CHAPTER 3

1083 Words
Nauunang maglakad sa akin si Grae, kaya napapagmasdan ko siya. Medyo malayo siya sa akin, nahahalata ko lang na tinatangay ng hangin ang kaniyang buhok. Mas tumangkad at pumuti ito kumpara sa huling kita naming dalawa. Nagffit na din sa kaniya ang mga damit dahil halata na mga biceps niya, na tingin ko ay pinagpaguran niya talaga. “Malapit na tayo dahan-dahan lang dahil may mga bato-bato tayong madadaanan” lingon nito. Napansin ko din na binagalan niya ang lakad para magkasabay kami. “Sa inyo din ba ang isla na ito?” tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid. “Hm, kay lolo talaga ito 5 years ago lang nung nalaman ko. Ito napili kong puntahan kasi nakakarelax dito. May mga activities na pwedeng gawin at may mga magagandang tanawin din” paliwanag nito. “Mauna kong aakyat para maalalayan kita, ok lang?” tumango ako bilang pagsang-ayon. Nang maka-apak sa batuhan ay nilahad din niya ang kanyang kamay para alalayan ako. Inabot ko naman ito para maka-akyat, medyo maayos na ang pakiramdam ko. Nakasuot din ako ng swimsuit habang may patong na see through dress. Pagkarating sa may bandang dulo ay umupo kami sa isang natumbang puno. Tanaw na tanaw dito ang ang dagat at ibang parte ng isla. Tama nga siya at nakakarelax dito, hindi na din pala masama na sumama ako. “Ang ganda, nakakarelax” komento ko. Nilingon ako nito at saka sumagot. “Alam kong stress ka pa din kaya dinala kita dito…para sayo naman talaga to gusto din kitang makasama” hindi ko narinig yung huling sinabi niya dahil naging bulong na lang ito. “Ano yung huling sinabi mo? Sorry di ko kasi naintindihan” saka ako yumuko. Tumikhim muna ito bago magsalita. “Sabi ko papalubog na yung araw. Sayang punta natin kung di mo makikita” at tumingin na sa papalubog na araw. Aaminin ko gumaan ang pakiramdam ko. “Alam mo ba nung mga panahong na-aksidente ako? Aaminin ko naiisip pa din kita noon. Pero may nililigawan ako para saan pa yung pananakit ko kung ganon diba?” pagbasag nito sa katahimikan. “Grae, alam mo hanggang ngayon masakit pa din naman e. Napatawad na kita, kayo, pero kasi yung sakit nung nangyari sa nakaraan nandito pa” sabay turo ko sa dibdib ko. Nagulat ako ng dahan-dahan niyang hawakan ang mukha ko at punasan ito. Hindi ko namalayan na umiikyat na pala ko sa dibdib niya. “Shh, I’m sorry. Babawi ako pangako” paulit-ulit na bulong niya sa akin habang pilit akong pinapatahan. “Oh, andiyan na pala sila” sabi ni Russ ng mapansin kami. Nasa labas ang mga ito na mukhang hinihintay kami. “Kanina pa ba kayo? Sorry natagalan kami bagal kasi maglakad ni Grae” Biro ko dito, tumawa naman siya. Nakitawa din naman sila pero nasundan na ng asaran. “Pre, gumana na naman ba kabaklaan mo” “Dinaig mo pa babae” “Amin ka na kasi pre” nakikitawa na lang ako ng may dahan-dahang humila sa akin. “Bae, ok ka lang ba” nag-aalalang tanong nito sa akin. “Ano ka ba? Oo naman. Nandito tayo para magsaya diba?’ balik-tanong ko dito. Mukhang hindi ito naniniwala kaya hinila ko na ito sa loob at nagsimula na kng magbitbit ng mga pagkain. Pinagmamasdan niya pa din ako, halos lahat ng gawin ko ay nakatingin siya sa akin. Kaya ngumiti ako at nag-thumbs up pa. “Laro tayo!!” sigaw ni Keen. “Ano na naman yan pre?” tanong ni mike. “Truth or drink” masiglang sagot nito. Sa kanilang lahat parang sila ni Mike ang malakas amats. “G ako!” sigaw ni bae. At nagtanguhan naman silang lahat at sabay-sabay na lumingon sa akin. Tumango din ako dahil ang kj ko naman kung di ako sasali. Kumuha muna sila mga alak sa loob para daw masaya. Si Grae ay hindi na umalis sa tabi ko mula kaninang nakabalik ako mula sa mga kamay ni Sami. Last day ng pagpapahinga namin ngayon dahil bukas ng hapon ay magstart kami ng mga activities dahil tanghali pa daw makakarating yung mga staff na mag-aasikaso ng mga kailangan para sa activities. Nandito kami dahil sa team building na inilunsad ni Grae, sa kanila lang dapat pero hindi ko alam bakit ako nandito. “Start na tayo. Ako na unaaaa!” pumapalakpak pang sabi ni Sami. “Ok sige ako magtatanong, hmm” taas kamay pang ani ni Mike. “Virgin ka pa ba?” ano ba naman tong si Mike dakilang playboy talaga. “Hm, hindi na” proud at deretsong sagot naman nitong kaibigan ko na naging dahilan ng hiyawan nila. Napakamot na lang ako sa kilay ko dahil parang mali na sumali ako. Sunod naman si Keen na katabi ni Sami tapos sunod ay si Grae tapos ako. Nakakakaba pa naman dahil paniguradong personal ang tanong. Gaya nalang nito. “Ako, Ako magtatanong” sigaw na naman ni Sami. Jusko di ba sumasakit lalamunan nito? “Sinong nagugustuhan mo ngayon?” namula naman agad ito. Dali-dali siyang nagsalin ng alak sa baso at nilagok iyon ng dere-deretso. Mukhang may alam ang mga tropa nito dahil inasar asar na siya. “Ikaw na Grae” ngiting-aso nito sa kaibigan. Tinignan lang siya ni Grae na nag-aabang ng tanong. “Mahal mo pa ba siya?” sinong siya? Yung ex ba niya? Hm sana all. “Sobra” sabi nito at lumingon sa akin. Hindi ko alam kung meant for me ba yon or for his ex kasi may dumaang lungkot sa mga mata niya. “Hm, naks naman! Sana all poooo” Sigaw ni Mike. “Ikaw na Key” sabi pa nito. “Sino magtatanong?” nagkatinginan pa sila hanggang nilingon nila si Grae. “Ikaw na pre” tumango naman ito at naghihintay naman ang iba ng sasabihin niya. “May chance pa ba na magka-ayos tayo?” to be honest I don’t want to answer that. Kasi feeling ko mahal pa naman niya talaga ex niya. Baka nagkaroon lang ng misunderstanding. Nagsalin ako ng alak sa baso at habang ginagawa ko iyon at tinitignan nila ako. Ni-straight shot ko ito at ngitian sila. “Oh, sunod na. Gosh! Ang tapang” reklamo ko. Hindi naman sila nagsalita at pinagpatuloy na lang ang laro. Halos lasing na silang lahat including Sami. Isang beses lang naman kasi ako uminom. Nafeel ata nila na medyo personal na yung question sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD