ELEVEN ❤️

1274 Words
- LUCKY MEGAN - "Patricia, sinong artista nga pala ang ka-looka-like mo?" narinig kong tanong ni Vanessa. Lumingon naman si Patricia sa amin, "Si Ryujin ng ITZY." "Yujin?" tanong ni Sam sabay turo sa katabi ni Patricia "Hindi Yujin. Ryu. Ryujin. May R sa unahan ng Yujin. Hindi mo ba kilala ang ITZY? Korean girl group iyon," pagpapaliwanag ni Patricia. "Ah kaya naman pala. Hindi ako maka-relate kapag KPOP WORLD ang pinag-uusapan eh." "Ayos lang iyon kung hindi man kayo maka-relate. Ang importante ay nakarating kayo para suportahan ako. Sobrang kailangan ko talaga niyan sa mga oras na ito." "Sure, basta enjoy your performance lang mamaya. Huwag kang kabahan,” masayang wika ni Jun. "Actually, ngayon pa lang malakas na ang kabog ng puso ko. Sobrang kinakabahan na ako. Basta pag-pray niyo ako mamaya ah." Sabay holding hands sila Kiray at Patricia. "Oo naman, friend. Kahit may topak ka ay hangad ng lahat ang pagkapanalo mo. Pero kung hindi naman, ay ayos lang. Magandang break na rin yan. Malay mo ma-discover ka pa kaya dapat galingan mo pa rin," Kiray winked at Patricia. "Ano pala ang talent na pinaghandaan mo?" singit ko sa usapan nila. "Syempre, singing and dancing." "Talaga?! Sample naman diyan" "Grabe naman kayo. Huwag kayo masyado mag-expect na magaling ako. Nape-preassure naman ako niyan eh." "Sige na, pagbigyan mo na." Narinig kong nagsalita si Yujin. Tumingin ako sa kaniya at nahuli kong tumingin rin siya sa akin. Pero binawi niya agad at nilihis sa ibang direksyon ang tingin niya. Biglang kumabog ang puso ko kahit saglit lang na nagtama ang tinginan namin. Grabe, iba talaga ang epekto sa akin ng mata na iyon. "Sige na nga." Kinuha ni Patricia ang phone niya at nagpatugtog ng isang kanta ng ITZY. Nakilala ko lang ang grupong iyon dahil kay Patricia. Panay kasi ang patugtog ng mga korean songs eh. ***** Nandito na kami sa studio ng It's Pekaboo. Ito ang unang pagkakataon ko na makapunta sa mga ganitong TV show. Grabe pala ang dami ng tao sa loob. Marami pa ang tao sa labas na hindi nakapasok sa loob. Dahil nga kaibigan namin ang kasali sa kalokalike kaya suwerteng nakapasok kaming lahat. Hindi na rin namin nakasama nang matagal si Patricia dahil dumeretso na siya sa back stage kasama ang dalawang baklang make-up and hair stylist niya. Sa unahan kami nakapuwesto kaya naman kitang-kita namin nang malapitan ang mga host lalo na si Vice Pretty na sobrang tangkad pala talaga. "Grabe, friend, ganito pala talaga sa loob 'no? Nakaka-excite talaga! Mamaya pa-picture tayo kanila Vice Pretty ah. Idol ko kasi iyon eh." Katabi ko si Kiray at sobrang kulit lang sa pagse-selfie. "Oo, sige na. Halos lahat naman yata sila, idols mo eh." Si Kiray ang kausap ko pero sa ibang tao nakatutok ang paningin ko. Katabi ko sa right side si Vanessa, sunod si Aikee at si Yujin na susundan ng kambal. Nasa left side ko naman si Kiray, sunod si Jun at Sam. Nakita ko siyang tahimik na nakamasid sa stage habang paminsan-minsan eh nakikipag-usap sa dalawang kambal na sina MM at MJ. "Oo naman. Nandito na rin tayo kaya magpa-picture tayo sa kanilang lahat." Nilingon ko si Kiray at super kinang ng mga mata niya kakatingin sa mga host na abot-kamay lang namin. "Ano kaya, friend, mag-artista na rin kaya ako? Tapos magkakaroon ako ng sarili kong teleserye, mga hot fafabolls ang mga leading men ko. May kissing scene at bed scene pa. Huwaaawww! Mag-aartista na talaga ako, friend! Gusto ko ng sundan ang yapak ni Patricia Nicole!" Sabay wagayway ng kamay sa hangin at tumayo pa. "PATRICIA NICOLE ALVARADO! GALINGAN MO AH! LAMPASUHIN MO ANG MGA KALABAN. IUWI MO ANG KORONA! NANDITO LANG SI KIRAY AT MEGAN PARA SUPORTAHAN KA. WOOOH!!!" Ang siste, nagsitinginan sa amin ang mga mga tao at binigyan lang naman kami ng what's-your-problem look. Grabe naman si Kiray, agaw atensyon! Gusto talaga yata magpa-discover ah. "Woooh, wooooh tama na, Kiray. Wala kang kaaway. Huwag kang sumigaw,” natatawang awat ni Jun. "Tse! Eh sa ganiyan ko ka-love ang kaibigan ko eh. Teka, nasaan ba ang mga tarpaulin niyo? Ilabas niyo na. Dali! Samantalahin niyo na habang hyper pa ako! Woooh! Woooh!" "Ay oo nga pala. Sandali lang." Sabay naglabas nga ng malaking tarpaulin at banner si Vanessa. Hindi ko alam na ganito sila ka-preparado para kay Pat. Napaka-supportive nga naman ng nakuha niyang "fans". "Ayos ah, kayo talaga ang nag-asikaso niyan?" tanong ko kay Vanessa. "Hindi. Pinadala lang sa amin yan ni Patricia,” nakangiting wika ni Aikee. Napatawa ako sa sinabi ni Aikee pero tinakpan ko rin ang bibig ko. Lukaret talaga 'to si Patricia. Gagawin talaga ang lahat sumikat lang. "We love you, Patricia Nicole Alvarado. By Super Patzy Fans." Super Patzy Fans? Saan naman napulot ni Patricia iyon? Iyan ang nakasulat sa tarpaulin with her sweetest picture. Oh 'di ba, hindi siya prepared niyan. Not knowing na hindi na siya humingi ng tulong sa amin ni Kiray kaya sabay rin kaming napanganga sa nakabalandra na tarpaulin ni Pat. "Wow! Ibang level na talaga si Patring," amazed na wika ni Kiray habang nakatingin sa tarpaulin. Maya-maya pa ay may narinig akong nag-uusap sa likod. "Sige na, magpakilala ka na. Kunin mo iyong cellphone number niya." Lumingon ako para alamin kung sino iyong maiingay na iyon na panay ang bulungan sa likod. Tatlong mga babae na kilig na kilig na nakatingin malapit sa puwesto ko. Sinundan ko ang tinitingnan nila at dahilan ng pangingisay nila sa kilig. Kaya lang hindi ko matukoy kong sino ang tinitingnan nila. Magkakatabi kasi sina Mj, Mm at Yujin. Well, sure naman ako na sila ang tinitingnan ng mga babae dahil guwapo naman talaga ang kambal. Si Yujin naman, cute kahit na maliit. "Hi." Nakita kong kinalabit ng isang babae si Yujin. Napataas ang kilay ko. Don't tell me, si Yujin ang trip ng tatlong iyan? Bakit hindi na lang iyong kambal ang kausapin nila? Huwag lang si Yujin ko! Lumingon si Yujin sa kanila. "Um, you're so cute. Can I get your phone number?" "Sorry. Wala akong cellphone eh." at binalik na niya ulit ang tingin sa stage. Bigla na lang ako natawa nang marinig ko ang sagot ni Yujin. Bote nga sa inyo. Ang haharot niyo kasi. "Please. Can we take pictures together?" Kalabit naman ng isang babae kay Yujin. Sa puntong iyon ay napalingon na rin ang kambal "Sorry. Hindi ako celebrity para makipag-picture sa inyo. If you want, you can have this twin brother for the picture," sabay akbay sa kambal. "Ikaw ang gusto ko kaya please have picture with me. Please, please." Sabay close-open ng mata niya. Pa-cute epek pa! Tse! Hinintay ko ang sagot ni Yujin pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi. "Ask my girlfriend about that." Nanlaki ang mata ko sa narinig. What?! Girlfriend?! At sino? Si Patricia?! Oh no! Masisiraan ako ng bait. Napatakip ako ng tainga nang dahil sa narinig. Buwisit! Bakit hindi ko alam?! Bakit hindi sinabi ni Patricia na sila na pala ni Yujin?! Ouch! Ang sakit ah. Pangalawang beses ko pa lang naman siya nakita pero hindi ko alam kung bakit ganito na agad ang naramdaman ko. Ewan ko ba, na love at first sight yata ako sa bulilit na iyon eh. Grabe, nababaliw na talaga ako. Heart broken na ako agad, ni hindi ko pa nga masyado nakaka-usap si Yujin pero inlove na agad ang puso ko sa kaniya. Wow! Masama na talaga ito. This is very bad!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD