Magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang maguluhan at magtaka. Bakit parang kay bilis naman yata nilang sumuko sa akin? Bakit inakala kaagad nilang lahat na patay na ako, gayong hindi naman talaga nila nakita ang mga nangyari sa akin no'ng gabing iyon. Kung totoong importante ako para sa kanila ay bakit hindi na nila ako sinubukan pang hanapin, hindi na sila gumawa pa nang paraan para makompirma kung totoo nga bang patay na ako. Bakit ba sa halip na masagot ang mga katanungan ko ay tila mas nadaragdagan lang ang mga ito, sa halip na malinawan ako ay para bang mas naguguluhan pa ako ngayon. "Miss Ravyn?" Nakaalpas ako sa malalim na pag-iisip no'ng marinig ko ang pagkatok at pagtawag sa akin ni Inay Susan mula sa labas no'ng pinto nitong kwarto. Patuloy lang ito sa ginagawa nito

