Mahigit kalahating oras din ang itinagal ng biyahe bago kami tuluyang makarating dito sa Mandaya City Doctor's Hospital. Sinabihan ko siyang maghintay na muna sandali dahil gusto kong siya nalang ulit ang sakyan ko pabalik sa bayan. No'ng una ay nagdalawang-isip pa ito dahil hindi pa naman ako nagbabayad, kaya naman para hindi ito mag-alalang takasan ko siya ay binayaran ko nalang muna ang pamasahe kong nagpunta rito. Pagkatapos no'n ay pumayag na rin siya sa gusto ko, kaya naman nagmadali na akong bumaba mula rito sa loob ng taxi. Pagkatapak ko sa semento ay kaagad na rin akong tumayo at lumabas nang tuluyan tsaka ko naman isinara ulit ang pinto nitong taxi. Dumiretso na rin akong maglakad papasok sa loob dahil doon ko pa makikita nang tuluyan ang harapan ng hospital. Pilit kong inaalal

