Chapter 24 Taira's POV "Nagkakamali ka. Alam mo kung bakit ako hindi nilulubayan ng boyfriend mo." Inihawak niya ang mga kamay niya sa magkabilaang kapitan ng swing nito at ipinatianod ang sarili sa hangin. Pinapanood ko lang siyang nagsi-swing. Hindi na lang muna ako nagsalita. Baka hindi niya ako marinig dahil sa ginagawa niya. Bumagsak ang tingin ko sa relo ko. May fifteen minutes na rin kaming nandidito. Sa bintana ng shop ay nakikita ko si Lia na madalas mapasulyap sa amin. Nagbababa lang siya ng ulo kapag nahuhuli ko. Masaya niyang pinagsisilbihan ang iilang mga customers doon. Muli akong tumingin kay Nikki. "Kung wala kang sasabihin, babalik na ako sa loob. Nakahihiya sa Boss ko. Unang araw ko pa naman ngayon." Tumigil siya sa kabubuwelo at hinayaan ang swing na pitigilin mi

