Kinaumagahan, Alas Singko y Media nang pumasok si James sa kanilang opisina, papasok na siya sa kanyang opisina nang matigilan siya,
"Tama ba napasukan ko?" napaatras pa siya at tinignan ang pintuan na kanyang papasukan.
"Tama naman, pero bakit madaming gamit dito?"
"Go-goodmorning sir" bati ni Kelly kay James nang lumabas ito mula sa kusina.
"Oh andiyan ka na pala, ang aga mo ah, teka, saiyo ba itong mga gamit dito? Nagbebenta ka din ng mga damit?" sabi ni James
"Po? Hindi po" sabi ni Kelly at medyo lumungkot ito
Tinawagan ni Kelly kahapon ang kanyang boyfriend niyang si John pero hindi niya ito natulungan, at naiintindihan naman niya ito dahil nakikituluyan lang din ito sa bahay ng kanyang kamag anak.
Nang wala ng maisip si Kelly na puwede niyang pagtulugan, nagbakasakali siyang pumayag si Kuya Guard sa kumpanya na kanyang pinapasukan.
Laking pasasalamat na lang niya at pumayag si kuya, binigyan pa siya nito ng pagkain.
"Ok ka lang?" sabi ni James sa kanyang assistance, medyo nagulat naman si Kelly dahil nakalapit na pala ang kanyang boss sakaniya.
"Ah opo" sabi nito pero hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili sa pag iyak
"Ano ba problema?" sabi ni James, para bang nahahati ang kaniyang puso nang makita ang pag iyak ni Kelly.
"Pasensya ka na sir, kung dito po ako natulog at dinala ko po mga gamit ko, pinalayas po kasi ako ng may ari ng tinutuluyan ko"
"Huh? Bakit? Kailan? Kagabi? Eh di ba ang lakas ng ulan kagabi?" sunod sunod na tanong ni James kay Kelly.
"Hindi po kasi ako nakapagbayad ng upa sa bahay, inaasahan ko po kasi na sa sahod makakapagbayad na po ako. Kaso nakahanap na po ng bagong uupa ang may ari ng bahay kaya pinaalis na niya po ako" nakayukong sabi ni Kelly
"Grabe naman ang may ari ng bahay na inuupahan mo. Wala ka bang pamilya dito?" sabi ni James
"Wala po, nasa probinsya po sila at hindi po nila alam ang nangyari dahil ayaw ko po silang mag alala sa akin"
Nakaramdaman naman ng awa si James sa kanyang assistant.
JAMES's POV
Nakakaawa naman itong si Kelly. Kung puwede ko lang siyang yakapin, niyakap ko na siya!
"Saan ka na niyang titira?" tanong ko sakaniya
"Maghahanap pa lang po mamaya sir" sabi niya sa akin
"Kung gusto mo, doon ka na lang muna sa bahay" wala sa sariling nasabi ko iyon
"Po?" gulat na tanong ni Kelly napatingin pa ito sa akin
Ano ba kasi pinagsasabi mo James!?
"Sabi ko doon ka muna tumira sa bahay"
Bakit hindi ko magawa ipreno tong bibig ko? Ano ba naiisip ko?
"Si-sigurado po ba kayo sir?" tanong niya
"Oo, ayaw ko naman na nahihirapan ang assistant ko, paano ka makakapag trabaho ng maayos kung marami ka iniisip di ba? Ayaw ko ng assistant na madaming iniisip"
Iyan, tama iyan James, ang galing mo magdahilan, ang bait mo! Sobrang bait mo!
"Nakakahiya naman po sir"
"Huwag ka nang mahiya, pansamantala lang naman iyon dahil pag nakahanap ka ng ng maganda gandang lilipatan puwede ka na lumipat"
Sige James, ipilit mo pa!
"Pero sir_"
"May problema ba?"
"Ang totoo niyan wala pa po ako pera para makakuha ng bagong uupahan, hihintayin ko pa po na-"
"walang problema doon, puwede ka doon hanggang sa makahanap ka ng malilipatan"
"Talaga sir, salamat po, Tutulong na lang po ako sa mga gawaing bahay doon para naman po pambayad sa pagpapatira niyo sa akin doon sir"
"Hindi, kahit huwag na"
"Salamat talaga sir" sabi ni Kelly at sumilay na ang ngiti sa kaniyang labi.
Bigla naman bumilis ang t***k ng aking puso.
"Sir salamat talaga" sabi niya pa sa sobrang tuwa niya niyakap niya ako na aking kinabigla.
Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita, para ba akong napako sa aking kinakakatayuan.
"Ay sorry sir" sabi niya saka unti unitng kumalas sa pagkayakap sakin
Kung puwede lang sabihin na yakapin niya lang ako ginawa ko na.
"Sige mayang hapon sumabay ka na lang sakin" sabi ko saka dali-daling pumasok sa aking opisina. Ramdam na ramdam ko pa na nag iinit ang aking mga pisngi.
Nanghihina akong umupo sa aking upuan, para bang hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina!
Tama ba naging desisyon ko? Sana nga tama ang naging desisyon ko!
**********************
Hinintay namin na maka alis na ang lahat ng mga empleyado ng kumpanya bago kami umalis ni Kelly sa opisina.
Nagpasama na din kami kay Manong Temyo, na aking driver, sa pagbaba ng gamit ni Kelly.
"Manong, ito si Kelly, makakasama natin sa bahay at assistant ko"
"Kelly, ito naman si Manong Artemio, matagal ko ng personal driver" pakilala ko sa dalawa.
"Hello po Manong Artemio"
"Naku Manong Temyo na lang mam"
"Kelly na lang din po manong"
"Oh siya lahat ba ng bagahe mo nasa sasakyan na?" singit ko sakanilang dalawa
"Opo sir" sagot ni Kelly.
"Tara na manong"
Naging tahimik ang loob ng sasakyan ng binabagtas namin ang daan pauwi.
Alam kong gusto magtanong ni Manong pero ayaw niya lang sabihin dahil andito si Kelly. Si Manong kasi pag dadalawa lang kami madaldal siya, lahat naikwekuwento niya.
Nang makarating kami sa bahay at papasok na ang sasakyan sa gate,
"Sir hindi po kaya magalit magulang niyo-"
"Wala sila dito, ako lang nakatira kasama ang mga maids dito" sabi ko
Bumaba na kami ng sasakyan at sumalubong naman si Manang Nena at si Manang Tina.
"Magandang Gabi Sir, sino po itong kasama niyo?" tanong ni Manang Nena,
Nahihiya naman tumingin si Kelly sa dalawa.
"Manang ito po si Kelly, makakasama natin dito sa bahay, bago ko pong assistant, wala siyang matuluyan kaya sinabi ko dito muna siya habang wala siyang matuluyan" sabi ko
"Naku, welcome iha" nakangiti at sabay na sambit ni Manang Nena at Manang Tina kaya naman napangiti si Kelly.
"Maiwan ko na muna kayo, pakitulungan niyo na lang po siya at samahan papunta sa guest room" sabi ko saka umalis na.
KELLY'S POV
Tama ba ang desisyon ko na sumama kay sir James?
Pero may choice ba ako?
Buti na lang at parang mababait naman ang mga kasama niya dito.
"Ano na ulit pangalan mo iha?" tanong ng isang sumalubong samin kanina, kasalukuyan na kaming papunta sa guest room na sinasabi ni Sir.
"Kelly po"
"Ako naman si Manang Nena, at ito si Manang Tina" pakilala ni Manang Nena
"Hello Kelly" sabi ni Manang Tina na ngumiti pa.
May edad na silang dalawa at mukhang matagal na din silang kasama ni Sir James katulad ni Manong Temyo. Pero kung titignan mas matanda si Manang Nena kesa kay Manang Tina, parang magka edad si Manang Nena at Manong Temyo.
"Dito ang magiging kuwarto mo" sabi ni Manang Tina ng makarating kami sa isang kuwarto doon
"Hmn, manang puwede po ba akong makikuwarto na lang po sainyo?" sabi ko
"Huh?" sabay nilang sabi
"Kasi masyado po malaki itong kuwarto mas sanay po kasi ako sa maliit"
"Sigurado ka?" tanong ni Manang Nena
"Opo"
"Sakto, sa kuwarto ko na lang ikaw makikuwarto, Si Manang Nena kasi kakuwarto niya si Manong Temyo, mag asawa kasi sila."
Ah mag asawa pala si Manang Nena at Manong Temyo.
"Wala po ba kayong kasama sa kuwarto niyo po? Hindi po ba ako nakakaabala?" sabi ko
"Wala eh, kasi ang kasama ko dati sa kuwarto kinuha nila Mam at Sir, iyong magulang ni Sir James"
"Sige po" sabi ko
Kaya naman tulong tulong ulit kaming binuhat ang mga gamit ko at ipinunta sa kuwarto ni Manang Tina.
"Salamat po pumayah kayo" sabi ko
"sana hindi kami pagalitan ni Sir kasi dito ka namin pinatuloy" sabi naman ni Manang Nena
"Naku wala pong problema, pag wala po akong ginagawa tutulong din po ako sa mga gawain dito, tutulong po ako sainyo, para na din po makabayad ng utang na loob kay sir kahit pa sa ganong paraan lang po"
"Pagpasensyahan mo na iha ah, tanong lang sana namin bakit ka nga ba pinatuloy ni sir dito?" tanong ni Manang Nena
Sinabi ko naman sakanila ang totoong nangyari,
"Kaya nga po laking pasasalamat ko at mabait si Sir James, kasi kung hindi niya ako inalok baka hindi ko po alam saan ako matutulog ngayong gabi"
"Naku mabait talaga iyang si Sir James, mula pagkabata alaga ko na iyan. Wala ka masasabi sa kaniyang kabaitan" sabi ni Manang Nena.
"Ay teka, speaking Manang Nena, hindi pa tayo nakapagluto baka nagugutom na alaga mo"
"Ay oo nga pala"
"Ano po ba lulutuin niyo Manang baka makatulong po ako, masarap po ako magluto" pagmamalaki ko, kasi alam ko iyon lang ang maipagmamalaki ko.
"Talaga? Tara sa kusina, para naman hindi ka maboring diyan mag isa" sabi ni Manang Tina
"Sige manang" sabi ko
Inayos ko lang ng kaunti ang gamit ko saka sabay sabay na kami pumunta ng kusina.
Ang laki talaga ng bahay nila sir James, kusina pa lang sobrang laki na.
Habang nagluluto kaming tatlo, pati kasi ako nakikisali na, nagkwekuwentuhan kami.
Si Sir James pala ay nag iisang anak, ang mga magulang niya ay nasa ibang bansa, sila ang nagpapatakbo ng kumpanya nila doon.
Kuwento nila manang, ang bahay na iyon ay sarili ni Sir James, iba pa pala ang bahay nilang pamilya.
"Sobrang yaman po pala nila ano po? Suwerte siguro magiging asawa ni Sir James"
"Naku, oo naman kaso wala pa naman girlfriend paano magkakaasawa" sabi ni Manang Nena
"Oo nga" sabi naman ni Manang Tina, saka sila nagtawanan
"Eh bakit nga ba wala pa siyang Girlfriend manang?" tanong
"Naku, naheartbroken iyan, nalaman niya na pineperahan lang siya nung babae, eh sobrang minahal pa man din niya iyon"
"Grabe naman iyan, eh tingin ko naman mabait si sir" sabi ko
"Oo mabait, pero simula nung naheartbroken, ayun medyo naging masungit at irritable" sabi ni Manang Tina
Sabagay hindi ko pa siya masyado kilala kasi dalawang araw pa lang ata kami magkakilala pero tignan mo naman pinatuloy na niya ako sakaniyang bahay.
"Ikaw ba Kelly may kasintahan na?" biglang tanong ni Manang Nena
"Opo, meron na po" sabi ko naman
"Tingin namin saiyo ni Manang Nena, mabait kang bata at mukhang matalino" sabi naman ni Manang Tina
"Hehe mukha lang po" sabi ko naman
"Tikman niyo po itong niluto ko" sabi ko ng makaluto na ako.
Lumapit naman silang dalawa saka tinikman ang aking niluto.
"Naku hindi ka lang mabait at matalino, masarap pang magluto" sabi ni Manang Nena,
"Oo nga, sigurado magugustuhan ito ng alaga ni Manang Nena, nagsawa na din kasi sa luto ni manang nena eh" sabi ni manang tina
"Uy ano sinasabi mo, hindi ah mamaya maniwala si Kelly saiyo" sabi ni Manang Nena
"Joke lang manang" sabi niya saka kami nagtawanan.
"Mukhang masaya po kayo ah"
Nagulat na lang kaming tatlo nang magsalita si Sir James sa aming likuran.
"Ito kasing si Kelly sir, maganda palang kakuwentuhan" sabi naman ni Manang Tina
Medyo namula ako mas lalo na nung tumingin sa akin si sir James.
Ilang minuto din kami nagkatitigan.
"Ehem" sabay na sabi ng dalawa
"Kain na po tayo" biglang sabi ni James at binawi ang tingin sa akin
"Sige sir, umupo na po kayo at maghahain na po kami" sabi ni Manang Nena
"Halika Kelly, samahan mo akong bigyan ng mga pagkain ang mga Guwardiya sa labas" sabi naman ni Manang Tina
"Sige Manang" sabi ko
Nag ayos muna kami ng pagkain para sa mga guwardiya saka kami lumabas.
"Alam mo dito, sabay sabay kaming kumakain nila sir, ako, si manang Nena, si Manong Temyo, tapos ang mga guwardiya binibigyan namin ng pagkain. Iyon kasi ang gusto ni Sir." sabi ni Manang Tina
May taglay talagang kabaitan si Sir.
"Thank You Manang Tina, may kasama ka pa lang magandang dalaga, pakilala mo naman kami Manang Tina" sabi ng mga guwardiya na aking kinamula.
"Naku, kayo talaga, bisita iyan ni Sir James kaya huwag kayong ganyan" sabi ni Manang Tina
"Si Manang Tina naman papakilala mo lang naman kami"
"Ito si Kelly, assistant ni sir dito muna siya titira, ito naman si Paul, Kevin at saka si Lloyd"
"Hello mam Kelly" sabay sabay nilang turan
"Hello po" sabi ko naman
"Oh siya kumain na kayo diyan at babalik na kami" sabi ni Manang Tina
"Babye mam Kelly" sabay na sabi nanaman ng tatlo na ikinatuwa ko.
"Masayahin talaga mga tao dito kasi mabait ang Boss namin" sabi naman ni Manang Tina nang pabalik na kami sa bahay.
"Halata nga manang" sabi ko naman
Nang makabalik kami sa kusina, nakaayos na ng hapagkainan si Manang Nena at si Manong Temyo, nakapuwesto na din ang mga ito.
"Halina kayo at kakain na tayo" sabi ni Manang Nena.
Uupo sana ako sa harap ni Manong Temyo kaso inunahan ako ni Manang Tina kaya no choice ako, sa harapan ko ni Manang Nena na malapit kay sir James naupo.
"Magdasal muna tayo" sabi ni Sir James
"Salamat po sa araw na ito at sa mga pagakain na nakahain sa aming harapan" sambi ni Sir James
"Amen" sabay sabay naman namin na sabi.
"Kain na tayo, tikman niyo ang niluto ni Kelly" sabi ni Manang Nena, habang binibigyan ng pagkain si Sir
"Salamat Manang" sabi naman ni Sir James
"uhm ang sarap naman ng luto mo Kelly" sabi ni Manong Temyo
"ay naku sinabi mo pa" sabi ni Manang Tina
Napatingin naman kami kay Sir James na kasalukuyan magsusubo pa lang ng pagkain.
"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ni Sir James.
"Tikman mo na dali sir, sigurado makakalimutan niyo pangalan niyo" sabi ni Manong Temyo
Ako naman, kinakabahan, nananalangin na sana magustuhan ni Sir.
Sinubo niya ang pagkain niya, bakit parang bumagal ang oras mas lalo na nung nginunguya na niya ang pagkain.
"Hmn" sabi niya
"Ano masasabi niyo sir?" sabi ni Manong Temyo, lahat naman kami ay hindi na makapaghintay sa sagot niya.
"Hmn, sino ba ako?" sabi niya saka ngumiti
Nagtawanan naman ang tatlo, ako parang naging Slow.
"Sabi ko saiyo Kelly masarap nakalimutan tuloy ni sir pangalan niya" sabi ni Manong Temyo na tumatawa.
Nakitawa na lang din ako nung maginintidihan ko.
"Masarap nga ang luto ni Kelly" sabi ni Sir James
"Ayan Kelly puwede ka na mag asawa" sabi ni Manang Tina
"Oo nga anoh" sabi ni Manang Nena
Si sir naman bigla sumeryoso, hindi ko alam kung bakit, pero maya maya tumatawa na din ito.
Nagkwekuwentuhan kami habang kami ay kumakain.
Masaya ako, dahil simula nung dumating ako dito sa Maynila ngayon lang ulit ako nakakain ng maayos at ng may kasabay tapos sobrang saya pa.
Matapos namin kumain tutulong sana ako magligpit kaso sabi nila huwag na at magpahinga na din ako total ako na daw nagluto kaya sila na lang daw magligpit.
Pumasok ako sa kuwarto namin ni Manang Tina, Umupo ako sa kama, hindi ako makapaniwala sa nangyayari, pero isipin ko na lang na Blessings ito mula kay Lord. Alam ko naman na hindi Niya ako pababayaan.
Inayos ko muna ang mga gamit ko na tinambak ko kanina hanggang sa dumating si Manang Tina.
"Oh bakit gising ka pa? May pasok ka pa bukas di ba?" sabi niya
"Opo, inayos ko lang po mga gamit ko" sabi ko
"Oh siya matulog ka na nang makapagpahinga ka"
"Opo, salamat po" sabi ko
"Para saan?"
"Sa pagtanggap po sa akin" sabi ko saka ngumiti
"Naku, ikaw talaga, matulog ka na" sabi niya saka humiga sa kabilang kama. Bali dalawang kama kasi ang nasa kuwarto niya.
Humiga na din ako.
Hindi parin ako makapaniwala.
Hays.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa pag iisip ko.
Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.