Nakakabingi ang katahimikan at tanging ang tunog lamang ng mga yabag nitong mga sapatos namin ang siyang maririnig sa buong hallway. Hindi ko maiwasang ilibot ang mga mata ko sa paligid, habang tinatahak naming dalawa ngayon ni Harvey ang isang pasilyo rito sa mansion. "What are we doing here?" tanong ko kay Harvey, bago ako tuluyang magbaling sa kaniya ng tingin. "Hindi ba't gusto mong makausap ang mga kasapi ng organisasyon?" balik nitong tanong sa akin, na siyang ikinatango ko lamang nang marahan. "This place was owned by the organization. Usually, meetings with regard to our businesses in the underground economy have been held here," dagdag nitong sabi, bago ito tuluyang mag-iwas ng tingin sa akin. Kung gano'n ay bakit ngayon lang ako nakarating dito? Bakit hindi ako naisipang dalhi

