Chapter 1

1578 Words
"Goodmorning Sir, this is Kelly, your new assistance" Napaharap ako sa nagsalitang si Myra, napatigil ako ng makita ang mukha ng kasama ni Myra. "Kelly, this is Sir James, CEO of Javier Groups and Company" Maganda siya at mas lalo siyang gumanda dahil sa kanyang pagkangiti. "Sir?" sabi ulit ni Myra nang di pa ako nagsalita. "Ah, eh, Goodmorning" iyon na lang nasabi "Goodmorning sir" sabi naman ni Kelly Ganda ng boses niya. Ano ba itong naiisip ko? "Sir puwede ko na ba kayong iwan?" "Ah hindi, ah Oo" "Sir ok ka lang?" tanong ni Myra, nakakunoot noo pa ito. "Oo, sige puwede mo na kami iwan" Lumabas si Myra sa aking opisina at doon namayani ang katahimikan. Nagkatitigan kami ni Kelly, hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Kinakabahan ako, bakit bigla bumilis ang t***k ng puso ko mas lalo na ng matitigan ko siya? Teka? Ano ito first time ko sa trabaho? James, isipin mo ikaw ang boss! "Ke-Kelly, take a seat" buti na lang at nasabi ko ang katagang iyon. "Salamat sir" sabi niya at sabay kaming naupo. "So, tell me about your self" ano to interview? getting to know each other "I'm Kelly Anne Quines, from Pangasinan sir na nakipagsapalaran dito po sa Maynila" "Ilan taon ka na?" Really James, iyon talaga tanong mo? "25 years old po" Naku, batang bata, "Ang bata mo pa pala" hindi ako makapaniwala na sinabi ko iyon "Ah sir kahit po bata pa lang po ako may experience na po ako sa pagtratrabaho sa opisina" sabi niya na para bang natataranta saka napayuko "ay hindi naman ganun ang ibig kong sabihin" sabi ko at saka siya huminga ng malalim. Tinuruan ko siya ng mga dapat at hindi niya dapat gawin sa opisina at kung ano ba ang mga kanyang trabaho sa opisina. Madali siyang makaintindi, matalinong bata. "Kelly, ito ang magiging opisina mo, pag may sasabihin ka sa akin, puwede mo ako tawagan dito sa telephono, dial mo lang ang number 1" "Ok po sir" "Puwede mo din ako senyasan dito sa bintana" sabay turo sa bintana na tanaw mula sa aking upuan sa aking opisina" "Ok po sir" "Ok sige, dito ka muna" sabi ko saka ako pumasok sa aking opisina. Umupo ako sa aking upuan, natanaw ko si Kelly, para bang malalim ang iniisip. Kahit nag iisip siya maganda parin siya. Ano ba itong naiisip ko?" Umiling na lang ako at tinuon ang sarili sa aking kailangan na gawin. Kriiinggg Krriinngg Wala pang isang oras ng tumunog ang telepono sa tabi ko. Napatingin ako kay Kelly, nakangiti ito habang tinuturo niya ang telepono na nasa kanyang tenga KELLY's POV Nagugutom na ako, nahihiya naman akong magpaalam para kumain or kumain dito baka makita ako ni sir, teka nga, Dinayal ko ang numero na sinabi ni sir, Kriiinggg Krriinngg Sana sagutin niya. Napatingin siya sakin, kaya naman ngumiti ako at tinuro ang telepono na hawak ko. "Hello" "Sir gusto niyo po ba ng Kape or Juice?" tanong ko sakanya "Ah hindi muna, tawagan na lang kita pag may gusto ako, kung nagugutom ka puwede ka muna mag break or may pagkain naman diyan sa kusina puwede ka kumuha" sabi niya sakin Salamat naman! "Salamat sir" sabi ko sakanya at hinintay kong patayin niya ang tawag. Nang maibaba na niya, kailangan ko muna maghintay ng ilang minuto baka sabihin niya kaya ako nag alok eh dahil gutom na ako, bakit hindi nga ba? Hirap talaga pag walang pera, buti na lang talaga at nakuha ako dito, makakabayad na din ako sa mga utang ko. Pinalipas ko muna ang 30 minuto bago ako pumunta sa kusina na nakakabit sa aking opisina. Pagpasok ko nagulat na lang ako, nang biglang bumukas ang pintuan na nagdudugtong naman sa opisina ni sir. Lumabas siya ng pinto at halatang nagulat din siya nang makita niya ako. Pero nakabawi naman agad siya sa pagkagulat, ngumiti ito. Guwapo pala si sir pag nakangiti. Sabi ni Mam Myra masungit at hindi palangiti si sir pero ngumiti naman siya. Tinatakot lang ata ako ni Mam Myra. "Gusto mo ba ng Kape o Juice?" sabi ni sir "Ako dapat nagtatanong niyan sir" sabi ko "Nakatulala ka na kasi diyan parang ang lalim ng iniisip mo" "ah sorry sir, ano po gusto niyo?" sabi ko "Juice na lang, kuha ka na din saiyo" sabi niya saka umupo sa may upuan ng lamesa. "Kumuha ako ng dalawang pineapple juice sa ref, at saka dalawang baso" Inabot ko sakaniya ang isa, at iyong isa nilagay ko sa tapat ko. Uupo na sana ako ng maalala ko ang dalankong pagkain. Lumabas muna ako sandali at kinuha ko ang kakanin na ginawa ko pa bago ako pumasok. Naisip ko kasi baka mahal ang pagkain nila sa canteen kaya naman gumawa ako ng puwede kong kainin. "Sir gusto niyo?" tanong ko sakanya ng makabalik na ako "Ano iyan?" "Kakanin po, ginawa ko po ito" sabi ko "Sige nga, tikman ko" sabi niya Kumuha ako ng plato at saka kutsara, naglagay ako sa plato at binigay sakanya. Sumubo siya ng isang beses, habang nginunguya niya ito, medyo kinakabahan ako, sana naman magustuhan niya. "Hmn, masarap siya, talaga bang gawa mo ito?" sabi niya Nabuhayan naman ako sa sinabi niya. This is it! Malay mo makabenta ako sakaniya. "Oo sir, kung gusto niyo po magpagawa ng kakanin o kung ano puwede lutuin sa akin na lang po kayo magpagawa, sideline ko po kasi talaga ang magluto" sabi ko wala ng preno preno para sa kinabukasan ko ito "Naku ang sipag mo naman palang bata" sabi niya "Sir hindi na po ako bata, ilang taon na po ba kayo sir?" "30" "5 years lang naman po pala agwat natin sir eh, kaya huwag niyo na po ako tawaging bata" sabi ko "Sabagay" sabi niya saka sabay kaming nagtawanan. Matapos kami magmeryenda na sir, bumalik na siya sa kanyang opisina, ako naman naiwan na nagligpit ng kinainan namin. Pagkatapos kong magligpit at mag ayos sa kusina bumalik na ako sa aking opisina. Maghapon akong nakaharap lang sa computer, hindi ko alam kung nahihiya ba si Sir utusan ako or talagang wala siyang maiutos sakin. "Oh, Kelly, I have to go, ikaw na bahala dito ok? Before 5:00 puwede ka na umuwi" biglang sabi ni sir Napatingin naman ako sa aking relo, 4:30 na pala ng hapon. Pakiramdam ko wala naman akong ginawa ngayon, nakakaboring hehe.. Before 5:00 PM, lumabas na ako ng aking opisina, nasa 5th Floor ang opisina namin ni Sir. Saktong alas singko nang mag time out ako sa may gate ng kumpanya. "Goodbye mam, Ingat po" sabi sakin ni Kuya Guard, "Salamat po kuya" sabi ko na nakangiti. Naglakad ako pauwi, buti na lang talaga at malapit lang ang aking tinutuluyan sa kumpanyang aking napasukan. Napatingin ako sa langit, medyo madilim, na para bang nagbabadyang umulan. Malapit na ako sa aking tinutuluyan ng mapansin ko na may mga gamit sa labas ng bahay. "Kanino ito? May bago kaya ako makakasama sa bahay?" tanong ko sa sarili ko pero napagtanto ko na sa akin pala ang mga gamit na iyon "Bakit andito ang mga gamit ko?" "Tita? Tita?" tawag ko sa may ari ng bahay, tita kasi ang tawag ko sa kanya. "Kelly, pasensya ka na, kailangan mo na umalis" sabi nito agad nang makalabas siya sa kanilang bahay "Pero tita wala po ako matutuluyan" "Wala na akong pakialam, abba Kelly tatlong buwan ka na hindi nagbabayad" "Pasensya na tita, wala pa talaga pera pero ngayon may trabaho na ako tita, mababayaran na kita hintayin lang natin na makasahod ako, sige na tita" sabi ko na nagmamakaawa, lumapit pa ako sakanya para pagbigyan niya ako ngunit tinulak lang niya ako. "Tita please, wala talaga ako matutulugan, wala po ako ma-" "Bakit ka kasi hindi humingi sa pamilya mo sa probinsya, di ba may mga kapatid ka na may trabaho" "Hindi po ako makahing kasi tinutulungan nila si Mama at ang isa ko pong kapatid may pamilya na, please tita" lumuhod ako sa harap niya. Umiiyak na ako, pinagdikit ko ang aking mga kamay na para bang nananalangin na pagbigyan niya ako pero mukhang nakapagdesisyon na siya. "Umalis ka na kung ayaw mo maabutan ng ulan" sabi niya saka ako iniwan na nakaluhod. Ano gagawin ko? Saan ako matutulog ngayong gabi? tik tik tik Bigla na lang pumatak ang maliliit na ulan, Napatayo ako agad at kinuha ang aking mga gamit para isilong sa malapit na waiting shed na nandoon. Nanghihina akong umupo, hindi ko alam saan ako pupunta, wala ako kakilala dito sa Maynila. Ayaw ko naman sabihin sa bahay ang problema ayaw kong mag alala sakin ang aking ina. Wala na akong Tatay, si Nanay matanda na, may dalawa akong kapatid ang isa nasa ibang bansa pero siya ang nambubuhay kay nanay, ang isa naman ay may trabaho din pero may pamilya na, ayaw ko naman maging pabigat sakanila kaya naman nakipagsapalaran ako dito sa Maynila. "Paano na to?" Tumigil ako sa pag iyak, at sakto din naman na huminto ang pag ulan. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at kinuha isa isa ang aking mga gamit at naglakad papaalis sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. . . . Itutuloy . . . Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD