Pagkapasok ko rito sa loob ng dining area ay kaagad nang hinanap ng mga mata ko si Inay Susan. Nakita kong abala ito sa ginagawa nitong paggabay sa mga kasambahay habang inihahain nila ang mga pagkain ngayong agahan sa long table. Bahagya ko na lamang napisil ang mga hawak kong papel no'ng tuluyan na akong maglakad at lumapit sa kinatatayuan ngayon ni Inay Susan. "Magandang umaga, Miss Ravyn," bungad nitong bati sa akin no'ng mapansin niya na akong paparating. Marahang pagtango lang ang naitugon ko sa kanya at pagkatapos no'n ay tuluyan na rin akong umupo rito sa harapan ng long table. Ilang segundo pa ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy at kaagad ko nang itinanong kay Inay Susan ang pakay ko sa kanya, "N-Napansin niyo na ho ba ang mga ito sa kwarto ko?" Binuklat ko ang mga nakatuping papel

