Nakatitig lang ako ngayon dito sa ibabaw ng dining table habang inilalapag ni Auntie Vilma ang isang mangkok ng mainit na sabaw. Nakaibabaw dito ang ilang mga naglalakihang hipon at amoy na amoy ko rin ang asim ng sabaw, kaya naman alam ko na kaagad na sinigang na hipon ito. Ilang saglit pa ay sumunod na ring dumating dito si Auntie Sylvia sa dining area at pagkatapos ay inilapag naman nito sa ibabaw ng table ang mainit na kanin at isa pang ulam na sa tingin ko ay caldereta. Bukod pa sa mga ulam na ito ay meron pang mga fried chicken at fried fish, mukhang pagdating talaga sa pagkain ay gusto nilang laging pang maramihan ang nakahain para siguradong mabusog ang lahat. "O, kumain na tayo," kaagad namang sabi ni Auntie Sylvia, bago pa ito tuluyang umupo rito sa dining. Nasa tapat ko lang si

