THIRTEEN ❤️

1038 Words
-LUCKY MEGAN- Saktong katatapos ko lang mag-flashback nang biglang magsigawan ang mga tao. Parang mga baliw lang ang mga kasama ko at sabay-sabay na sumigaw ng "HAPPY NEW YEAR!" with matching "CHEERS!" "Megan, join ka!" sigaw ni Sam. Inabot sa akin ni Aikee ang kopita na may lamang alak at giniya ako patayo. Sabay-sabay namin pinagdikit ang mga baso namin. "Cheers to Patricia's success and cheers for the new frienship! Happy new year everyone!" sigaw ng dalawang kambal. "Happy new year?" tanong ko sa kanila. "Oo. Happy new year, Megan!" sabay yakap sa akin ni Kiray. Ano ba pinaggagawa ng mga baliw na 'to at nagha-happy new year na agad? Napailing na lang ako sa kalokohan na ginagawa nila. Pero masaya naman ako na makitang nag-e-enjoy sila. Buti na lang at kami lang ang customer dahil kung hindi, kanina pa kami napaaway dahil ang ingay talaga nila. Napasulyap ako sa puwesto ni Patricia. Naningkit ang mata ko nang makita kong nakayakap si Patricia kay Yujin. Naku, Patricia, kung hindi lang talaga kita kaibigan, kanina pa kita niratrat diyan sa puwesto mo. Dahil naaalibadbaran ako sa hitsura ng dalawa ay padabog kong inagaw kay Kiray ang hawak na bote na plano sana nitong tunggain. "Megan!" Hindi ko na pinansin ang mga sinabi pa ni Kiray. Basta ako, iinom hangga't gusto ko! Ginawa ko lang tubig ang alak dahil diretso lagok talaga ang ginawa ko. Eh sa sobrang inis talaga ako! Sarap hagisan ng granada ang dalawa! Mga buseeet! "Megan, okay ka lang?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Patricia, nakalapit na pala sa akin. Mapait akong ngumiti sa kaniya. "Of course! May dahilan ba para hindi maging okay?" Sarcastic kong tanong pero gusto ko na sana talaga sabihin sa kaniya na "Hindi! Hindi ako magiging okay hangga't nasa tabi ka ni Yujin!" Pero may lakas nga ba akong sabihin sa kaniya? Mamaya niyan ipatapon niya lang ako palabas ng restaurant kapag nag-inarte ako. "Congrats, friend!" sabay yakap sa kaniya. Iyon na lang ang nasabi ko kahit gusto ko na siyang sakalin. Gusto ko siya bigyan ng yakap na hindi na siya makakahinga. Ako na ang masama. Ako na ang nag-iisip ng masama para sa kaniya. Kung bakit naman kasi sa rami ng puwedeng magustuhan eh doon pa sa taong gusto ko? Ang tanong, bakit nga ba sa dami ng boylet sa Philippines eh napili mo pa iyong bulilit na iyon? Aber? Paki-sagot ang sarili mong tanong Megan. "Sa gusto ko eh. Paki mo ba?!" singhal ko sa kaniya, sa kausap kong baliw. Lumipad agad ang tingin ko kay Patricia. Napanganga siya sa akin at halatang nagulat. "Galit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Patricia. Sinigawan ko ba siya? Hindi naman siya ang kausap ko eh. "I think you need to go home. Lasing ka na eh," sabay tulak sa akin. Aba! Gusto niya ako paalisin? Para ano? Para masolo niya si Yujin bulilit ko? No way! Hindi ako papatalo sa kaniya 'no?! Saka isa pa, gusto kong makausap si Yujin dahil may gusto pa akong linawin sa kaniya. Kaya naman nag-iipon pa ako ng lakas ng loob bago ko itanong ang bumabagabag sa ulo ko. Kanina ko pa iyon iniisip kung totoo ang narinig ni Kiray sa studio ng It's Peekaboo. May pagkaloko-loko kasi si Kiray eh. Baka gi-no-good time lang ako kaya gusto ko makasiguro. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko kapag hindi ko natanong iyon. "I'm not drunk. I'm just enjoying this night. And besides this is your celebration. Hindi puwedeng wala ang best friend mo, 'di ba? 'Wag mo naman ako pagtabuyan, friend." "Whatever you say, Megan. Baka ako ang pagalitan ni Tita Ruffa kapag umuwi kang lasing." "Don't worry. Ako na ang bahala sa kanila. Saka hindi nga ako lasing. Bakit ang kulit-kulit mo? Nagmana ka talaga kay Kiray." "Hey, guys!" Tumingin kami sa nagsalita over the microphone. "Mic test! Mic test!" Ang kambal, nakatayo sa tabi ng videoke. Ano naman kaya ang plano ng dalawa? "Are you guys having fun?" sabay tutok sa amin ng microphone. "Oh YESHHHH!" "YESH NA YESH!" Sigaw ko naman out from my lungs at bigla na lang akong nasinok. Bigla akong nagtakip ng bibig. Hindi ko pa naaalis ang kamay sa bibig ko ay sininok ulit ako. "Before we give you our production number for this night, let's all give Patricia a high recognition for winning the kaloka-talaga look-alike kanina! Bigyan na ng jacket yan!" masayang sigaw ni MJ, ang lalaking slim. Hindi na ako masyadong lito sa kanila dahil isa lang ang palatandaan na dapat kong gawin. Si MJ ang payat at si MM ang macho. Tapos! "And this performance is dedicated to all you, guys. Let's just enjoy till dawn! Rak en Roll na 'to. Maestro!" At nag-play na ang pamilyar na kanta ni Vice Ganda sa videoke. Ang "Whoops Kirri". But it's really different from the original version na ang kumanta ay Fruit Cake at sa second version ni Vice Ganda dahil mala-hip-hop ang dating niya. Alam ko na ang kanta bago pa man pasikatin ulit ni Vice Ganda iyon dahil favorite ko ang kantang iyon noong kapanahunan nun. Lagi ko kasi naririnig sa radyo at ngayong napasikat ulit ni Vice ang kanta ay bumalik na naman ang pagka-LSS ko sa kantang iyon. Pero ang version ng kambal ay sobrang okay. Sobrang nagustuhan siya ng tainga ko. "Whoops kirri whoops kirri whoops. Everytime I see you. Whoops kirri whoops kirri whoops, I want to know you. Whoops kirri whoops kirri whoops, hope you feel the same too. And I go whoops kirri kirri kirri whoops, I think I love you." "Whoops kirri whoops kirri whoops. Everytime I see you. Whoops kirri whoops kirri whoops, I want to know you. Whoops kirri whoops kirri whoops, hope you feel the same too. And I go whoops kirri kirri kirri whoops, I think I love you." "Whoops kirri whoops kirri whoops. Everytime I see you. Whoops kirri whoops kirri whoops, I want to know you. Whoops kirri whoops kirri whoops, hope you feel the same too. And I go whoops kirri kirri kirri whoops, I think I love you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD