Chapter 94

1011 Words

Pagkapasok ko rito sa loob ng opisina ni Daddy ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad ko na ring pinuntahan ang lugar na siyang alam kong kinaroroonan ng safety vault. Ilang minuto lang ay bumungad na rin sa akin ang bagay na hinahanap ko, mabuti na lamang at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito nawawala rito sa dati niyang puwesto. Natatakpan ito ng isang malaking cabinet at para bang ipinasadya ang hugis at lalim ng butas nitong pader para lang mapaglagyan at mapagtaguan ng vault. Huli ko itong nakita no'ng bago pa kami tuluyang umalis dito ni Mommy sa mansion para magpunta sa States. Si Daddy pa mismo ang siyang nagturo sa akin ng kinalalagyan nito, at maging ang pass code ay ibinigay rin nito sa akin. Hindi ko na maiwasan pa ang mapalunok nang marahan, habang sinisimula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD