-LUCKY MEGAN-
Napahawak ako sa sintido ko. Ganito pala ang feeling ng napasobra sa alak. Ngayon, alam ko na ang salitang HANG-OVER. Hindi naman kasi talaga ako nainom ng alak eh. Kaya nga nagtaka rin sina Pat at Kiray kung bakit ang lakas ko raw uminom. Nakatapos lang kami ng kolehiyo, naging gahaman na raw ako sa alak.
Paanong hindi ako magiging gahaman sa alak? Eh sa sobrang inis talaga ako. Naiinis ako kay Patricia at Yujin. Akala mo kung sinong mga lovers, tinalo pa ang love birds sa ka-sweetan. At naiinis talaga ako. Bakit kasi si Patricia pa? 'Di ba sabi niya, ako ang girlfriend niya. Pero bakit kay Patricia siya sweet?
Yeah right. Sinabi nga ba niya na gf niya ako? Kailan? Saan niya sinabi? Dapat ba akong maniwala sa sinabi ni Kiray? Dapat ko nga ba bigyan ng meaning ang sinabi niya sa babae na nasa studio.
"Puwede ba, 'wag mo kami lokohin. Paano mo naman magiging girlfriend iyon eh hindi naman siya maganda. Maputi lang siya pero hindi maganda."
Ang haba kaya ng nguso ni bruha para ituro lang ako. Ako raw ang pangit?! Bakit? Hindi ba ako deserving na maging gf ni Yujin?
Ano ba ang wala sa akin na mayroon kay Patricia?
Okay, sabihin na natin na mas maganda talaga siya sa akin. Malakas ang confident, fighting spirit at sobrang determinado siya sa pangarap niya. She knows what she wants in life. Malakas din ang s*x appeal kaya naman kahit sinong lalaki ay puwede niyang makuha.
At ako? Ano nga ba ang mayroon sa akin na puwedeng magustuhan ng isang lalaki? Never pa ako nagkaroon ng boyfriend. Dahil ayoko pa naman talaga. Hindi pa ako handa noon dahil ang gusto ko makatapos muna ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Kapag stable na ako, saka ako magbo-boyfriend. Pero paano nga ba ako magkakaroon ng boyfriend kung wala naman nagpaparamdam sa akin?
Pero kapag titingin naman ako sa salamin, feeling ko ang ganda-ganda ko naman. Pero ano nga ba ang kulang sa akin? Matangkad naman ako. Maganda naman ang kulay ng skin ko. Flawless naman ang balat ko. Hind naman ako mataba. Naiinggit nga ang iba sa figure ko dahil kahit sobrang matakaw ako ay slim pa rin katawan ko. Katawang pang-model nga raw. Pero bakit?! Bakit wala man lang kahit isa na nagpakita nang interes sa akin?
Ano ba ang basehan nila sa kagandahan? Iyong todo make-up sa mukha? Iyong nagsusuot ng maikling short at palda na makikita na ang mga singit sa sobrang ikli? Iyong kita ang cleavage dahil sa sobrang laki ng boobs? Iyong mestisa na sa sobrang puti? Iyon ba ang maganda sa kanila? Iyon ba talaga ang tunay na maganda?
At ano na lang ako? Simpleng maganda lang na matangkad at may slim na katawan pero walang kadating-dating sa kanila? Ewan ko ba kung bakit ang tamad-tamad ko mag-ayos ng sarili. Hindi ko kasi nakasanayan ang pagma-make-up, ang pagiging kikay gaya nila Patricia at Kiray. Hindi ko kasi nakahiligan ang pag-e-experiment about fashion. Basta ako, laging naka-pony ang hair, may eyeglasses pa, tapos tshirt at jeans lang ang madalas kong suot. Paminsan-minsan nagsusuot din naman ng mga below the knee na palda at ang nakasanayan ko na suotin sa paa ay flat shoes. Ayokong-ayoko na nagsusuot ng high heels or stiletto. In short, ako ang babaeng plain na plain. Walang kabuhay-buhay. As in colorless. Aminado naman ako.
Simple lang ako at iyon ang gusto ko. Pero paano nga ba ako magkakaroon ng boyfriend kung hindi pa ako kikilos? Kung hindi ako gagawa ng paraan na makuha si Yujin?
Grabecious lang. Ganito na ba ako kadesperada na mapansin ng bulilit na iyon? At ano ba kasi ang mayroon sa kaniya at parang dead na dead pa ako sa kaniya? Hindi naman siya gwapo. Cute lang. Hindi naman siya matangkad dahil maliit nga lang siya. Pandak siya, juice ko po. Magmumukha lang siyang duwende sa tabi ko. Hindi rin naman siya super sa porma dahil kung baduy at jologs ako, eh MAS yata siya. Ano nga ang mayroon kay Yujin at sobrang tinamaan ako ng magaling? Pati si Patricia ay nahumaling na rin sa bulilit na iyon. Pati nga rin iyong mga babae roon sa studio 'di ba? Gusto pa magpa-picture at kuhanin ang cellphone number niya. Wala naman kakaiba sa kaniya, simple lang naman din siya gaya ko pero bakit siya pinagkakaguluhan ng mga babae? Eh simple lang naman din ako manamit at kumilos ah, bakit sa akin walang nagkakandarapa?
Hay naku. Pati ba naman si Yujin, kaiinggitan ko pa? Buwisit! Masakit na nga ulo ko, iniisip ko pa siya. Langya naman oh. Makabangon na nga.
"Ouch!" Napasigaw ako nang bigla akong mahulog sa kinahihigaan ko. Teka, nasaan na nga ba ako? Nasaan na iyong mga kasama ko?
Nagmulat ako pero blurred lang ang naaaninag ko. Alam kong nasa sasakyan pa ako. Ang salbahe lang ni Patricia para iwanan akong mag-isa rito sa kotse niya. Hindi man lang siya nag-abala na gisingin ako at patulugin sa kuwarto niya. Pati ang mga kasama namin, wala man lang pasabi. Kainis lang sila ah! Alam naman nilang lasing ako, hindi man lang ako inalalayan. Walang ka-concern-concern citizen sa katawan!
Naku! Malilintikan pa ako pag-uwi nito.
"s**t. Nasaan ang eyeglasses ko?" Hinanap ko sa loob ng sasakyan ang salamin ko pero dahil walang ilaw sa loob ay nahirapan akong hanapin 'to.
"Bukas na nga lang kita hahanapin." Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas. Kahit sobrang hilo at pagiwang-giwang ang lakad ko ay nagtagumpay naman ako na marating ang main door. Mabuti na lang at hindi ni-lock ni Patricia ang pinto.
Hindi na ako nag-abalang hanapin pa ang hagdanan paakyat sa guestroom nila dahil sobrang hilo at antok na ako. Ilang beses na rin naman ako nakapunta sa bahay nila kaya saulado ko na kung saan ang guestroom nila na madalas ay tinatambayan namin ni Kiray dahil sa group studies na ginagawa namin dati at doon na kami natutulog. Minsan nga sa living area na lang nila ako natutulog dahil paborito ko ang sofa nila na sobrang lambot.
Nang maaninag ko ang sofa nila ay pabagsak akong dumapa.
Weird...Bulong ko sa isip ko.
Hindi ko na madama ang lambot ng sofa nila Patricia na sobrang paborito ko pa naman. Well, hayaan ko na nga. Sobrang antok na talaga ako.
"Thanks."
Hindi ko na pinansin ang narinig ko. Inaantok na talaga ako. Goodnight to myself. Goodnight, Yujin!