Halos ilang mga minuto rin ang ginugol namin sa paglalakad, bago kami tuluyang makarating dito sa harapan ng isang pinto ng kwarto. Isang pasilyo lamang ang pagitan nito roon sa pinagmulan naming silid kanina, kung kaya't halos magkakalapit lang ang kinaroroonan ng mga bata. Hindi nagtagal ay tuluyan na ring binuksan ni Delfin ang pinto nitong panibagong kwarto, dahilan para sumambulat nanaman sa akin ang kalagayan ng mga bata rito sa loob. Sa bawat hakbang namin papasok ay hindi ko na rin mapigilan ang sarili na pagmasdan ang bawat bata na narito ngayon. Kahit paano ay mas maayos ang kalagayan nila rito, kung ikukumpara sila sa mga batang nasa kabilang kwarto. Hindi nila kami nagawang pagtuunan ng pansin dahil abala ang mga ito sa ginagawa nilang pagsasalansan sa mga na-repack nang mga

