CHAPTER 2

1142 Words
Nagising ako na katabi ko si Sami. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala kami. Patay na din yung Tv, ang ilaw na lang naming ay ang nagmumula sa sinag ng buwan na tumatagos sa bintana. Kung may makakakita man sa amin ay baka isipin na preso ang napasukan nito. Paano ba naman kaniya-kaniya at kung ano-ano na lang ang pwesto nila. Katabi ko si Sami na nasa may pader. Sa gilid ko ay may dalawang magkapatong na unan sa tabi non ay si Keen at ang iba pa. Napansin ko na sa unan ay nandoon si Grae na nasa may bandang baba ko. Medyo nasisipa ko ito kaya umayos ako ng pwesto. Naramdaman niya ata kaya huminto ako at ng taimtim na ulit ang tulog niya ay dumikit ako kay Sami. Hindi ko inaasahan na magigising ito, nagulat na lang ako ng lingunin ko ulit to ay nakatitig na siya sa akin, “S-sorry nagising kita” bulong ko. Nataranta naman ako ng tumayo ito at nahiga halos kapantay ko. “Shh, baka magising sila” tumango ako ng sunod-sunod dahil natataranta pa din. “Pwede ba kong mag-kwento sayo?” tanong nito. Um-oo na lang ako. “Alam mo namang ikaw first love ko diba?’ tumango lang ako. “Sobrang mahal kita, alam ko ganoon ka din sa akin to the point na umabot tayo sa hiwalayan. Aaminin ko hindi ko na inisip yung nararamdaman mo noong mga panahon na yon. I dumped you. I know that I am the one at fault. Naalala ko na ok pa tayo bago ang lahat. Pareho tayong nawalan ng time sa isa’t isa which lead to break-up” nakatitig lang ako sa kaniya habang nagkekwento siya. “Naging ok naman tayo non, bumalik sa isa’t isa pero naghanap ako ng taong mag-ccomfort sakin nung time na yon which is mali. Naging masaya kami, hindi ko sinabi sayo. Nasasaktan ka na noon pero ako nagpapakasaya” aminin ko ang hirap balikan pero kailangan. “Sa isang linggo, isang beses lang ako magparamdam. Minsan hindi pa. Nadisgrasya ako non, nalaman mo pa sa ate ko. Pabalang ko pang sinabi sayo. Lahat na ng rason sinabi ko sayo pero nandiyan ka pa din. Hanggang isang araw hindi na ko nagparamdam dahil nililigawan ko na siya, ni hindi man tayo nagbreak non e. Natatandaan ko pang naghabol ka noon sakin, sa isang gagong tulad ko. Siguro nagsawa ka na din kaya tinigil mo. Hanggang bago Christmas nagchat ako, just to say we are finally official. I didn’t give you the one that you are wishing, the closure” gusto kong magreklamo kasi masakit na pero gusto kong pakinggan. “Hanggang sa school pagnagkikita tayo gusto kitang ngitian pero alam ko nakagawa ako ng bagay na hindi maganda. Isang araw nakita kitang umiiyak, gusto kitang lapitan pero kasama mo kaibigan mo. Galit na galit siya noon” iyon yung time na nakita ko silang magkasama. “Hanggang sa one-day ok na tayo. Nginingitian mo ko na parang wala kong nagawa. We even greeted each other every time one of us is having his/her birthday” yes totoo yon. Isang araw naging ok na lang kami. “Nabalitaan ko din na ikaw nagsorry sa girlfriend ko noon. Bakit mo ginawa yon?” tanong niya. “I needed to. She thinks that I’ll flirt with you to get you back” I answered honestly. He looks so shocked. Nagsalita ako ulit. “Pinag-iisipan kasi ako ng girlfriend mo na aagawin kita. Lalo classmates tayo. Kaya siguro todo bakod sayo” dagdag ko na ikinatawa niya. “Sorry talaga, Key. Hayaan mo kong bumawi sayo” paumanhin nito. “Hm, ok na yon. Napatawad na kita” “Thank you. Matulog na tayo ulit, maaga pa tayo mamaya” pinikit ko na mata ko dahil inaantok pa ko. Bago ko tuluyang lamunin ng antok ay narinig ko siyang magsalita. “I love you, Key” Namalayan ko na lang yung sarili kong hila-hila ni Sami. “Bae, ano ba? Dalian mo ang init-init. Nauna ka pa nakatulog sakin tapos ikaw pa puyat?!” kung alam mo lang. Hindi na lang ako nagsalita dahil inaantok talaga ako. “Samiiiii! Tabi tayo” sigaw ni Keen. Kaya heto iniwan na ko ng gaga. Pinilit kong humabol pero muntik na kong madapa buti na lang may sumalo sa akin. “Magdahan-dahan ka kasi” sabi ni Russ habang pinapagpag ang bag ko na nalaglag. “Sorry, hinabol ko ka---” “Ehem” pag-agaw pansin ng tao sa likod namin. “Ah sige, Key. Una na ko, ingat sa hagdan” at kumaripas siya ng takbo. Nilagpasan naman ako ni Grae na nasa likod ko lang kanina. Wala ng ibang upuan maliban sa tabi ni Grae, dali-dali naman akong umupo dahil ang bigat talaga ng mata ko. Pag-upo ko ay ilang minuto lang nakatulog na ko. “Key, andito na tayo” mahinang anas ng taong kasama ko. “Hmm” daing ko at mas natulog pa. Naramdaman ko naman ang pagbuhat nito na hinayaan ko na lang. Lalagnatin ata ako. Nagising na lang ako sa isang kwarto. Nang ilibot ko ang paningin ay nakita ko si Grae sa sofa na natutulog. Pinagmasdan ko ito mula sa buhok niyang tingin ko ay quiff ang tawag sa gupit pababa sa kilay na makapal at pilik matang makapal, ang matangos niyang ilong at mapupulang labi. Binalik ko ang tingin sa kaniyang mga mata. Nakakamiss din palang titigan ang mga hazel niyang mga mata. T-teka mala-hazel? I-ibig sabihin --- “You done?” He chuckled. “Natulog lang ako pinagnanasahan mo na ko” tatawa-tawa niyang ani habang umaayos na ng upo. Umiwas naman ako ng tingin dahil nang-aasar ang mga ngiti niya. “K-kailangan na n-natin pumunta sa k-kanila” basag ko habang nauutal. Kita ko namang sumeryoso na ito. “Naggala lang sila sa isla. Hindi ka pwedeng mabinat kaya dito ka muna magpahinga. Kung hindi ka nabigyan ng gamot agad ay baka mas mataas na ang lagnat mo ngayon” sabi niya na nakapagpa-tahimik sa akin. “Magbonfire daw mamayang gabi doon makakasama ka. Kung gusto mo punta tayo sa cliff mamaya bago lumubog ang araw. Gagabihin daw sila dahil nga kukuha na din sila ng mga gagamitin sa bonfire” tumango na lang ako. “A-ahm G-grae nagugutom ako hehe” nahihiya kong saad. Nakita ko namang natawa ito. “Sige bibili muna ko ng makakain natin. Magpahinga ka diyan” bago ito umalis ay hinalikan niya muna ang tuktok ng ulo ko. Habang wala siya ay pumikit naman muna ko. Magsampung minuto na din mula ng umalis si Grae para bumili ng pagkain. Bumangon ako ng magbukas ang pinto. “Baeee! Kamusta? Pinag-alala mo ko” sulpot ni Sami kasama ang iba pa. Kasunod naman nila si Grae na may dalang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD