Isang oras na rin ang siyang lumipas simula no'ng umalis ako ro'n sa mansion. Ngayon ay kasalukuyan pa rin akong nagmamaneho nitong sinasakyan kong kotse habang binabagtas ang kalsadang patungo na ngayon sa bahay nila Auntie Sylvia. Sinadya ko na huwag na lamang silang sabihan tungkol dito sa pagdalaw ko dahil baka bigla na lamang akong iwasan ni Toby sa oras na nalaman niya na pupuntahan ko sila ngayon. Sa totoo lang ay siya talaga ang sadya ko roon dahil may kailangan ako sa kanya, hindi man ako sigurado na magkaka-ayos na kaming dalawa ay kailangan kong subukan. Pagkatapos ng halos sampung minuto ay tuluyan na rin akong nakarating dito sa harapan ng gate nila Auntie Sylvia. Naisip ko na bumaba nalang ako mula rito sa sasakyan dahil wala na rin naman akong balak na ipasok pa ito sa loob

