- LUCKY MEGAN -
Nakayuko ako habang nakatakip pa rin ang tainga ko ng dalawang palad ko nang may kumalabit sa akin. Nakita ko ang naniningkit na mata ni Kiray. Ano naman problema nito at masama ang tingin sa akin?
"Problema mo?" maangas kong tanong.
"Wala."
"Wala naman pala eh." Yumuko ulit ako at nagtakip ng tainga pero kinalabit niya ulit ako.
"Ano ba iyon, Kiray?" yamot kong tanong.
"Kailan mo pa siya naging boyfriend?"
"Boyfriend? Anong boyfriend ang pinagsasabi mo riyan? Alam mo naman na wala akong bf 'di ba?" Medyo naiirita na talaga ako sa pagmumukha ni Kiray. Sarap i-delete!
"Eh ano ang sinasabi niya ngayon doon?" Sabay nguso sa likod ko.
Lumingon ako at nakita kong nakikipag-usap pa rin si Yujin sa tatlong babae.
"Puwede ba, 'wag mo kami lokohin. Paano mo naman magiging girlfriend iyon eh hindi naman siya maganda." Sabay tingin nang masama sa akin ng tatlong babaeng mahaharot. Hala! Anong problema ng mga bruha?
"Whether you like it or not, she's my girlfriend so please, will you shut up? Istorbo kayo eh," sabi niya sa tatlong babae.
"See that?" Lumingon ako kay Kiray.
"Hindi ko maintindihan sinasabi mo, Kiray. Hindi ako maka-relate. Ano ba sabi ng bulilit na iyon sa tatlong babae?" Nagtataka pa rin ako kung bakit sobrang singkit ng mata ni Kiray na hindi ko na makita ang eyeballs niya at kung bakit panay ang nguso niya sa direksyon nila Yujin.
"Simple lang naman. Girlfriend ko iyong naka-eyeglasses na color pink wearing gray t-shirt. Ano? Lulusot ka pa ba? Sige nga, maghanap ka sa studio na may kapareho ng attire mo."
OMG! Sinabi lahat iyon ni Yujin? Napatingin ako sa suot kong gray t-shirt. Color pink din ang eyeglasses ko. Wow! Kulang na lang yata ay sabihin din ni Yujin na nakapantalon ako at suot ang aking hello kitty vans shoes.
"Seryoso ka, Kiray?" Hindi kasi ako makapaniwala na sasabihin niya iyon sa tatlong magagandang babae eh. Yes, they are pretty. Mas maganda pa yata sa akin. Pero hindi mag-sink-in sa utak ko na ako ang girlfriend niya. Kailan pa?!
"Bakit? May nakakatawa ba? Sa tingin mo, nakikipaglokohan ako sa hitsura kong ito? Bakit hindi ko alam na boyfriend mo na pala siya?"
"Wait. Wait. Tumigil ka sa paratang mo ah. Baka nagkakamali ka lang ng pandinig kasi hindi ko siya boyfriend. Never siyang nanligaw sa akin kaya paano ko siya magiging boyfriend? Eh hindi nga kami nag-uusap tapos boyfriend pa?" pagpapaliwanag ko kay Kiray. "Mabuti sana kung totoo iyon eh," mahina kong bulong sa sarili ko.
"May binubulong ka?" tanong ni Kiray.
"Wala."
"Then, ipaliwanag mo kung bakit iyon ang sinabi niya sa tatlong haliparot na iyon?"
"Bakit ba ang high blood mo? Inaano ka ba ng tao? Saka ano naman ang epekto kung boyfriend ko nga siya?" Wow! Sana nga lang talaga na totoong boyfriend ko si Yujin. Ako na lang sana ang girlfriend niya. How I wish.
"Okay lang kayong dalawa?" tanong sa amin ni Sam.
Hindi naman kami masyadong agaw-atensyon dahil panay lang ang bulungan namin dalawa kaya hindi pansin na nagtatalo kami.
"Okay lang kami," nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Mag-uumpisa na ang kalokalike. Sana manalo si Patricia,” narinig kong usal ni Jun.
"Sana nga." Muli akong tumingin kay Kiray na tulalang nakatingin sa entablado ng It’s Peekaboo.
"Kiray, galit ka ba?" bulong ko sa kaniya.
"Hindi. Nagtatampo lang kasi akala ko bestfriend mo ako," sagot niya habang tulala pa rin.
Inakbayan ko siya at niyakap. "Puwede ka na talaga mag-artista. Magaling ka umarte eh. Susuportahan din kita gaya ng pagsuporta ko kay Patricia."
Tila nagliwanag ang mukha ni Kiray sa narinig. "Talaga?! Pasado na ba?!"
"Oo naman. Ang galing mo kaya. Pang-MMK ang drama mo, friend."
"Pero, balik tayo sa usapan. Sure kang hindi mo siya boyfriend?"
"Hindi nga. Bakit ang kulit-kulit mo?"
"Hmmm. Sure naman ako na ikaw ang tinutukoy niya na girlfriend."
"Did he mentioned my name?" Bigla akong kinilig. Grabe si Yujin ah. Bakit hindi niya man lang ako sinabihan na ako pala ang girlfriend niya. Akala ko talaga sila na ni Patricia. Buti na lang.
"Hindi."
"Ha? Eh pa'no ka nakasisigurong ako ang girlfriend niya?"
"Naman. Nakikinig ka ba? 'Di ba sabi ko nga, dinescribe niya ang attire mo."
"Baka namamalik-tainga ka lang?"
"Eh 'di tanungin mo siya para malaman mo ang sagot."
I'm now wondering. I want to know the truth. Kakausapin ko mamaya si Yujin.
Sheemay ka talaga, Yujin. Catch me please, I'm falling for you and I don't know what to do na!
*****
Nandito kami ngayon sa isang simpleng restaurant. Kainan, inuman at videoke lang kami rito. We're celebrating the victory of Patricia. Masaya ang lahat sa pagkapanalo niya. Aba syempre lalong-lalo na si Pat. Alam niya na ang kasunod niyon ay ang kasikatan na niya. Hindi malayo mangyari iyon, ngayon pa na nakita na siya sa national TV at marami na rin ang nagpa-picture sa kaniya kanina. Saka marami na ang nakakakilala sa kaniya habang nasa daan kami. O, 'di ba? Artista na ang dating niya. Siya na!
Treat niya kaming lahat. Libre ito na mahirap tanggihan. Na-informed ko na rin ang mga tao sa bahay kaya hindi na mag-aalala ang mga iyon kung sakaling abutin nga ako hanggang umaga.
Tahimik lang ako na pinagmamasdan ang masaya nilang kuwentuhan. May iniisip din kasi ako kanina pa eh.
"Uy!" untag sa akin ni Kiray. "Nawalan ka na ba ng dila at sobrang tahimik ka riyan?"
Nagulat naman ako sa pagpitik niya sa noo ko. "Naman. Masakit iyon ah. Hindi ba puwedeng may iniisip lang?"
"Enebeyen! Hindi ba puwede na mamaya mo na isipin iyang iniisip mo? Mag-happy-happy na muna tayo bago iyan. Pinapa-stress mo lang sarili mo eh. Sino ba iyang iniisip mo? Napaka-VIP naman niya yata para pag-aksayahan mo ng oras kakaisip?" Sabay salin sa baso ko ng iniinom nila na hindi ko alam kung ano. Hindi na ako nangtangka na tanungin pa iyon at ininom ko ang sinalin niya.
Beer pala.
"Huwag kang makulit. Mag-enjoy ka na lang diyan," sabi ko sa kaniya.
"Okay. Sabi mo eh." Nagkibit-balikat na lang siya at uminom na rin.
May kinuha ako sa bulsa ng jeans ko. May hinugot akong maliit na card at pasimpleng binasa iyon. It's a calling card. Inabot sa akin iyon ng babae kanina sa studio. Maganda siya at parang pang-model ang dating. Hula ko ay nasa late 30's na siya. Hindi alam ng mga kasama ko ang senaryo na iyon kanina dahil ako ang huling naglalakad sa amin palabas ng studio. Bigla lang ako tinawag kanina at inabot nga sa akin ito.
"Miss!" Narinig ko lang pero deadma kasi baka hindi naman ako ang tinatawag.
"Miss, sandali!"
Nagdesisyon akong lumingon. Nakita ko ang humahangos na magandang babae papalapit sa akin.
"Ako po ba tinatawag niyo?" turo ko sa sarili ko.
"Yes. Ikaw nga". Tumigil siya saglit sa harap ko. Nakita kong binuksan niya ang kaniyang shoulder bag at may dinukot sa loob. Inabot niya sa akin ang kinuha niya.
"Melanie Lopez." Mahina kong basa sa pangalan na nakalagay sa calling card.
"Yes. That's me." Nakangiti siya sa akin.
Binasa ko pa ang nakasulat. “Modelling Agency?” Napakunot-noo ako sa nabasa.
"Yes. I'm interested on you. You just caught my attention that's why I'm here in front of you. I want you to be part of my team." She's still wearing those sweetest smile.
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Sinabi ba talaga niyang interesado siya sa akin? Sa tulad ko na simple lang ang beauty? Yes, maganda naman ako pero hindi bongga.
"Just keep the calling card. Contact me whenever you're ready to be a model. You got the height and looks. Marami ka pang puwedeng i-improve kapag naging part ka ng team namin. Marami kang matututunan at maraming oppurtunity na darating sa buhay mo. I will help you to reach your dreams."
Reach for my dreams? Ang gusto ko lang naman ay maging Director.
"Sorry for being rude. I didn't introduce myself properly. I'm Melanie Lopez and I'm a Model Instructor and Manager of some celebrity that are famous right now. And your name, Miss Beautiful?"
"I'm Megan." Nakipag-shake hands siya sa akin.
"Megan, I'm hoping for your response. I really like you and I want you to be a star. If you don't mind, can I get your number?"
At parang nahipnotismo na ako dahil hindi ko namalayan na naibigay ko na pala sa kaniya ang cellphone number ko.
"Thank you, Megan. I'm expecting your call one of these days. Thank you and see you soon!" At nagpaalam na siya sa akin.