone at papel na katupi. Inihatid ako ni Manang Tina hanggang sa labas ng gate, at doon nakita namin si Manong Telmo "Saan ka pupunta Kelly?" tanong ni Manong Telmo "Diyan lang po, salamat po sainyong lahat" sabi ko saka yumakap kay Manang Tina at kay Manong Telmo Tuluyan na akong nakalabas ng gate ng bigla ako tinawag ni Manang Tina. "Kelly, huwag ka na kang umalis" sabi niya "Sorry manang Tina" sabi ko "Ito, pagdamutan mo na ang kaunting pera na ito" sabi ni Manang Tina sabay bigay sa aking kamay ang pera na hawak niya "Naku manang huwag na" sabi ko "sige na, kahit yan lang matulungan kita" sabi nito, hindi ko nanaman napigilan lumuha. "Salamat po" sabi ko saka yumakap sakaniya. "Mag iingat ka" sabi nito sakin, hindi na namin napigilan hindi umiyak. "Salamat, kayo din po" sabi ko Naglakad na ako papalayo sa bahay na iyon. Malungkot ako at hindi man lang nakapag paalam ng maayos kay Sir James. "Salamat sir James" bulong ko na lang sa huling pagkakataon. *************************** JAMES's POV "oh eh bakit ka aalis?" "Ayaw ko na makita si Kelly, Manang Nena" sabi ko "Bakit?" "Ayaw ko na siyang makitang masaya sa iba manang, hindi ko na siya kayang hawak siya ng iba, mahal ko na siya manang pero paano?" sabi ko "Sir bakit hindi mo ipaglaban?" tanong niya "Paano manang? Kung puwede nga lang na hilingin na sana ako na lang nauna niyang nakilala kesa sa lalaking iyon eh" sabi ko "Tingin ko naman may gusto siya saiyo eh" "Ayaw ko na umasa manang, mas lalo na at alam niyo na po nangyari sa akin nun" sabi ko "Ayaw ko na ulit masaktan, baka, baka hindi ko na makaya" sabi ko pa "Sir, parti ng pagmamahal ang masaktan, masasabi mong talagang nagmamahal ka kung nasasaktan ka, kaya bakit ayaw mo subukan?" "Hindi ko alam manang, pero tingin ko mas maganda munang umalis ako" sabi ko Nag ayos ako ng aking mga gamit, tinulungan ako ni Manang Nena. Tahimik kaming dalawa habang nag aayos ng aking gamit. "Ano sasabihin mo kay Kelly pag umalis ka?" pagbabasag ni Manang Nena sa katahimikan Ano nga ba sasabibihin ko? Sasabihin ko bang ayaw ko na siya makita? Ayaw ko siyang masaktan. Baka isipin niyang pinapaalis ko na siya. Kelly, hay Kelly. "Sir" bigla na lang kumatok si Manong Telmo sa pintuan na medyo nakabukas. "Oh bakit manong?" "Saan kayo pupunta sir?" "Wala po, ano po sadya niyo?" "Si Kelly po sir?" "Bakit? Ano pong nangyari sa kaniya?" agad kong tanong "Umalis na po siya?" "Huh?" sabay namin sinabi ni Manang Nena "Sumama na ba siya sa kaniyang nobyo?" halos hindi ako makahinga habang binabanggit ang mga iyon. "Hindi po, kasi kanina pa po umalis iyon, at tingin ko wala na sila, kasi kanina muntikan na halikan nung lalaki si Kelly kasu sinampal ni Kelly iyong lalaki at nagkagulo na po kanina tapos binantaan pa ng lalaking si Kelly na babalikan niya ito" "Ano!?" galit ang naramdaman ko sa narinig "Eh nasaan na si Kelly ngayon?" tanong ni Manang Nena "Kasalukuyan po siyang kausap ni Tina sa labas ng gate, dalian niyo po para maabutan pa po natin siya" sabi ni Manong kaya naman agad agad kaming lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Malapit na kami makalabas ng makasalubong namin si Manang Tina. "Nasaan si Kelly manang?" tanong ko "Umalis na sir, pasensya na po hindi ko na siya napigilan" "Pero bakit siya umalis?" sabi ko "Narinig niya po ang usapan niyo ni Manang Nena na ayaw niyo na daw pong makita siya" "Sinabi mo iyon sir?" tanong ni Manong "Telmo" sabi naman ni Manang Nena "Hindi naman iyong ang ibig kong sabihin" sabi ko, nakaramdam ako ng guilt, narinig niya sinabi ko, nasaktan ko ba siya? "Ayaw na niyang makita na may kasama siyang iba dahil mahal na ng alaga natin si Kelly" dagdag ni Manang Nena "Hindi iyon ang pagkaintindi niya, akala niya naging pabigat na siya dito, mas lalo na at may nararamdaman din siya para sainyo" sabi ni Manang Tina "Ano? Ano po?" sabi ko kahit narinig ko sinabi niya pero gusto ko lang makasigurado "Tingin ko mahal kayo ni Kelly sir, kaso tingin niya hindi niyo siya magugustuhan dahil sa estado niya sa buhay" Mahal ako ni Kelly? Mahal ako ni Kelly! Magsasaya ba ako? Wala na siya. Nagulat na lang kami ng umiyak siya. "Kawawa si Kelly" sabi niya "Bakit?" tanong ng dalawang mag asawa "Naalala mo iyong sinabi ko saiyo manang Nena na lagi na lang siya binabangungut, minsan nagigisng ako umiiyak siya, na naging balisa siya simula ng pumunta siya sa gagong lalaking iyon?" sabi ni Manang Tina. Bigla akong kinabahan, huwag naman sana marinig ang nasa isip ko. "Oo" sabi ni Manang Nena "Mu-muntikan na pala siya magasaha ng lalaking iyon" "ANO!?" sabay namin na tatlo Halos manghina ako sa narinig. Shit, gusto ko sugurin ang lalaking iyon. Parang nandidilim ang paningin ko. "Bakit hindi niya sinabi sa atin?" tanong ni Manang Nena "Baka daw husgahan natin siya, naaawa ako sakaniya, dinala niya iyon na wala man lang siyang mapagsabihan" sabi ni Manang Tina "Pero bakit pumunta ang lalaking iyon dito?" tanong ko "Hinuhuthutan niya ng pera si Kelly, nagbabanta na may gagawin na di maganda" mas lalo akong nagalit sa narinig. Nakaya ni Kelly lahat ng ito na mag isa lang niya? "Manong dalian mo ihanda mo sasakyan hanapin natin si Kelly" sabi ko "Sige sir" "Manang alam niyo ba bahay ng lalaking iyon?" "Opo sir, pero ano gagawin niyo dun?" sabi ni Manang Tina "Ipapakulong ko siya" sabi ko saka napatikom ang aking nga kamao sa galit. Umalis na kami ng bahay, hinanap si Kelly. Kung saan saan na kami pumunta pero hindi na namin siya mahanap. Pumunta kami sa adress na binigay ni Manang Tina, pero bago pa kami dumiretso doon nagtawag muna kami ng barangay officials at sabi nila susunod sila. Nakita ko ang lalaking iyon na may kasamang babae at alam kong hindi iyon si Kelly. Bumaba ako, hindi ko na mapigilan sarili ko. "Nasaan si Kelly!?" agad na tanong ko sakaniya "uy andito pala iyong nilalandi ng babaeng pokpok" biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Booooggg Sinuntok ko siya sapol sa bibig kaya pumutok ito, natumba pa siya, susuntukin ko pa sana nang awatin ako ni Manong Telmo "Gago ka pala eh! lakas loob mong pumunta dito para saktan ako, hinahanap mo pa iyong malanding babae eh di ba nasa bahay niyo siya, bakit mo sa akin hinahanap?" sabi niya habang pinupunasan ang dumudugong labi niya. "Nasaan si Kelly!!!???" galit na galit na tanong ko "Hindi ko alam at wala akong pakialam sa haliparot na iyon! Sa babaeng mukhang pera!" sabi niya "Gago ka ah! Huwag na huwag ka ng makalapit lapit sakaniya, pagkatapos ng ginawa mo!!??" sabi ko "Eh pakipot pa eh, malay ko ba kung binenta na niya saiyo ang pagkatao niya kaya siya pumayag na ibahay mo siya" sabi niya na mas lalong nagpagalit sa akin Susugurin ko sana ulit siya nang maglabas siya ng kutsilyo. "Oh ano? Lalaban ka!" sabi niya habang pinapakita ang kutsilyong hawak niya. "Sir, huwag" sabi naman ni Manong Telmo "Ano? Nawala tapang mo!? Gago ka pala eh, akala mo naman sinong mabait eh hindi mo nga alam na namomoblema si Kelly dahil saiyo" "Ano ibig mong sabihin?" "Hindi mo pala alam, Natsitsismiss si Kelly sa opisina niyo kasi binabahay mo daw siya, sinasabi nila na mukhang pera si Kelly" Ano? Totoo ba iyon? May problema siya pero hindi niya sinasabi sa akin? Andami ko na kasalanan kay Kelly. "Umalis na kayo dito bago ko pa kayo saksakin!" sabi ng lalaki "Tara na sir" sabi naman ni Manong pero ayaw ko umalis. "Ano!?" sabi pa nito Uundayan na sana niya ako ng saksak ng biglang dumating ang mga tanod. Hinuli nila agad ito at pinunta sa barangay hall. Umalis na din kami ni Manong Telmo sa lugar na iyon, hinanap si Kelly. Napakasama ko kay Kelly, hindi niya deserve ang mga nangyari sa kaniya. Dumating kami sa bahay na bigo sa paghahanap kay Kelly. "Nakita niyo po siya?" sabi ni Manang Tina nang makita kami. Umiling lang ako. "Sir, may binigay pala si Kelly bago umalis" sabi ni Manang Tina Binigay niya sa aking ang isang sulat, ang cellphone na binigay ko sakaniya at papel na naglalaman ng pera. Binasa ko ang sulat, Sir James, Pasensiya na po kayo at hindi na po ako nakapag alam ng maayos, binabalik ko na po ang cellphone na binigay niyo at alam ko hindi sapat ang perang binigay ko para pambayad sa lahat ng mga nagawa niyo sa akin, tatanawin ko pong utang na loob lahat ng iyon. Maraming salamat dahil sainyo binigyan niyo ako ng dahilan para mabuhay. Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagawa niyo para sa akin. Alam kong huli na, pero gusto ko po sabihin na sa kaunting panahon na nakasama kita natutunan na po kitang mahalin, alam ko sa estado ng buhay ko mahirap na ako ay iyong magustuhan rin pero sa tingin ko hindi lang ito ang tamang panahon para satin dahil kung para talaga tayo sa isa't isa, darating ang araw na magkikita tayo ulit at kung tayo ay parehas na malaya pa. Kelly Napaiyak ako sa sulat niya, mahal niya ako, mahal ko din siya pero hindi ko man lang iyon naipakita o nasabi man lang sakaniya. Kelly, hindi ako titigil hangga't hindi kita nakikita. Kelly, gagawin ko ang lahat ng paraan para magkita tayo ulit. Patawarin mo sana ako sa aking pagiging duwag, sana ipinaglaban na lang kita. . . . Itutuloy . . . Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD