Pagkatapos kong kumain ng dinner ay umakyat na rin kaagad ako rito sa kwarto ko. Hindi na rin kumain pa rito ng hapunan si Harvey dahil may importante pa raw siyang kailangang puntahan. Mas pabor naman iyon sa akin dahil hindi ko magawang kumain nang maayos habang kasama siya. Sa halip kasi na pagkain ang pagtuunan nito ng pansin ay halos matunaw na ako sa ginagawa nitong pagtitig sa akin. Gusto ko sanang tanungin si Inay Susan kanina tungkol sa mga baril na nakita ko rito sa loob ng kwarto ko, ang kaso ay hindi ko magawa dahil baka maging siya ay hindi rin nalalaman ang tungkol doon. Katatapos ko lang maligo ngayon at suot ko ang isang puting sleepwear dress na nahablot ko lang kanina mula roon sa loob ng closet ko. Ilang segundo pa ay naramdaman na rin ng balat ko ang lambot nitong ka

