***
MAAGA, talaga siyang gumising lalunat kailangan niya nang mapag isa nag paalam naman siya sa Mama ni Draken at pumayag naman ito ang problema hindi ito pumayag ng wala siyang kasama, jusko! Sabi nga niya kailangan niyang mapag isa pero. Hindi na matatawag yon na mag isa siya dahil may kasama naman din siya. Nako! Nakakaloka.
Narito siya sa isang pasyalan kung saan kalimitan dinarayo pa ng kabilang baryo ang pasyalaan na pinag tambayan niya. Nais niya kasing makapag isip di parin maalis-alis sa isipan niya ang kalokohan na ginawa ni Draken kaya mas lalong natuwa pa ang Mama nito.
At siya pa talaga ang hinamon ng buang na yon, never siya uurong sa larong nais nito. Nasakalagitnaan na siya ng pag mumunimuni may biglang nag tangkang lumapit sa kaniya maagap ang mga bantay niya.
"Thamarra? Thamarra ikaw nga, " Napakunot siya ng noo ng tawagin siya nito sa pangalan niya dahil yon naman talaga ang totoo niyang pangalan.
"Sino po, kayo? " Walang emosyon niyang tanong sa matanda tila kasi pamilyar ito sa kaniya.
"Ako.ito Señorita, Nanay Belen. " Ilang sigundo pa siyang napatulala at nanlalaki ang mga mata niya ng masmakilala pa ito ng hubarin nito ang suot na balabal mabilis siyang tumayo at lumapit dito.
"Nanay Belen! "
"Oo, Señorita ako nga, "
"Oh.. My god. " Hindi magkamayaw sasaya ang nararamdaman niya ng makita itong muli mabilis niyang niyakap ito. Hindi na rin naman din umapila pa ang dalawang kasama niya dahil na titiyak din ng mga ito na wala dapat ikabahala.
"Jusko, ang tagal kung hinitay ang pagkakataon na sana makita kitang muli, " Ani pa nito habang Maluha-luha na nakatingin sa kaniya.
"Nay, paano po kayo napadpad rito? Ang Daddy kamusta po siya? " Tanong niya bago ito huminga ng malalim.
"Maayos naman ang Daddy mo, inaalagaan siya ng mabuti ng iyong Madrasta, " Bagamat nag alangan man siyang mag tanong dito hinayaan niya na lang din.
"Hindi ako interisado sa kaniya. " Malamig niyang ani.
"Señorita.., " May lungkot sa boses nito.
"Nay hindi niyo pa po sinasagot ang tanong ko bakit kayo napadpad rito sa Catalina? "
"Binisita ko ang Anak ko rito, hindi ko alam na dito rin pala kita makikita Señorita..."
"Nay, kung sasabihin niyo' po sakin na umuwi na ako, hindi pa po ako handa, "
"Pero.kailangan ka ng iyong Ama, alam mo bang inataki siya sa puso ng hindi kaniya mahanap nag utos siyang kay Trev, noon at na bigo siya sa unang pagkakataon alam mo bang ikaw lagi ang bukang bibig niya Thamarra, alam kung malaki ang pag kukulang ng Daddy mo sayo' wag mong kalimutan na siya pa rin ang Ama mo. "
Napapikit siya, habang naka kuyom ang mga kamao may kaonting kirot sa puso niya dahil sa sinabi nito, tama naman ito kahit ano paman ang mangyari Ama niya pa rin ito. Masakit man ang nangyari sa Mommy niya na ang Daddy niya ang naging dahilan bali-baliktarin man ang mundo Ama niya parin ito.
"Alam ko po yon Nay, sadyang hindi pa po ako handang harapin siyang muli, kapag handa na po ako Nay. S'ka lang po ako babalik. " Napabuntong hininga ito bago nag salita.
"Na intindihan ko. Hindi naman kita maaaring pilitin sa bagay na iyan, na titiyakin kung handa kanang muling makaharap ang Daddy mo sa muli nating
pagkikita. " Naka ngiti siya rito.
"Maraming salamat po Nay, " Hinaplos nito ang kaniyang mukha.
"Dalagang dalaga kana Señorita, napakalaki na ng iyong pinag bago. Saan ka tumutuloy ngayon? Sino ang kasama mo? Mababait ba sila sayo? " Natawa siya dahil sa sunod-sunod nitong mga tanong sa kaniya.
"Relax lang po Nay, ayos naman po ako mamabait po ang tumulong sakin. Napaka swerte ko po kasi pinatuloy nila ako sa bahay nila, kahit hindi pa nila ako ganon kakilala noon. "
"Talaga? Hindi na pala ako dapat mangamba pa sa kalagayan mo ngayon. "
"Opo Nay, "
"Basta lagi kang mag iingat Señorita, kung handa kanang bumalik. Heto, tawagan mo lang ako. " S'ka nito inabot ang maliit na papel sa kaniya.
"Makakaasa po kayo Nay, maraming salamat po alagaan niyo po ang Daddy huh. " Ngumiti ito sa kaniya at tumango.
"Oo basta ikaw malakas ka sakin e, " Mariing siyang natawa.
©Rayven