14

720 Words
๐’ฑ๐’พ๐“๐“๐’พ๐’ถ๐“ƒ "Trevor, may balita kana ba kay Tharra? " Tanong ng matandang lalaki sa binata habang nag Kakape sila sa malawak na garden kasama ang asawa ng matandang lalaki. Mariing umiling ang nag ngangalang Trevor. "Wala pa po sa ngayon, simula ng makita ko siya sa Catalina market. Bumalik ako roon at nag babakasakaling muli ko siyang makita ngunit bigo ako paumanhin po. " "Na iintindihan ko Trevor, siguro wag muna tayong mag madali na hanapin si Tharra, ngayon alam nanatin kung nasaan siya naroroon. " "Ikaw naman kasi ang may kasalanan kung bakit kasi kailangan niyo' pang ilihim sa kaniya ang tungkol saatin at ang mas nakakalungkot pa ron ipinag tabuyan mo pa talaga siya. " "Oo, alam ko at kasalanan ko talaga kaya binabawi ko na ang mga nasabi ko sa kaniya nadala lamang ako ng galit ko nong araw na iyon. " "Magsisi kaman huli na limayo na siya satin. " "I know Honey, " "Mahihirapan tayong mapatawad ni Tharra. Kung sa kaling bumalik siya, " Ani ng ginang hinawakan ng Don. ang kamay ng asawa at ngumiti. "Alam kung maiintindihan tayo ni Tharra, kung sakaling bumalik siya saatin ang kailangan lang natin ay ipaliwanag sa kaniya at ipaintindi ang hindi niya naunawan noon. Alam kung iniisip niyang kinalimutan ko na ang Mama niya kaya siya nagkaganon. " "Na intindihan ko Honey ako rin nais ko rin humingi ng tawad at mas makilala pa siya ng lubos At tanggapin ako bilang Mama niya, " "Darting din ang araw na iyon, " Ngunit bago paman muling makapag salita ang ginang kasabay naman din no'n ang pagkaripas ng takbo ng isa sa mga katulong ng Don. Hinihingal pa itong na upo sa tabi ni Trevor. "Don Poblo, " Inabutan muna ito ng tubig ni Trevor bago kumalma. "Bakit nag mamadali ka Elena ano ang iyong sadya? " Tanong ng Don. Ngumiti ang dalaga tila nasasabik na ipaalam sa mga ito ang nalaman. "Sumagot ka Elena, kinakausap ka ng Don. " Malamig na sabi ni Trevor. "Eh, ano po kasi... " Kunot noong pareho na nag hihintay sa sasabihin ng katulong. "Elena? " Tila inip na sabi ng Don. "Si... Young lady po kasi.. " "Huh? Teka si Tharra? " "Opo, opo. " "Bakit anong nangyari? Nariyan na ba siya? Asaan siya Elena sabihin mo nariyan na ba ang aking Anak? " At akmang aalis na sana ito ng mabilis na muling sumagot ang dalaga. "Wala po dito si Young lady Don Pablo kundi siya po ay nasa Tv kanina habang nag lilinis po ako nakita ko po siya sa Tv. " Nagulat ang tatlo sa sinabi ng katulong tila hindi makapaniwala sa sinasabi nito. "Papaano at nasa Tv siya? " Huminga muna ng malalim ang katulong at muling nag salita. "Inanusyo po kasi ang nalalapit niyang kasal sa isang lalaki na si Mr. Draken Montesor yon ang pangalan ng lalaking mapapangasawa ni Young lady. " "Ano!? Oh.... " Dahil sa sinabing iyon ni Elena hindi tuloy maiwasan ng Don ang biglang pagkahilo. "Don Pablo! " "Oh, god Honey, " Mabilis na inalalayan ito ni Trevor at nagsalin ng tubig sa baso s'ka iniabot sa matanda. Tila hindi pa ng proseso sa utak ng matanda ang sinabi ng katulong. "H-hindi maaari.. Papaanong ikakasal siya!? " Galit nasabi ng matanda mabilis ang kilos ni Trevor ng muli itong tumayo. "Honey, huminahon ka muna sandali. " "Paano ako hihinahon? Si Tharra, ikakasal na ng hindi ko manlang alam at kung sino ang lalaking iyon! " "Relax, " Mariing itong huminga ng malalim at pilit ikinakalma ang sarili. "Trevor, " Agad naman tumayo ang binata. "Po." "Ihanda mo ang mga tauhan mo. Pupunta tayo ng Catalina. Alamin mo na rin kung sino ang lalaking mapapangasawa ng Anak ko---" "Hindi kapa puwedeng bumibyahe. Yun ang Kabilin-bilinan ng Doctor mo---" "Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa akin gusto ko lang. Makasiguro at mahanap agad siya wala akong tiwala sa lalaking magiging asawa niya papaano kung masama palang tao ang lalaking iyon---" "Jusko! Pablo, masyado kang paranoid puwede bang huwag muna tayong mang husga? At tanging si Tharra lang ang makakasagot ng mga iniisip mo. " "Ah! Basta pupunta tayo roon kailangan ko siyang pigilan sa kahibangan na batang yon. " Napabuntong hininga na lamang si Azul dahil sa kakulitan ng Asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD