INUBOS' niya ang laman ng kaniyang baso habang nag tatagis ang mga baggang nanapasandal mula sa upuan.
"Pre, hindi pa ba tayo aalis? Baka naman mag alala n'yan si Tita. At baka isipin niya hindi ka sisipot. " Biglang sabi ni Rojun bago ito tumingin sa relong pambisig.
Alaskwatro pasado na pero narito parin sila sa hideout nakatambay.
"May problema? " Tanong ni Hadji ng makalapit ito sa gawi nila.
"Kaya ko ba? " Biglang sabi niya panabay na lumingon sa kaniya ang dalawa.
"Tch, ikaw lang ang nakakaalam n'yan king kaya mo o, hindi s'ka panindigan mo na lang sa harap ni Tita. "
"Oo nga eh, ano naman kung ikakasal ka? S'ka kalimutan mo na yong tungkol sa pagkatao niya mukha naman siyang mabuting tao. "
Napahilamos siya sa mukha yon nga ang ipinupunto niya kasi hindi niya kilalang lubos ang babaeng pakakasalan niya.
"Yon na nga ang pinupunto ko, at kinausap ako ni Mama tungkol sa bagay na yan kinontra niya akong imbistigahan ang babaeng yon, pero. Siya na mismo ang nagsabi na mabuting tao si Thamarra at ang sabi niya wala daw dapat akong ipag-alala. Damn! " Inis niyang paliwanag tinapik siya ni Rojun bago akbayan.
"Kung ganon pala si Tita na ang nagsabi na wala ka dapat na ipag-alala sundin mo na lang ang sinabi niya, "
"Tama siya d'on. " Agad naman niyang pinalis ang kamay ng kaibigan bago tumingin ng masama sa mga ito.
"Mga baliw talaga kayo. kasal ang pinag uusapan dito mga Pre, malaking responsibilidad ang gagampanan ko at hindi biro ang kasal lalunat wala pa sa isip ko ang gantong bagay, laluna kung mag papakasal ako sa taong hindi ko kilala s'ka..."
"S'ka ano? "
"Wala." Biglang bawi niya.
"Sus! Baka ayaw mo lang kasi dimo makuha agad at palaban din sayo, " Ani naman ni Hadji bago natawanan ang dalawa.
"Baliw kamo. "
"Asus.. Baka yang sinasabi mong baliw ay ikaw itong mas mabaliw sa kaniya diba Had? Isapa hindi kana lugi sa babaeng yon full package na nga tatanggi kapa ba? " Pang aasar pa nasabi ni Rojun bago nakipag apir kay Hadji na isa rin Loko-loko.
Tangina' bakit ba itong dalawa ang kasama niya? Mukhang pang aasar lang ang aabutin niya sa dalawang to.
"Tumatawag na si Tita ano hindi pa talaga tayo lalarga? "
"Itong tanungin mo. " Sabay turo sa kaniya ni Rojun at tumingin naman sa kaniya si Hadji.
"Ano? " Bumuntong hininga siya.
"Oo na aalis na tayo masyado
kang atat e, "
"Wow! Ako pa talagang atat? Hindi ba puwedeng nag worried lang ako sa Mama no kasi pinakiusapan akong gumayak na tayo ano oras na kasi e, no. "
Tinawanan niya lang ang loko dahil sa paliwanag nito.
"Tara na't baka umiyak pa itong si Hadji, "
"Gago! " Napuno nang halakhakan sa loob ng hideout bago sila umalis.
MATAPOS matapos maanusyon ang araw na nalalapit nilang kasal ng binata maging ang ilan media ay naroroon din siyempre ano paba ang aasahan niya e, sikat na negosyante ang tukmol.
May ilan din bumati sa kanila na mga kaamiga ng Mama ng binata at iilan din don ay pawang mga ka sosyo ng mga ito. Maging ang mga kaibigan din ng lalaki ay nakilala na rin niya, halos maloka siya sa dami ng kakilala ng binata jusko! Naging tampulan pa sila ng mga tukso at ang mas nakakaloka pa d'on dahil sa tukso ng mga kaibigan ng binata hinalikan siya nito ng wala malang abiso sa kaniya.
Pero siyempre hindi na siya nakatanggi pa lalunat nakatingin naman din kasi ang lahat sa kanila. kinikilig siya sa totoo lang pero. hindi niya iyon pinahalata sa lahat mahirap na at nakakahiya yon no.
Pagod niyang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Thank goodness, ang daming nangyari ngayon araw na ito halos alas-otso na rin sila natapos at na ihatid na rin ang ibang mga bisita. Buong akala nga niya ay hindi na sisipot tila nga nawawalan na ng pag-asa ang Mama nito kasi anong orad na rin ito dumating.
Habang nakatitig siya sa kisami sumagi sa isip niya ang mga tingin na pinupukol sa kaniya ng binata kanina lamang s**t, ng makita niya ito kanina halos hindi na humihiwalay ng tingin sa kaniya parati pa niya itong nasatabi niya at laging nakahawak sa baywang niya.
Napatakip siya sa mukha, pakiramdam niya pulang pula ang buong mukha'niya dahil sa mga naganap kanina gwapong gwapo naman kasi talaga ito kanina ng makita niya ito ito lang ang bukod tanging nakapukaw sa bato niyang puso maging ang halinuyak nito na kilalang-kilala niya ay alam na alam na niya.
"f**k, na bubuang na ba ako? " Kausap niya sa kaniyang sarili. Masasabi niya na bang siya na ang napaka swerteng babae dahil papakasalan siya nito?
May kauting kirot siyang naradaman sa puso niya at mayroon don na umaasa. Ngunit umaasa para saan? Ipinilig niya ang kaniyang ulo at sabay na bumangon hindi dapat siya mag padala sa nararamdaman niya ayaw niyang masaktan sa bandang huli.
Kaya, kung kaya niya pang taasan ang pader na iniharang niya ay tataasan pa niya dahil ayaw niya sa bandang huli ay siya ang matalo.
Tumayo siya at lahat ng saplot niya sa katawan ay kaniyang hinubad napangiwi siya ng maamoy ang sarili ang baho niya na pala amoy pawis na siya nanlalagkit na rin siya kaya't mas minabuti niya na lang na maligo bago siya makapag pahinga ng mas maayos.
Hindi niya rin gusto ang suot niya na halos wala na siyang maitago jusko! Mukhang sinasdyan ng ginang na ganon ang isuot niya, kaya kanina ganon na lang ang tingin sa kaniya ng binata na para bang siya siyang pagkain na nakahain sa harapan nito at anomang oras ay lalantakan siya.
"Tch, kailangan ko sigurong maingat pa lalo. " S'ka siya dumiretso sa loob ng banyo hinayaan niya lang na magkalat ang mga sinuot niyang damit sa lapag.
At hindi na inalam pa kung na isara nga ba niya ng maayos ang pinto ng kaniyang silid wala na doon ang atensyon niya dahil kanina pa talaga siya nanlalagkit nais niya na din makapag pahinga dahil sa pagod.
Subalit kasabay rin no'n ay siya rin pagpasok ng binata sa loob ng kaniyang silid ang tangka sana nitong pag sugod sa silid ng dalaga ay upang kausapin lamang ito ngunit iba ang nakita at nasaksihan niya sa loob.