"Napakahirap para sa akin na hingiin sa iyo ang pabor na ito. Lalo pa't alam mo naman kung gaano mo ako napasaya no'ng sabihin mong hindi ka muna aalis at mananatili ka muna rito sa bahay kasama namin." "Pero sa nangyayaring hindi niyo pagkakaintindihan ngayon ni Toby, s-sa palagay ko ay mas makabubuti siguro kung...h-hindi na muna kayo magkita at magkasama na dalawa sa iisang bubong." "P-Pasensya ka na, Iha." Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabing iyon sa akin ni Auntie Sylvia. Hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng awa at bahagyang kirot sa puso, no'ng makita ko siyang humagulgol sa pag-iyak dahil sa nagdesisyon na rin akong umalis nalang at iwanan siya roon sa bahay. Banayad lang ang pagpapatakbo ko rito sa sasakyan ko at maluwag na rin ang kalsa

