- YUJIN -
Nahihilo na ako sa dami ng nainom ko kanina kaya nagdesisyon na akong i-text ang kapatid ko na sunduin ako. Buti naman at nag-reply siya. On the way na raw siya.
Sobra akong nag-enjoy na kasama ang mga tropa ko. Kaya hindi ko namalayan na sa sobrang jamming namin eh naparami na pala ang inom ko. Ang iba sa kanila ay lango na rin sa alak pero nakakakilos pa naman nang maayos.
Pero ang magkakaibigan na Pat, Megan at Kiray ay sobrang hyper pa. Halatang mga lasing na. Nakakatuwa lang tingnan ang kakulitan nila. Dahil dalawa lang ang microphone ng videoke at tatlo sila, pinag-aagawan pa nila kung sino iyong isa na hahawak ng mic. Parang mga paslit lang na pinag-aagawan ang isang candy.
"Ano, pare, ayos ka pa ba? Kaya mo pa ba?" narinig kong tanong ni MJ.
"Oo naman. Ako pa ba, Meljohn? Ako pa ba?" pang-aasar kong tanong sa kaniya.
"Oo, ikaw pa ba na mayabang?" At tumawa ito nang malakas. "Sure kang hindi ka na sasabay sa amin? Puwede ka naman namin ihatid eh." tanong naman ng kakambal niyang si Melmar.
"Beri beri sure! Nag-text na naman ang kapatid ko na susunduin daw niya ako."
"Aba! Himala! Nagkaroon ng oras ang kapatid mo sa'yo," narinig kong sabat ni Jun.
"Oo naman. Subukan lang niya na pabayaan ako, ililibing ko siya nang buhay sa tabi ng puntod ng nanay ko." Hindi ko na kaya. Parang susuka na ako anumang sandali. Napayuko ako at napapikit. Kaya lang mas lalo akong nahihilo sa ginagawa ko. Makakalakad pa kaya ako nang maayos nito?
Hindi nagtagal ay nagdesisyon na rin kaming umuwi dahil ang iba sa amin ay hilo at inaantok na. Kahit ako, gusto ko na rin matulog dahil sa marami rin akong inaasikaso nitong mga nakalipas na araw. Busy sa battle, busy sa paggawa ng mga cover kasama ang tropa, busy sa pagsusulat ng kanta, at kung ano-ano pang ka-busy-han sa buhay para lang malibang at maging masaya. Makalimutan man lang pansamantala ang kalungkutan.
Isa-isa na kaming nagsitayuan. Ginising na rin ni Aikee si Vanessa na kanina pa nakatulog sa balikat niya. Ang nangyari, dumaing lang naman siya sa pangangalay.
"Kung bakit kasi ang laki ng ulo mo eh," himutok ni Aikee kay Vanessa.
"Sorry ha. Kasalanan ko pa ngayon kung bakit ka nangalay. Pagkatapos mo mag-offer na sumandal ako sa balikat mo, magrereklamo ka ngayon. Ayos mo ah."
Napailing na lang ako sa asaran ng dalawa. Mas matagal nang magkilala ang dalawa. Since gradeschool ay magkaibigan na sila. Si Aikee ang nagpakilala sa amin kay Vanessa at simula nun ay naging kaibigan na rin namin ang dalaga.
Kailan nga ba nagsimula ang pagkakaibigan namin? I think it was 3 or 2 years ago. Actually, nakakatuwa lang ang history ng pagkakaibigan namin. Pinsan ko si Geo at kaibigan ni Geo si Sam, Aikee at Jun. Kaibigan naman ni Sam sina MJ at MM. Nagkakilala lang kami sa isang gig na pareho naming inaatenan. Sina MM at MJ ay isa sa mga performer nun. Nagkakilala lang kami dahil sa mga connection ng bawat isa sa amin. Doon din namin na-meet si Vanessa na kasama ni Aikee. Akala nga namin ay mag-dyowa ang dalawa. Hindi pala. Mag-bestfriend lang daw sila. Pero feeling ko may something sa kanila na hanggang ngayon ay hindi maamin ng dalawa. Well, bahala na sila sa buhay nila. Matatanda na sila para ma-realize kung ano mayroon sa kanila.
Isa lang din ang naging susi kung bakit succesful ang tropa namin. At iyon ay dahil sa musika. Although kami ni Geo, Aikee at Jun ay hilig ang rap while the others ay into RnB talaga. Pero hindi naging hadlang iyon para hindi kami mapalapit sa isa't-isa. Sina Sam at ang kambal ay matagal ng magkakilala. Music lang din ang reason kung bakit sila nagkakilala. Lahat sila ay gumagawa ng covers. Marami na nga silang subscribers sa youtube at marami na rin views ang mga ito.
Sobrang komportable na ako sa samahan namin. Pero hindi ibig sabihin nun ay alam na nila ang lahat tungkol sa akin. May mga bagay pa rin na hindi mo kayang i-share sa iba at desisyon ko na itago lang ito sa isip at puso ko. Kung ano man ang naiisip at nararamdaman ko ay ako lang ang nakakaalam.
Thinking of friendship, bago sila ay mayroon na talaga akong mga naging kaibigan. Kaya lang masalimuot ang nangyari kaya hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng lungkot paminsan-minsan. Nakakapanghinayang lang.
Pero masaya na naman ako ngayon. Dahil natagpuan ko muli ang tinuturing ko ng pangalawang pamilya sa piling ng mga kaibigan ko.
"Speaking, nandito na kapatid mo," tapik sa balikat ko ni Aikee.
Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang glass door. Nakita ko ang nakaparadang sasakyan ng kapatid ko. Tumunog ang cellphone ko at binuksan ko ang panibagong message na naka-display sa screen ng cp ko.
"I'm here outside."
"Okay. Lalabas na rin kami." Sabay pindot ng send.
"Let's go na!" sigaw ni Jun.
Isa-isa na kaming lumabas. Hindi pa ako tuluyan nakakalabas ay may naramdaman na akong mabigat na bagay na tumapak sa paa ko. Matalim ang tingin na tinaas ko ang noo ko at tiningnan ang taong gumawa nun. Medyo nabigla pa ako nang makita ko ang mapang-asar na ngiti ni Megan. Nananadya ba siya?
"Sorry. Sinadya ko talaga iyan. HikHik." At nauna na siyang lumabas.
Ano bang problema nun? Kanina ko pa napapansin ang irap na tingin na binibigay niya sa akin. Hindi ko lang masyado binigyan ng atensyon dahil baka mali lang ako ng interpretasyon. Kaya lang mukhang iba talaga ang aura niya eh. Ngayon pa na sinadya niya pala tapakan ang paa ko. Galit ba siya sa akin? Pero bakit? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya eh. Hindi nga kami nagkakausap eh. Naku! Naku!
Nagpaalam na ako sa bawat katropa ko pero nakita ko pa na lumapit sa akin si Patricia.
"Sure ka na bang hindi ka sasabay sa amin?"
"Oo. Nandito na naman ang kapatid ko."
Hindi na lumabas ng kotse si Allan kaya naman hindi na rin nag-abala pa ang mga tropa ko na batiin siya. Saka may pagkasuplado rin kasi iyon kaya wala ng nagtangka na batiin siya.
"Congrats ulit ah! Galingan mo ulit sa next round."
"Salamat."
"Sige na, sumakay ka na kotse. Ikaw na lang ang hinihintay oh."
"Um. M-Magkikita pa naman tayo 'di ba?"
Napakunot-noo ako sa tanong niya pero ngumiti rin naman ako. "Oo naman. Sasamahan ka pa namin sa next round 'di ba? Kami ang masugid mong supporter eh."
"I mean...." Tumingin siya saglit sa akin bago tumingin sa ibang direksyon.
"May problema ba?" tanong ko sa kaniya.
"Hey! Tama na ang loving-loving na iyan. Marami pang bukas. Inaantok na ako! Maawa kayo sa dyosa!" Nilabas ni Kiray ang halfbody niya sa bintana ng kotse at nagsisigaw.
"Ang epal talaga." Pabulong man pero malinaw ko iyon narinig mula kay Patricia
"Inaantok na raw ang dyosa. Sumakay ka na. Ingat kayo ah." At tumalikod na ako.
"Yujin!" Lumingon ako ulit. Lumapit sa akin si Patricia at agad inagaw ang cellphone sa kamay ko.
"Teka! Anong ginagawa mo?" Wala na. Lasing na talaga yata ito eh.
"Call me." Then she gaved my cellphone. I just looked at the screen.
Binasa ko ang nilagay niya. Pretty Patricia ang nakalagay na name with her cellphone number.
"Hihintayin ko iyon ah." At naglakad na siya palayo. "Goodnight, Yujin! Thank you for coming!" she shouted while walking. Napailing na lang ako.
Maganda si Patricia at kahit sino ay magkakagusto sa kaniya. Pero hindi pa ulit handa ang puso ko na magmahal. Ayoko muna ng babae sa buhay ko. Ayoko muna ng stress. Gusto ko muna ipahinga ang puso ko dahil sobrang na-damage lang naman siya. Masakit pa rin kasi hanggang ngayon at hindi pa rin tuluyan nakaka-recover ang puso ko.
Sinundan ko pa ng tingin ang paalis na van. Buti na lang pala at hindi na namin pinilit na sumali sa jamming namin si Tata Lino ─ ang driver ni Patricia dahil kung nagkataon, pati ang driver ay lango sa alak.
Lumapit na ako sa kotse at napansin kong bukas ang pintuan sa second row. Ang bait yata ni Allan ngayon at pinagbukas niya pa talaga ako ng pinto? Kaya lang hindi ko feel umupo sa likod dahil ang bastos naman ng dating kung magmumukhang driver ang kapatid ko kaya naman sinarado ko ito. Sumakay na ako sa unahan at napansin kong nakatulog pala ang kapatid ko.
"Allan, okay ka lang?" Niyugyog ko ang balikat niya.
"Ha?"
"Tara na. Kaya mo pa bang mag-drive? Gusto mo ako na lang?" Naawa naman ako sa kaniya. Halatang puyat din kasi dahil sa invisible na eyebug sa mata niya.
"Hindi na. Ako na ang magda-drive at baka magasgasan pa 'to." Kita mo 'to. Concern na nga sa kaniya pero mas concern pa siya sa bagong bili niyang kotse.
"Sige, ikaw bahala."