Chapter 33 Taira's POV Kinabukasan ay inihanda ko na kaagad iyong ise-send kong message kay mama. Balak kong ipadala iyon sa Friday, hapon ng araw na iyon para kunwari ay biglaan lang ang lahat. Mahirap kasi magsisinungaling na naman ako pero tiwala naman ako na maiintindihan nila. "Hmmm... Alam mo, Tai, balak ko na talagang bumili ng TV para may pagnoodan naman tayo rito! Ang boring kasi talaga kapag walang maingay..." si Lia na tulala na naman sa ibabaw ng kama nito. Five o'clock pa lang ay gising na ako. Six o'clock nang magising naman ito. Sa aga kong nagising ay nakaligo at preprared na rin ako sa pagpasok. Ang mga kailangan ko ay nakahanda na sa ibabaw ng table ko, dadamputin ko na lang pagkatayo ko rito sa kama. "Ikaw kung ano ang gusto mo... Okay lang naman sa akin. Ako kasi.

