Maaga ako nagising ng umagang iyon.
Kasalukuyan akong pababa noon ng may mapansin akong babae na nakatalikod mula sa akin. Galing ito sa kuwarto ni Manang Tina.
Kinabahan ako, may multo ba dito sa bahay?
Unti-unti akong lumapit sa kaniya at sakto naman na humarap siya sa akin
"Aaahhhh!" sabay na sigaw namin
"Ano iyon?"
"Anong nangyari?"
Natatarantang lumabas mula sa kusina si Manang Nena at Manang Tina.
Doon ko lang napagtanto na si Kelly pala iyon.
Tumatawa naman ang dalawa nang makita ang itsura naming dalawa ni Kelly.
"Sir, sorry po nagulat ko po kayo" sabi ni Kelly
"It's ok, nagtaka lang din ako bakit galing ka sa kuwarto ni Manang Tina" sabi ko
"Ah hindi ko po pala nasabi saiyo sir, nakikuwarto si Kelly kay Tina" sabi ni Manang Nena
"Bakit po?"
"ah ako po ang may gusto niyan sir, pasensya na hindi ako sanay sa malaking kuwarto"
"Sure ka? Baka sabihin mo ginagawa kitang-"
"Hindi sir, ok lang po sa akin" sabi niya saka ngumiti
Ito nanaman tumatambol nanaman ang puso ko mas lalo na at nakikita ko ang mga ngiti niya.
?Magandang Dilag, puso ko ay iyong nabihag?
Bigla ko na lang narinig ang kantang iyon at bigla nag slow motion ang paligid mas lalo na ang paggalaw ni Kelly.
"Sir?"
"Sir?"
"Sir?"
Nagulat na lang ako ng tinapik ako ni Manang Nena na siyang malapit sa akin. Doon lang ako natauhan.
Wala na din pala sa aking harapan si Kelly, mukhang nagpaalam na.
"Asan na si Kelly?" tanong ko
"Ah bumalik muna sa kuwarto sir at maliligo na daw po, nagpaalam pa nga po sainyo eh" sabi ni Manang Tina
"Ah" iyon na lang sinabi ko
"Ano gusto niyo kainin sir?" sabi naman ni Manang Nena
"Kahit ano na po" sabi ko
"maliligo na din po ako at maghanda para pumasok, maiwan ko muna kayo" dagdag ko pa at tumalikod na sa dalawa.
"Anong nangyari doon?" narinig kong tanong ni Manang Nena
"Naku, natamaan ata!" sabi naman ni Manang Tina
"Ikaw talaga, tara na nga" sabi nila
Nakarating na ako sa kuwarto ko nang maalala ko nanaman ang nangyari kanina.
?Magandang Dilag, puso ko ay iyong nabihag?
Naririnig ko nanaman ang kantang iyon at nakikita ko nanaman si Kelly.
"Naku, natamaan ata!"
Tumatak sa aking isipan sabi ni Manang Tina
Natamaan na nga ata ako kay Kelly.
Iniling ko ang aking ulo at inalis sa aking isipan lahat ng iniisip ko.
"Maligo ka na lang James nang bumango ka naman" sabi ko na lang sa sarili ko at tuluyan na akong pumasok ng banyo.
Pagkatapos ko mag ayos, lumabas na ako ng aking kuwarto para mag almusal.
Andoon na silang apat, ako na lang pala ang hinihintay.
"Sir tara kain na po tayo" sabi ni Manang Nena
Umupo ako, nagdasal muna kami at kumain, syempre hindi mawawala ang kuwentuhan.
Mas masaya ngayon sa hapag kainan mas lalo na at may kasama kaming maganda, ay may bago kaming kasama.
Pagkatapos kumain pinahanda ko na kay Manong Temyo ang sasakyan.
Pumunta ako sandali sa aking kuwarto para kunin ang aking gamit. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng aking kuwarto at bumaba na ng hagdan.
"Nasaan si Kelly?" tanong ko kay Manong Temyo nang pasakay na ako ng sasakyan.
"Sabi niya sir mauna na siya, pinipilit ko nga na makisakay na sa atin kaso huwag na daw"
Baka nahihiya pa, pero hindi pa niya kabisado dito.
Paglabas namin sa gate ng bahay, wala naman Kelly na naghihintay ng sadakyan.
"Nakasakay na kaya siya?" tanong ko sa aking sarili.
"Sir, ang lalim ng iniisip niyo ah" sabi ni Manong Temyo
"Ah, hindi naman manong" sabi ko hanggang sa may napansin ako sa daan
"Si Kelly ba iyon manong?" tanong ko sabay turo sa babaeng naglalakad.
"Ay oo nga sir, naku tong batang to, kailan pa siya makakarating kung maglalakad siya papasok" sabi ni Manong saka itinapat ang sasakyan kay Kelly.
Binaba nito ang bintana ng sasakyan.
"Kelly!" sigaw ni Manong halata naman na nagulat si Kelly
"Manong Temyo, Sir James, kayo po pala" sabi niya saka magkasunod na tinignan kaming dalawa.
"Sakay ka na Kelly, naku masyado malayo dito ang kumapanya kung maglalakad ka" sabi ni Manong
"Naku, huwag na po manong, kailangan ko kasing gawing pamilyar ang sarili ko dito para pag may chance na umuwi ako o pumasok ako ng mag isa alam ko na po gagawi ko"
"Sumakay ka na, turuan na lang kita pag wala kang pasok" sabi ni Manong
Tumingin si Kelly sa akin, mukhang hinihintay nito ang sasabihin ko. Mukhang nahihiya ito sa akin.
"Oo pumasok ka na Kelly" sabi ko na lang.
She have no choice, ako na ang nagsalita kaya naman pumasok na siya ng sasakyan.
"Salamat po" sabi niya
Nang medyo malapit na kami sa kumpanya nagpababa na si Kelly, ayaw daw niya kasi may masabi ang ibang tao, at napag usapan din namin na huwag na namin sabihin sa iba na doon siya nakatira sa min.
Ayaw ko man na maglakad siy pinayagan ko na lang, naiintindihan ko naman dahil ang chismis minsan nakakasira ng tao. Ayaw ko naman na pagchismisan si Kelly nang dahil lang sa akin.
**********************
Naging maayos ang dalawang linggo ni Kelly sa bahay, hindi lang maayos kundi sobrang saya sa bahay.
Ang saya ko at di ako nagsisisi na pinatira ko si Kelly sa bahay, dahil sa two weeks na iyon, mas nakilala ko siya at aaminin ko nagugustuham ko na siya.
Nagugustuhan? Tingin ko mahal ko na siya.
Naging makulay ang mundo ko nung dumating siya.
Kahit sa two weeks lang na iyon alam kong totoong tao siya.
Tumutulong siya sa bahay kahit hindi siya sabihan at kahit pinagbabawalan na siya nila Manang.
Makikita din sakaniya ang pagiging simpleng tao niya, sa pananamit pa lang.
Sa trabaho naman makikita mong matalino siya, halos lahat ng pagawa ko ay nagagawa niya on time.
Hindi ko alam kung masyado lang akong Exaggerated sa pagdedescribe ko sakaniya dahil may gusto ako sakaniya pero ganoon talaga nakikita ko eh.
Sa two weeks din iyon, kasabay namin siyang pumapasok pero bumababa ito bago pa makarating sa kumpanya at naglalakad siya papasok ng kumapanya.
Ako naman para hindi nila sabihin na mas nauuna pa ako pumasok kesa kay Kelly, hindi muna kami dederetso sa kumpanya ni Manong Temyo.
Pag uwian naman, mauuna siyang lumabas at hihintayin na lang niya kami kung saan namin siya binababa sa umaga.
"Sir?"
Bumalik ako sa kasalukuyan nang tawagin ako ni Kelly.
"Yes?" sabi ko, nakatayo ito sa aking harapan.
"Bukas po pupunta kayo ng Boracay may kakausapin po kayong investor doon dahil iyon po ang request niya"
Ay oo pala, buti na lang at pinaalala niya.
"Oo, magpabook ka ng Flight natin para bukas" sabi ko,
"Po?" nagtaka naman ako bakit siya nagulat.
"Bakit?" sabi ko
"Natin sir?"
"Oo, sasama ka, assistant kita di ba?" tanong ko
"Oo, assistant niyo lang po pala ako" sabi niya na aking pinagtaka.
"I mean opo, ano pong oras sir?" tanong ko
"Magpabook ka ng bukas 3:00 papuntang boracay then kinabukasan nun 5:00 ng hapon pabalik ng Maynila, siguro naman matatapos iyon ng umaga" sabi ko sakaniya, isinusulat naman niya ang lahat ng sinasabi ko
"Maghahanap na din po ba ako ng matutuluyab sir?"
"Hindi, ako na bahala doon" sabinko
"Ok po sir" sabi niya saka tumalikod na
"Hmmn, wait and one thing" sabi ko
"ano po iyon sir?"
"Pakiayos at pakirevise naman kung may irerevise sa presentation na gagamitin natin doon, ito ang flash drive" sabi ko sabay lahad ng flash drive na hawak ko
Agad naman niya itong kinuha at muntikan na akong matumba sa kinauupuan ko ng magdikit ang aming mga kamay.
"Sige po sir" sabi niya saka ngumiti
Naku naman huwag naman iyang ngiti na iyon.
"May sasabihin ka pa sir?" tanong niya
"Wala na" sabi ko at kunwari busy na ako sa ginagawa ko.
Narinig ko na lang ang mga yabag niya palabas at pagsara ng pintuan ng aking opisina.
Ganito kami pag nasa opisina, napaka casual namin sa isa't isa pero pag sa bahay para kaming magkapatid na laging nagtatawanan.
Naalala ko lang, sa two weeks na pamamalagi niya sa amin, hindi ko pa nakikita ang kaniyang kasintahan, pero ang sabi ni Manang Nena, si Kelly ang pumupunta sa bahay ng kaniyang kasintahan, napakasuwerte naman ng lalaki.
Sana nga ay ako na lang.
**********************
Kinabukasan, hindi na kami pumasok sa opisina.
Pinakita at siya mismo ang nagpresenta sa aking ng kaniyang ginawa nanrevesion ng aming presentation.
Nakakamangha talaga siya, pero aaminin ko hindi naman talaga sa presentation niya ako nakafocus kundi sa mukha niyang para bang anghel.
"Sir, ok na po ba?"
"Huh? Ah oo, sige magpahinga ka na at magready, 2:00 aalis na tayo" sabi ko
"Sige po sir"
Alas dos ng Hapon, pumunta na kami sa Airport at napapansin ko kay Kelly na medyo hindi siya mapakali.
Mas lalo siyang hindi mapakali nang makasakay na kami sa eroplano.
"May problema ba?" tanong ko
"Ehmm, kasi po-"
"Ngayon ka lang ba makakasakay ng eroplano" tanong ko
"Opo, hehehe" sabi niya saka ngumiti
"Naku, huwag kang mag alala andito naman ako" sabi ko
"Alam ko po sir" sabi niya, na medyo nagpakilig sakin, alam niya? Alam niyang andito lang ako para sakaniya?
"Dapat ba bumili tayo ng gamot? Baka mahilo ka"
"Binigyan na po ako ni Manang Ne-, ay nakalimutan ko iyong gamot hahaha" sabi niya na medyo napalakas pa ang tawa kaya naman natawa na din ako
"Naku"
"Ok lang sir, matutulog na lang ako" sabi niya
Nagkatinginan kami nang inanounce na nila na mag tatake off na ang eroplano.
Nang pataas na ang eroplano, bigla na niya hinawakan ang kamay ko.
Inalis ko ang kamay niya pero agad ko naman ito hinawakan para naman ako ang hahawak sakaniya.
Tumingin ako sakaniya at ngumiti.
Ngumiti din naman siya sa akin.
Nang nasa himpapawid na kami inalis na ni Kelly ang kamay niya sa pagkahawak ko, at nagkailangan kami.
Napatingin na lang siya sa labas ng eroplano mula sa bintana ng eroplano.
Para naman siyang bata nang makita ang nasa labas.
"Ang ganda pala sir ano?" sabi niya
"Oo, kasing ganda mo" sabi ko na ang huling tatlong salita ko ay binulong ko lang.
Naging ok naman ang byahe namin, nakatulog pa nga si Kelly sa aking balikat ko.
Para pa siyang bata na tumitingin sa paligid na amin dinadaanan habang kami ay papunta sa aming tutuluyan.
Pagkarating namin sa aming tutuluyan, nagulat na lang ako ng mapahawak sa aking balikat si Kelly.
"Sir" sabi niya, napatingin ako sakaniya at nakita ko ang namumutla niyang mukha.
"Ok ka lang?" sabi ko
"Hi-" hindi niya na natapos sasabihin niya bigla na lang siyang nawalan ng malay, buti na lang at nasalo ko siya.
Agad naman kami tinulungan ng mga crew doon, pero syempre ako ang nagbuhat kay Kelly, tinulungan lang kami mag check in para naman makapunta kami agad sa aming tutuluyan.
Binantayan ko si Kelly hanggang sa magising siya.
"Are you ok?" sabi ko na nababakas ang pag aalala
Ngumiti ito sa akin
"Sorry sir" sabi niya na pilit umuupo sa kama
Tinulungan ko naman siya sa pag upo.
"Bakit ka nagsosorry?" sabi ko
"Ah kasi nahimatay po ako, talagamg nahilo lang po siguro ako sir" sabi niya
"Wala iyon, naiintindihan ko naman" sabi ko,
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan.
"Halika na at kumain na tayo" sabi ko sakaniya,
"Kaya mo ba tumayo o dito ka na lang kumain sa kama" sabi ko
"Kaya ko po sir" sabi niya, tatayo na sana siya nang mapansin kong hindi pa talaga niya kaya.
"No, don't force yourself" sabi ko kinuha ko ang mga pagkain at nilapit na lang sakaniya.
Kumakain kami habang nagkuwenkuwentuhan, nagtatawanan pa kami.
Hindi kami naiilang sa isa't isa, para ba kaming iisang pamilya.
Matapos kaming kumain, pinalipas ko muna ang tatlumpong minuto bago sabibin sakaniya na matulog na siya.
"Matulog ka na alam ko naman na pagod ka" sabi ko
Nakita ko naman ang mukha niya na nag aalangan.
"My problema ba?"
"Ah, kasi po, paano po kayo? I mean-"
"huwag mo ako aalahanin, sige matulog ka na"
"Sir, kasi hindi po ako sanay na-"
"Na andito ako? Parang hindi tayo nakatira sa iisang bahay" pagbibiro ko
"Opo, pero sa isang kuwarto po?"
"Ay, huwag kang mag alala hindi ako dito matutulog, hintayin ko lang na makatulog ka lalabas na din ako" sabi ko
Nakita kong guminhawa ang itsura niya.
"Unless, gusto mong tabi tayo" sabi ko kasu medyo binulong ko iyon
"Po?" sabi niya
"Wala, sige na tulog ka na, I'll make sure na ok ka bago ako pumunta sa aking kuwarto"
"Sir, ok lang ako, alam ko pagod ka din kaya kailangan mo din po ang pahinga mas lalo na at maaga po tayo para bukas" sabi niya
"Ok, sige, i-lock ko ang pinto pagkalabas ko, imessage mo na lang ako pag may kailangan ka ok?"
"yes sir" sabi niya
Tinulungan ko muna siya makahiga bago ako tuluyang umalis.
"Goodnight Sir" pahabol niya
"Goodnight Kelly" nakangiting sabi ko ang tuluyan ng isara ang pintuan ng kuwarto niya.
Nang nasa loob na ako ng aking kuwarto, nahiga na ako agad, hindi ko na din namalayan na nakatulog na pala ako.
. . . Itutuloy . . .
Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.