Chapter 70

1032 Words

Malalim ang aking pagbuntong-hininga habang nakatanaw sa labas nitong bintana ng kwarto na siyang tinutuluyan ko. Pinagmamasdan ang madilim na langit at pagbuhos ng malakas na ulan, hindi ko man gaanong marinig ito ay alam kong napakalakas nito. Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilan pa ang sariling matulala sa ulan, no'ng maalala ko nanaman ang mga sinabi sa akin ni Toby kanina. "O ano, sasabihin mo pa rin ba sa akin ngayon na niloloko ako ni Marrey at sumama lang siya sa ibang lalaki?" "Naging mabuti naman siya sa iyo ah! Nagawa ko pa ngang magsinungaling sa kanya para lang sa iyo! Tapos ito lang ang gagawin mo? Sisiraan mo siya nang ganito?" "Kung alam ko lang na iyan lang ang igaganti mo sa lahat ng tulong na ginawa ko para sa'yo. H-Hindi na sana kita pinansin pa noon! Hindi na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD