Isang oras na rin ang lumilipas mula no'ng umalis kami roon sa mansion, at ngayon ay kasalukuyan ko nang sinusundan ang sasakyan ng magkakapatid na cinco. Ang sabi nila sa akin ay alam na raw ngayon nina Tito Fernan at Tita Maricar ang tungkol sa pagdalaw ko roon sa location ng sindikato na gusto kong tignan. Hindi naman sila tumutol lalo pa at ako ang anak ng dating pinuno ng organisasyon, at sakop din namin ang sindikatong iyon na hawak nila ngayon. Ilang sandali pa ay isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa bibig ko, no'ng sunod na pumasok sa isipan ko ang mga sinabi sa akin kanina ng magkakapatid na cinco. "Isa lamang po ang sindikatong ito sa marami pang mga sindikato, na patuloy na pinapalakad ng organisasyon sa loob ng maraming taon." "Ang bawat pamilya na kasapi ng orga

