Chapter 34 Taira's POV Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang aga-aga ko pa ring pumapasok kahit na alam kong mapanirang araw lang ang nag-aabang sa akin. Sige pa rin ako kahit na alam kong may kumag na laging bubuntot sa akin. Pero narito ang pangarap ko sa classroom na ito kaya wala akong magagawa. Isa na rin ito sa mga pagsubok sa buhay ko kaya tatanggapin ko na lang. Umupo ako nang maayos pagkarating ko sa upuan ko. Isinabit ang bag sa sabitan at pasimpleng muling sumulyap sa taong ito. Mabilis ko ring inalis ang mga mata rito at nag-umpisa nang umakto na parang wala akong nakita. Iniisip ko na lang na tulog ito kaya hindi ko puwedeng istorbohin. Ano na naman kaya ang ipagagawa nito sa akin mamaya? Slave kuno niya ako ako, eh. Ngisi ang kusang kumurba sa mga labi ko. Sira-ulo tal

