Chapter 102

1020 Words

Napapahigpit na ang pagyakap ko rito sa malambot kong unan, habang pilit kong kinukuha ang nauudlot kong pagtulog. Ilang sandali pa ay wala sa oras na naidilat kong muli ang mga mata ko, no'ng bigla na lamang magpakita sa isipan ko ang kabuuang mukha ni Toby. Maging ang mga nangyari sa amin kanina ay paulit-ulit ko ring nakikita sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Ang hindi ko rin maintindihan ay kung bakit sa tuwing nangyayari ang bagay na iyon ay para bang bumibilis na ang pagkabog ng dibdib ko, pakiramdam ko ay mayroong munting kaba sa loob ko, at hindi ko man lang maipaliwanag kung ano ang pinanggagalingan nito. Sandali akong natigilan no'ng marinig kong mag-ring ang cellphone ko sa ibabaw nitong nightstand table. Wala sa oras na napabalikwas ako ng bangon para lang kuhanin ang ce

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD