"Chosen to Love You"
Kinaumagahan
Maaga akong nagising at nag ayos ng sarili.
Lumabas na ako ng aking kuwarto at sakatong palabas na din ng kuwarto si Kelly. Magkatapat lang ang kuwarto namin kaya naman nagkangitian kaming dalawa ng makita namin ang isa't isa.
"This is it sir" sabi ni Kelly
"Yes, are you ready?" tanong ko
"Yes sir" sabi niya saka sabay kaming pumunta sa sinabing venue ng meeting namin.
Pagdating namin sa vemue agad namin inayos lahat ng gagamitin namin, projector, laptop at iba pang kailangan gamitin.
Tingin ko maayos na ang pakiramdam ng kasama ko dahil maaliwalas na ang kaniyang mukha.
"Sir, ok ka lang?" sabi niya sa akin ng makita niyang nakatitig ako sakaniya.
"Ah oo, ikaw ok ka na ba?"
"Oo sir"
Mga ilang oras din ang lumipas . . .
"Sir andito na po si Sir Wong" sabi ng isang crew
"Ok sige"
Pumasok na ang aming ka-meeting.
"Goodmorning James" sabi ni Mr. Wong
"Goodmorning sir" sabi ko saka nagkamayan kami
"Who is this beautiful woman?" tanong ni Mr Wong na medyo nagpanting ang tenga ko ayaw ko sa paraan ng pagkasabi niya mas lalo na nung hawakan niya ang kamay ni Kelly at hinalikan ito
"This is Kelly, my partner and girlfriend" sabi ko, nagulat naman si Kelly pero nakikiusap ako sa pamamagitan ng tingin sakaniya na sakyan na lang ako.
"Goodmorning Sir" sabi niya saka ngumiti
"You have a good taste, James" sabi ni Mr Wong saka tinapik ang aking balikat.
"Lets Start" sabi ni Mr. Wong
Nag umpisa na kami sa meeting. Si Kelly ang nag present ng presentation.
Naiinis ako sa mga mata ni Mr. Wong mas lalo na sa pag titig niya si Kelly, parang gusto ko na matapos ang usapan.
And the heck kahit hindi namin sila mapapirma wala ako pakialam.
"Ok na" sabi ni Mr. Wong hindi pa natatapos ang presentation
"What do you mean sir?" tanong ko
"Where is the contract, I will signed it" sabi niya
"Sir?" sabi ko
"The way Ms. Kelly explained the presentation was very impressive and easy to understand, she convince me" sabi niya
Napangiti naman sa akin si Kelly.
Matalino talaga siya at akin lang siya, ay hindi pala may nag mamay ari na sakaniya.
Kinuha ko ang contract at binigay kay Mr. Wong, i-explain ko pa lang sana pero pinirmahan na niya ito.
Nang matapos binigay na namin ang copy sakaniya.
"James, I have to go, I like to join you to have lunch but I need to go, so until we meet again?" sabi ni Mr. Wong at kinamayan ako ulit
"Yes sir, thank you for trusting" sabi ko
"Keep Ms Kelly, she was a beautiful and smart woman" sabi niya
"Yes sir"
"Goodbye Ms. Kelly" sabi nito saka kinamayan na lang si Kelly.
"Godbye sir" sabi naman ni Kelly.
So ngingiti ngiti ka sakaniya? Sa akin lang iyang ngiti mo Kelly!
"Sir ok ka lang?" sabi ni Kelly sa akin
"Oo" sabi ko saka inayos ang mga gamit namin
"Tara na at kumain tayo ng lunch" malamig na sabi ko sakaniya
Hindi ko alam bakit ganito na lang ang ginagawa ko kay Kelly hindi ko mapigilan magselos!
Sorry Kelly. hays
Kumain kami ng lunch, naalala ko hindi kami nakapag breakfast kanina kaya naman madami akong inorder na pagkain namin.
"Kumain ka ng kumain kasi hindi kita napagbreakfast kanina" sabi ko sakaniya
"Opo" sabi niya
Para naman natusok ng toothpick ang puso ko, nagtatampo ata siya sa akin.
"Pasensya ka na kanina ah" sabi ko sakaniya naguguilty ako sa ginawa ko.
"Ok lang po iyon sir, wala ka naman po ginawang mali eh" sabi niya
"Ngapala, dahil maaga pa naman bago ang flight natin, mamasyal muna tayo" sabi ko
"Talaga sir?" masayang turan niya
Bigla na lang nagbago mood niya, ang cute niya talaga.
"Oo" sabi ko na ngumiti sakaniya
"Naku salamat sir" sabi niya
Bumalik nanaman kami sa dati, masayang nagkuwekuwentuhan.
"Ang galing mo kanina, lahat talaga ng makakarinig saiyo mamamangha" sabi ko
"saiyo ako natuto sir, taga hanga mo po ako eh, inaral ko lahat ng ginagawa mo pag nagprepresent" sabi niya
hindi ko maintindihan bakit bigla na nag init ang mga pisngi ko. hindi na din ako nakaimik
Pagkatapos namin kumain, sabi ko sakaniya magpalit muna kami ng medyo comfortable para naman makagalaw kami ng maayos.
Pumayag naman siya. Kaya nagpunta muna kami sa kani-kaniyang kuwarto namin.
Nagkita na lang kami sa lobby, at nagulat ako nang makita ko siya.
"Sir kanina ka pa?" sabi niya
Ang ganda niya sa suot niya, napakasimple sa puting t-shirt at sa shorts niyang maong.
"Sir?"
"Ah, hindi naman, tara na?" sabi ko saka nagpatiunang naglakad pero agad naman itong lumapit sa akin
Nilibot namin ang buong boracay, at nakikuta kong nagugustuhan niya ang nakikita niya.
May isang lugar na magandang kumuha ng picture pero nagtataka ako bakit hindi siya nagpipicture.
"Kelly, ayaw mo ba magpapicture?"
"Po?" sabi niya
"Ang ganda ng view oh, gusto mo picturan kita?"
"Ah sige sir" masayang sabi niya
"Akin na Cellphone mo" sabi ko, bigla na lang siya lumungkot
"Hindi na pala sir" sabi niya
"Bakit?"
Pinakita niya ang cellphone niyang de keypad
"medyo pangit kasi ang kuha nitong camera ng cellphone ko sir eh" sabi niya
"Wala ka bang cellphone na android"
"Wala sir"
"eh paano ka nagmemessenger?"
"may f*******: po ito sir, pero mas ginagamit ko po iyong computer sa opisina po" sabi niya nakayuko ito sa akin
"Naku, sige puwesto ko na doon, itong cellphone ko na lang gamitin ko, isend ko sa messenger mo"
"talaga sir, salamat po, para maipakita ko din kina mama po" sabi niya
Pumwesto siya da magandang view at nagpose
Kinunan ko siya ng litrato at kumuha pa ako ng isang anggulo na nakaclose up iyong bang kitang kita ang mga ngiti sa mukha niya.
Picture para sa akin.
"Thank you sir" sabi niya saka pinagtuloy na namin ang aming paglilibot.
Bumili kami ng pasalubong sa bahay, siya ang namimili para kina Manang Nena at sa iba pa.
Sabi ko mamili din siya ng para sa kaniya pero huwag na daw, malaking pasasalamat na daw niya na isinama ko siya doon.
Matapos iyon, kumain muna kami at saka nag ayos na ng mga gamit.
Nang makarating na kami sa airport, uminom na siya ng gamot pang pahilo.
Naging maayos ang pag uwi namin.
Paglabas namin ng airport andoon na si Manong Temyo.
"Manong nakuha niyo po ba pinapakuha ko?" tanong ko sakaniya pero pabulong para di marinig ni Kelly na busy sa pag aayos ng mga gamit
"Opo sir" sabi niya saka binigay ang isang kahon
"Salamat po" sabi ko saka sumakay na ng sasakyan. Tinago ko sa aking bag na hawak ang binigay ni Manong Temyo.
Sabay naman na sumakay ang dalawa sa sasakyan.
"Kamusta ang biyahe Kelly?" tanong ni Manong Temyo
"naku ok lang po" sabi naman niya
"buti hindi ka nahilo" sabi ni Manong Temyo
Napatingin naman sa akin si Kelly at saka ngumiti
"Actually Manong nung papunta kami nawalan ako ng malay" sabi niya habang tumatawa
Doon na nag umpisa ang aming masayang kuwentuhan sa loob ng sasakyan.
Pagkadating namin sa bahay, nauna na akong bumaba.
"Kelly, magkita tayo sa Study Room" sabi ko saka nagpatiunang maglakad.
Kahit hindi ko nakita reaction niya alam kong nagtataka ito.
"Sige Kelly ako na bahala dito sundan mo na lang si sir" narinig kong sabi ni Manong Temyo
Pagdating ko sa aking study room. Inayos ko ang sarili ko.
Tok Tok Tok
"Pasok ka" sabi ko
Pumasok si Kelly na nagtataka ang mukha.
"Sir may nagawa po ba ako?" sabi niya
"Ito oh" sabi ko sabay lahad ng binigay sa akin ni Manong Temyo sa kaniya.
"Ano po ito sir?" takang tanong nito at kinuha ang binibigay ko
"Para saiyo"
"Cellphone?" nagulat na sabi niya.
"Para sa akin po?" sabi niya na hindi parin makapaniwala
"Oo, para saiyo, pasasalamat dahil saiyo pumayag si Mr. Wong sa kontrata at saka kakailanganin mo iyan, sigurado ako" sabi ko sakaniya.
"Naku, pero nakakahiya po" sabi niya
"Huwag ka ng mahiya, wala pa iyan sa ginawa mo sa kumpanya dahil malaking investor si Mr. Wong. Wala pa iyan sa 1/4 ng naidala mo sa kumpanya" pangungumbinsi ko
"Naku, salamat po sir! Salamat po" sabi niya
"Walang anuman" sabi ko
Hindi parin ito umaalis sa aking harapan.
"Ok na, puwede ka na lumabas" sabi ko
"ah, eh sir" parang may gusto siyang sabihin
"Ano iyon?"
"Sir may tanong lang po ako" sabi niya
"Ano iyon?"
"Huwag mo po sana mamasamain ang itatanong ko, kasi naalala ko po sinabi niyo kanina kay Mr. Wong na-" nag aalalangan siya kung itutuloy pa ba niya ang tanong niya o hindi na.
"Ano iyon?"
"Bakit ang pakilala niyo sa akin kay Mr. Wong eh partner at girlfriend hindi po assistant"
Kasi iyon ang gusto ko, na sana mangyari.
Gusto ko sana sabihin iyan pero natatakot ako baka bigla niya akong hindi pansinin
"Ayaw ko kasing nababastos ka, the way na tignan ka niya and kausapin, tingin ko gusto ka niya, at ayaw kong nang ganun dahil kilala ko si Mr. Wong" sabi ko
"Ah, ok po salamat po ulit dito, sige po sir" sabi niya
"Sige, pakisabi na lang kina Manang na hindi na ako kakain" sabi ko
"Sige sir" sabi niya
"Goodnight Kelly" pahabol na sabi ko
"Goodnight sir" sabi niya saka ngumiti ng matamis.
Kanina pa siya umalis pero hindi ko parin siya makalimutan.
Kasalukuyan na din akong nasa kuwarto nun, tinitignan ko ang kisame pero mukha niya ang nakikita ko.
Napabangon ako nang marinig kong tumunog ang aking cellphone.
"Sir, gising pa kayo?" message ni Kelly sa akin sa messenger. Mukhang gamit na niya ang binigay kong cellphone.
"Oo bakit?" kinabahan naman ako, ano kaya sasabihin niya.
"Pakisend naman po iyong picture ko sa Boracay sir" sabi niya
Ay oo nga pala ano, nakalimutan ko na isend.
"Ok" reply ko saka sinend lahat ng picture niya maliban sa isa na baka magtaka siya bakit ko nagpicture ng ganun.
"Thank you sir ❤️"
Napangiti naman ako ng may Heart pa siyang nilagay sa reply niya.
Kinikilig ata ako!
Hindi na ako nagreply sakaniya, masaya na lang akong natulog sa gabing iyon.
. . . Itutuloy . . .
Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.