"Mabuti naman at nagka-ayos na rin kayong dalawa," narinig naming sabi ni Auntie Sylvia habang nagpapasalit-salit lang ang tingin nito sa aming dalawa ng pamangkin nitong si Toby. Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon ng pananghalian, iyon nga lang ay wala rito ngayon si Uncle Marco dahil uwi raw ito ngayon sa anak nito. Hindi ko maiwasan ang matakam sa amoy ng sinigang na iniluto ni Auntie Sylvia, matagal-tagal din akong hindi nakakain ng luto nila kung kaya't para bang na-missed ko ito. "Siya nga pala, Ravyn. Uumpisahan na namin ang pag-iimbestiga sa nangyaring pagpatay sa mga magulang mo at sa iba pang mga tao na naroon no'ng gabing iyon." Kaagad namang nabaling ang atensyon ko kay Toby dahil sa narinig kong iyon mula sa kanya. "Sige, salamat." Bahagya lang itong ngumiti sa akin, b

