Chapter 145

1015 Words

Ilang minuto na ang lumipas simula no'ng mangyari ang isang bagay na hindi ko inasahang mangyayari sa aming dalawa ngayong araw. Subalit nanatili pa rin kaming nakahiga at mas pinili munang magpahinga kaysa ayusin ang mga sarili namin. Isang halik sa ulo ang tanggap ko mula kay Toby habang kasalukuyan kong inuunan ang braso niya. Tinatakpan lang ng makapal na kumot ang mga hubad naming katawan, kung kaya't ramdam na ramdam ko pa ngayon ang init ng katawan niya habang yakap ko siya. "Ito na siguro 'yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Love," sa sinabing 'yun ni Toby ay bahagya akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito," dagdag niya, na siyang marahan namang nagdulot ng ngiti sa mga labi ko. Pagkatapos no'n ay kinuha niya ang kamay ko at h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD