Dumidilim na ang buong paligid at kasalukuyan na rin akong naglalakad ngayon para makabalik sa loob ng mansion. Inihatid ko lang sina Auntie Sylvia at Uncle Marco rito sa labas at pagkatapos no'n hinintay ko na rin silang makaalis. Ang sabi sa akin ni Auntie Sylvia ay maaari na rin daw akong dumalaw sa kanila kung gugustuhin ko, hindi ko naman iyon tinanggihan dahil gusto ko rin namang makaalis-alis dito sa mansion at nang ma-refresh naman ang utak ko. Sa ilang araw na namalagi ako rito ay mas marami pang nabuong mga tanong sa isipan ko kaysa ang makakuha ako ng mga sagot na kailangan ko. Malapit na ako sa main door nitong mansion no'ng sandali pa akong matigilan sa paghakbang dahil sa narinig kong pagdating ng isang sasakyan. Nang magbaling ako rito ng tingin ay kaagad namang bumungad sa

