"May I?" rinig ko ang malambing na boses ni Toby habang hinihintay nitong tanggapin ko ang iniaalok niyang kamay para alalayan ako sa pagbaba rito sa kotse niya. Hindi ko na lamang napigilan pa ang sarili kong mapangiti, bago ko tuluyang ibigay ang kamay ko sa kaniya. Ramdam ko ang maingat niyang paghawak sa kamay ko habang inaalalayan niya ako pababa rito sa sasakyan. . "Let's go, Love," pang-aaya ko, bago tuluyang magsalikop ang mga kamay naming dalawa habang naglalakad. Hindi na napaghiwalay pa ang mga kamay naming dalawa kahit pa nasa loob na kami ngayon nitong napili kong fine dining restaurant. "Ang ganda naman dito, Love," bulalas ni Toby, habang ikinakalat niya ang mga mata niya sa paligid. "May kamahalan din siguro 'yung mga pagkain dito ano? Don't worry, Love! I got you," d

