"Tsk! Tatanga-tanga! Nakakainis!!! Argg!!!" singhal ng babaeng customer sa akin, no'ng hindi man lang ako nag-abalang magsalita at sumagot sa kanya. Napansin kong nasa amin na ang atensyon ng iba pang mga customer, kaya naman ako nalang mismo ang umiwas sa babae. Tumalikod ako sa kanya at hindi nalang siya pinansin, pero gano'n nalang ang pagkagulat ko no'ng bigla nalang akong makaramdam ng panlalamig at pamamasa sa bandang likuran ko. "b***h!" sa sinabi niyang 'yun ay hindi ko na naiwasan pa ang mapairap sa kawalan, bago ako tuluyang lumingon sa kanya. Pero no'ng tignan ko ito ay tanging ang likuran nalang nito ang nadatnan ko dahil naglakad na ito palayo para magpunta sa exit door. Napailing nalang ako no'ng kapain ko ang likuran ko, basang-basa ito dahil sa iced tea na isinaboy ng bab

