SABUNOT' ang buhok niya habang kanina pa siya palakad lakad mula sa kaniyang silid. Hindi niya malaman ang gagawin ngayon ara kasi nakatakdang i-anunsyon ang araw na nalalapit nilang kasal ni Draken, f**k! Kahapon pa niya din gustong makausap ang kumag na iyon ngunit ni anino nito ay hindi pa niya nakikita, dahil siguro din sa ginawa niya sa Opisina nito.
Nais niya itong kausapin kung talaga nga bang handa siya nitong pakasalan, kung sasang-ayon ito sanais ng Mama nito mukha talaga kasing disidido talaga ang Mama nito na maikasal sila. Pero ang tanong gusto rin ba ito ng binata?
"Argh! "Muli niyang ginulo ang buhok sa ganon ayos siya ng may kumatok mula sa pinto kaya't napaayos siya bigla ng upo bago iyon bumukas.
Nakangiti ang ginang ng tuluyang itong pumasok.
"Thamarra, "
"Tita." Na upo ito sa kaniyang tabi.
"Ready kana? " Tanong nito sa kaniya, hindi niya tuloy malaman kung ano nga ba ang tamang isasagot niya sa sinabi nito.
"Kasi po ano... "
"Alam kung kinakabahan ka, Thamarra. Alam kung napakabilis at nakakabigla ang pangyayaring ito at alam kung naiipit ka sa sitwasyon na ito, dahil gusto ikaw ang makakasama ni Draken panghabang buhay, alam kung kabaliwam man itong ginagawa ko pero. Tanging ikaw lang ang gusto ko para sa Anak ko dahil may tiwala ako sayo, kung sakaling mawalan man ako sa mundong ito maiiwan ko naman ang Anak ko sayo dahil alam ko na hindi mo siya pababayan. "
"Tita, wag naman po kayong ganyan." Yon lamang ang nasambit niya.
"Baka nga lang di'ba? Ikaw sa panahon na pananatili mo dito samin ni-minsan ba ay wala kang naramdaman para sa Anak ko? "
Napamaang siya bigla sa tanong nito Jusmi! Aminin man niya o hindi walamg babaeng hindi mag kakagusto sa lalaking yon.
Marami na siyang na Incounter na mga lalaki at mayroon din siyang kababatang lalaki. Pero ni minsan hindi pa siya na attract sa kagaya ni Draken.
"Ano po kasi---"
"Don't worry, Tham. Kung napipilitan ka lang sige hindi nanatin itutuloy pa ayoko naman na---"
"Tita, hindi po sa ganon aaminin ko po sa inyo' kahit ubod ng yabang ng Anak niyo, aaminin ko po na walang babaeng hindi mag kakagusto sa kaniya. "
Nagliwang ang mukha nito tila ba nabuhayan ng loob dahil sa sinabi niya.
"Ibig bang sabihin? "
"Opo, " Napapalakpak pa ito sa tuwa dahil sa sagot niya.
"Sabi ko na hindi talaga ako nagkamali sayo
Tham, "
"Pero paano naman po si Draken, napaka unfair naman po para sa kaniya ang pagpapakasal sa tulad ko ni ang kilalanin akong lubos ay hindi---"
"Shh.. Hindi ba pumayag siya sa nais ko? At yon ang hiling ko sa kaniya, kaya wala ka dapat na ikabahala pa okay. " Napatango na lang siya.
"Siya, sige na ikaw ay maghanda na malapit ng mag simula ang---"
"Teka po. Si Draken po pala? " Mas lalo siyang napangiwi ng mas lumapad pa lalo ang ngiti nito.
"Na miss mo ba siya, ano? " Mariing naman siyang natawa dahil sa sinabi nito.
"Hindi po ah, " Tumawa ito ng malakas s'ka siya tinapik sa balikat habang may nakakalokong ngiti sa labi.
"Don't worry Tham, darting siya at na sisiguro ko iyon kaya gusto ko mag paganda ka para sa kaniya. "
"Thank you po Tita, "
"Hays, " Biglang angil nito kaya't nagtaka siya.
"Bakit po? May problema po ba sa
sinabi ko? "
"Tch. Magiging Mama mo na ako Tita pa rin ang tawag mo sa akin? " Napangiwi siya s'ka siya sumagot.
"Ma? "
"Correct! Gusto ko Mama na ang itatawag mo sa akin understand? "
Tumango-tango siya bago ito tuluyan ng lumabas na upo siya habang napabuntong hininga, wala naman sa kaniya kung ma ikasal sila ni Draken dahil alam naman din niya sa sarili niya na gusto niya ang lalaki at madali lang din naman ang Divorce kung nanaisin nito na makipag hiwalay sa kaniya. Hindi ba? Si Draken lang naman kasi ang ina-alala niya kung paninindigan nga na talaga siyang pakasalan nito at kung paninindigan nito ang mga salitang binitawan nito sa harap ng Mama nito.
Napa buntong hininga siya ng malalim. S'ka siya tumingin sa malaking box nanaroon sa kaniyang Kama.
"Okay. Self wala ng atrasan to. "
©Rayven