Chapter 23 Zyair’s POV Hinihintay kong maluha ako pero ang tagal. Siguro dahil alam kong maaayos pa namin ni Nikki ang relasyon namin. Tampuhan lang ito, mababaw lang, kayang pang ayusin kung may magpapakumbaba sa amin. Sa ngayon, hindi muna ako iyon. Handa naman akong tanggapin siya ano mang oras niya balak bumalik. “Let’s go, Kyuubi,” ani ko pagkalabas ng teacher namin ng second period. Inilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng table niya bago naunang humakbang. Naramdaman ko naman ang paghawak niya roon kaya kampante akong sinusundan na niya ako ngayon. Sa isang iglap ay nasa tabi ko na siya. Nawala ako sa concentration nang mahagip ng alaala ko ang huling nakita kong mukha ni Nikki kanina. I wanted to shout and get angry, but I chose to just bow my head. Napalalim ang ginagawa kong pa

