Pagkatapos ng ilang oras kong pagmamaneho ay inihinto ko na rin ngayon itong kotse ko sa harapan ng gate at bahay nila Toby. No'ng sandaling makababa ako sa kotse ay sakto namang nakita ako ni Auntie Vilma habang kasalukuyan siyang nagdidilig ng mga halaman. "Ravyn! Aba't mabuti't napasyal ka," kaagad salubong sa akin ni Auntie Vilma, dahilan upang parehong umangat ang magkabilang dulo ng mga labi ko at bigyan siya nang matamis na ngiti. "Good morning po, Auntie Vilma," mabilis ko ring sagot sa kaniya. "Halika't tuloy ka! Naku siguradong matutuwa ang Auntie Sylvia mo nito." Hindi na niya ginusto pang pagtagalin ako rito sa labas kung kaya't kaagad na niyang binuksan ang gate para sa akin. No'ng tuluyan na akong makapasok sa loob ay hindi na rin ako nagdalawang-isip pang tumuloy sa loo

