"Good afternoon Ma'am," bungad kong bati rito sa isang babaeng customer na siyang tumawag sa akin. Kaagad ko na ring iniabot sa kanya ang hinihingi niya sa'king menu nitong cafe, nang mahawakan niya na ito ay mabilis naman itong tumango sa akin at nagpasalamat. Ang sabi ng cafe manager ay hintayin ko na muna ang order ng customer bago ako umalis. Once na nakuha ko na raw kung ano ang order nito ay tsaka naman daw ako pupunta sa counter para sabihin ang order ng customer. "Ahm, 1 cappuccino at 1 cheesecake, 'yan ang order ko." Kaagad kong kinuha ang ballpen at notepad dito sa loob ng bulsa nitong apron na suot ko para mailista ang mga sinabing order ng customer. Nang matapos ko nang maisulat lahat ng order niya ay mabilis akong tumango sa kanya bago sabihing, "Thank you Ma'am, your order

