PROLOGUE

948 Words
DISCLAIMER THIS IS A WORK OF FICTION. UNLESS OTHERWISE INDICATED, ALL THE NAMES, CHARACTERS, BUSINESSES, PLACES, EVENTS, AND INCIDENTS IN THIS BOOK ARE EITHER THE PRODUCT OF THE AUTHOR’S IMAGINATION OR USED IN A FICTITIOUS MANNER. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD, OR ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL. THANK YOU! “Sure ka na bang sasama ka? Nandoon si Grae.” Nag-aalalang sabi niya sakin. Tinawanan ko muna siya bago sumagot. “Bae, I’m Fine. At saka bakit ka namomroblema? Magkasama naman tayo” mahinay kong sabi habang nagpapacute, para lang hindi niya na isipin na di ako magiging ok. Tinitigan niya ko para kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ko, kaya nginitian ko siya at tinuloy na lang pag-aayos ng gamit. “Bae, madami ba tayo don?” tanong ko na hindi nagpapahalatang kinakabahan. “Yes, bae. Why? Nandoon ibang friends ni Grae. Actually tayo-tayo lang kaso madami friends si Grae.” “Wala naman, natanong ko lang” “You sure?” tumango ako at nagthumbs up para ipakitang ayos lang. “Okay, sige na. Mauna na ko matulog. Tapusin mo yang pag-iimpake mo maaga pa tayo bukas.” Tumango na lang ako para hindi na huamab ang usapan. Hinintay ko na lang siyang makapasok bago ipagpatuloy ang pag-aayos. “Bae, Bangon na. Ready na yung breakfast” pagbulong nito sakin habang dahan-dahan akong niyuyugyog. “Hmm, ito na. Sunod ako, bae.” Mahina kong saad dahil wala pa ko sa wisyo. “Okaaay! Bilisan mo na lang.” Hinalikan muna niya ko bago siya lumabas ng kwarto. Naghintay naman ako ng mga tatlong minuto bago bumangon at dumiretsong banyo para maligo. “Papunta na daw sila Keen dito, ilabas na natin mga gamit natin par madali na mamaya” utos niya. “Sige, sandali lang” sagot ko naman dahil patapos palang ako kumain. *Beep Beep* “Baeeee! Halika na” sigaw niya sakin. Kaya tumakbo na ko palabas, siya kasi maglalock ng bahay. “Hi Key! Kamusta?” bungad ni Keen sa akin. Hindi pa din ako kumportable sa kanila pero pinilit ko ngumiti dahil may pinagsamahan naman kami. “Hello, ok lang naman. Ikaw?” “Ok lang din. Handa ka na bang makita si Gra---” naputol ang sasabihin nito sa biglaang pagdating ni Samira. “Bae, wala ka na bang nakalimutan? Kung wala tara na” at tinulak ako nito papasok ng Van. Nagpatianod na lang ako dahil di ko alam isasagot ko kay Keen. “Bae, ilang oras byahe?” tanong ko dito. Hindi ata niya narinig uulitin ko sana pero sinagot na ni Keen. “3 hours, pwede ka pa matulog.” Tumango na lang ako. “Magpapatutog ako para hindi boring. Susunduin din natin yung iba, sabay tingin sakin sa rear-view mirror. Di ko na lang pinansin. Playing: Traitor by Olivia Rodrigo Hindi ko alam kung sinadya niya bang yan ang tugtog o natiming lang. Kung ganoon ang galling naman ng tadhana. “Nakila Grae na daw silang lahat. Nagkita-kita daw sila para madali na lang sumundo” biglang sabi ni Keen. Natahimik na lang ako. Hindi ko na inisip kung makakatabi ko ba siya “Bae, diyan ka na ba talaga sa dulo?’ nag-aalalang ani nito. Tumango lang ako dahil nawalan ako ng gana magsalita. Pumikit na lang ako para matulog, dahil malayo pa naman ang bahay nila Grae. “Gago pre, wag ka naman maingay” “May natutulog kasi ang ingay niyo” “Kung hindi kayo tatahimik, bubusalan ko mga bibig niyo” dinig kong sabi ng malapit sa akin. Kalaunan ay natahimik na sila, di ko na sila binigyang pansin at tinuloy na lang ang pagtulog. Hindi nagtagal ay naalimpungatan ako dahil sa sakit na din ng leeg. Doon ko lang napansin ang matigas na bagay na nakadampi sa pisngi ko. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita kong balikat yon, at ang masaklap pa ay kay Grae ang balikat na siyang kinadadantayan ng ulo ko. Bigla-bigla akong bumangon kaya nauntog ako sa bintana, na naging dahilan ng pagkagising ng mga tulog. “Uy tanga! Ano nangyari” “Grae, Anong nangyari?” “Bae! Omg! Ayos ka lang” Isa-isa nilang tanong. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang pag-aalala, ang iba’y hindi na nakapagsalita sa gulat. Magsasalita pa sana sila ng mapansin na hahawakan sana ako ni Grae. “Oo, ayos lang ako hehe. Sorry naabala ko pa pagtulog niyo” dali-dali kong sagot sa kanila habang winawasiwas ang aking kamay. Nilingon ko ang aking katabi ng mapansing nakatitig ito sa akin. Ngumiti naman ako kahit ang awkward na ng sitwasyon. Nagthumbs up pa ako sa kaniya bago bumaling sa bintana upang indahin ang sakit ng aking ulo. Sobrang lakas din ng impact non. “Here, drink this” nang lingunin ko ito ay nakita ko ang piraso ng gamot at bottled water na hindi pa nabubuksan. Nang tignan ko siya ay nandoon pa din ang pag-aalala. Kinuha ko na lang dahil mukhang kanina niya pa balak ibigay. “Salamat” Pagkatapos ko uminom ay napansing kong pasimple silang lumilingon sa gawi namin. Kaya naman binasag ko na lang ang katahimikan na meron kami. “Malayo pa ba tayo” “Malapit na, bae. Mga 30 minutes pa siguro” ngumiti na lang ako kasi why not? It’s my best friend who answered me. Nagi-scroll ako ng mawalan ng signal yung phone ko. “Walang signal dito?” “s**t! sorry bae. Di ko nasabi” ani nito sabay peace sign. Napabuntong hininga na lang ako. Kung alam ko lang hindi ako sasama, akala ko kasi may magagawa ko at maiiwasan ko siya. Pero mukhang hindi na mangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD