10

689 Words
"THAMARRA, buti at gising kana halika't mag breakfast kana, " Yakag ng ginang sa kaniya. "Good morning po, Tita. " Tipid niyang pag bati bago siya na upo katapat ang binata na wala manlang paki-alam sa paligid nito. "Tamang tama narito kana may sasabihin din ako sayo. " "Tungkol po saan ang sasabihin niyo? " Tanong niya matapos siyang uminom ng isang basong tubig bago ito ngumiti sa kaniya ng matamis. Muntik pa siyang masamid ng makita kung gaano kalawak ang mga ngiti nito. Mukhang, may na aamoy akong hindi maganda sa ngiti pala jusko! "Na isip ko lang, tutal naman wala kanaman gaanong ginagawa dito sa bahay bakit hindi ka na lang din sumama sa kompanya ni Draken para kahit papaano e---" "Ayoko." Sabay silang napalingon kay Draken ng makita niya ang madilim nitong mukha mariing siyang napa ngiwi. "At bakit naman hindi? " Ani pa ng ginang. "Ayoko ng may kasamang alalay. " Madiin nitong sabi sabay lingon sa kaniya. Loko to ah, "Ayusin mo ang pananalita mo. " Mautoridad na sabi ng ginang. Napa ismid na lamang siya dahil sa mokong na ito. Hello maski rin naman siya ayaw niyang makasama ang tulad nitong antipatiko. "Ayos lang po Tita, mas gusto ko din po na dito na lang din---" "Hindi. Sasama ka sa ayaw at sa gusto ni Draken, para naman malibang ka at makita mo rin ang kompanya, dahil soon naman ay ma giging parti kana din ng pamilyang ito magiging mag Asawa na din kayo sa susunod right My Dear Son? " Pinandilatan pa nito ang binata pero ang loko ay umirap lang bago tumingin sa kaniya. Siya naman tong tinaasan lang ito ng kilay. Tch ramdam niya ang pag hihimutok ng kalooban nito. "Siguraduhin niyo' lang na hindi siya magiging pabigat ayokong mapahiya sa mga Tauhan ko. " At mabilis nang tumayo at iwan sila ng ginang doon. Abat! Loko talaga tong buang na ito. Ano akala nito isa siyang pabigat? "Tita naman e, di niyo naman po kailangan na gawin pa yon---" "Ano ka bang Bata ka, kailangan din yon at isa pa hindi ba magiging mag Asawa na din naman na kayo ni Draken, kaya walang masama sa ginawa ko. Mag bonding naman kayo paminsan minsan. " "Pero... " "Wala ng pero, pero. Okay? " Damn. Takte talagang ma papasubo talaga siya sa plano ng ginang jusko po! Hays! HABANG sakay sila ng sasakyan wala man lang silang imikan na dalawa. Bago sila umalis binilinan pa ang binata ng Mama nito. Na kesyo wag daw siyang pa babayaan don habang nakasimangot pa ng bilinan ng ginang. Kung siya naman din talaga ang ma susunod mas gugustuhin niyang mag liwaliw na mag isa kaysa kasama ang binata tch. Nang makarating sila Kompanya nito napa nganga na lamang siya dahil malawak iyon at grabe mataas talaga ang dalawang building na nasa harapan niya, ng makapasok ang sasakyan sa loob ng gate mas lalo pa siyang namangha dahil sa nakikita grabe yaman talaga ng lokong ito. Nang ma i-park nito ang sasakyan sa gili malapait sa mga puno kung saan may ilan mga sasakyan din roon ang ilang mga naka park kaya't ng huminto itp roon mabilis pa sa alaskwatro na lumabas ito mula sasakyan. Grabe nakakalula talaga para tuloy siya isang langgam paano pa kaya't kung nasa pinaka tuktok siya no. Maaliwalas din ang kapaligiran. "Isara mo ang bibig mo baka pasukan ng Langaw. " Kaya't wala naman sa loobna isinara niya ang bibig. At sumunod dito. "Hoy! Hintayin mo kaya ako! " Pahabol niyang sigaw. Lumingon ito panandalian habang salubong ang mga kilay. "Ang kupad-kupad mong mag lakad tapos hihintayin pa kita? " Aba't! Loko pala tong ungas na ito. "Baliw ka ba? Kita mong ngayon pa lamang ako nakapunta dito sa kompanya niyo, baka mamaya kasi maligaw pa ako---" "Puwes, kasalanan mo na yon, " Matapos nitong sabihin iyon. Mabilis na siya nitong tinalikuran habang nag pupuyos ang kalooban niya sa inis para dito. "Buwisit, ka talagang lalaki ka! Makikita mo talaga argh... " Nang gigigil niyang sabi sasarili bago siya tumakbo upang habulin ito papasok sa loob. ©Rayven
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD