"Kahit minsan, hindi ko pa nabanggit sa ibang tao, o 'di kaya kahit sa mga kaibigan ko ang tungkol sa kapatid ko. Wala silang alam, kaya no'ng ipinakilala kita bilang kapatid ko ay gano'n nalang ang pagkagulat nila." Hindi ko nalang naiwasan ang mapabuntong-hininga nang mahina dahil mukhang wala naman itong balak na sabihin sa akin tungkol sa kapatid niya. "17 years na mula no'ng mawala siya at ma-kidnap ng mga hinihinalang sindikato. 8 years old palang siya no'n, samantalang ako naman 9 years old," sa sinabing 'yun ni Toby ay lalo lang akong natigilan at natulala sa kanya. Nakikita ko na ngayon ang lungkot na unti-unting bumabalot sa kanya, nakatungo lang ito habang nakatitig sa hawak niyang baso ng tubig. "Kitang-kita ko kung paano siya kinuha ng mga lalaking 'yun bago siya tuluyang is

