SIXTEEN ❤️

1304 Words
- YUJIN - "Hmmm." I'm still hugging the not-so-soft pillow that Allan gaved me last night. Mabait na siya para mag-abalang hagisan ako ng unan kagabi. Hindi na rin na naman ako nag-abalang imulat ang mata ko dahil feel na feel ko nang matulog at magpahinga. Hindi na ako natulog sa kuwarto ko dahil tinatamad na akong umakyat. Kahit alam kong pagod na siya ay naglambing pa rin ako kagabi na bigyan ako ng unan. Akala ko ay wala ng unan na babagsak sa akin pero nagulat ako nang biglang may bumagsak sa katawan ko. Nagpasalamat na lang ako sa kaniya kahit na wala na akong madamang lambot sa unan na hinagis niya. Bato yata ang hinagis eh. Pero ayos lang dahil masaya na ako na malaman na concern pa rin siya sa akin kahit hindi niya pinapahalata. I'm still sleepy. Parang gusto kong matulog buong maghapon. Niyakap ko ng sobrang higpit ang unan na hawak ko. Then I felt something smooth in my face. I also smelled the fragrance directly to my nose. Ang bango naman ng unan na 'to. "I love you, Yujin." Where that word was came from? Namamalik-tainga lang siguro ako. Hindi ko na lang pinansin kaya mas hinigpitan ko na lang ang yakap sa unan ko. "Yujin, I... I can't breath." What the packing tape! Hindi na yata ako namamalik-tainga. Dumilat ako at ganoon na lang ang pagkabigla ko nang mapagtanto ko kung ano talaga ang nangyayari sa ibabaw ko. Sheeet! Nasaan ang unan ko?! Bakit babae ang yakap ko?! "Sino ka?!" sigaw ko sa nilalang na nakahiga sa ibabaw ko. "Yujin, don't shout at me please. Is that the right way to treat your girlfriend?" I can't see her face dahil natatakluban ito ng buhok niya. "Puwede ba, Miss, hindi kita kilala. Kung isa ka man sa mga babaeng naghahabol sa kapatid ko, puwes nagkamali ka ng pinatungan kaya umalis ka sa ibabaw ko kung ayaw mong ihagis kita papunta sa kaniya." Naman! Alam kong kahit busy sa trabaho si Allan ay mayroon pa rin naman 'tong quality time para sa mga babae niya. Pero hindi ko akalain na ginagamit na pala niya ang pangalan ko sa pangbababae niya. Buwisit naman oh! "Miss!" Niyugyog ko ang katawan niya. Pinilit kong bumangon. Sobrang nahirapan lang naman ako dahil sa pangangalay ng katawan ko kaya napahiga ulit ako. "Ano ba naman ito oh! Walastik. Miss, bumangon ka na nga!" Mukhang naintindihan naman ng babae ang sinabi ko kaya kumilos siya para bumangon. Inangat niya ang ulo niya at hinawi ang mga buhok na nagkalat sa mukha niya. At sobrang nagulat lang naman ako sa nakita ko. "Me ─ megan?! Anong ginagawa mo rito?!" ***** -LUCKY MEGAN- Buwisit! Sino ba itong sira-ulo na 'to na panay ang putak nang putak?! Malapit na magdikit iyong mga lips namin ng Baby Yujin ko sa panaginip tapos biglang e-extra sa eksena ang sira-ulo na ito na kanina pa sumisigaw. "Puwede ba, Miss, hindi kita kilala. Kung isa ka man sa mga babaeng naghahabol sa kapatid ko, puwes nagkamali ka ng pinatungan kaya umalis ka sa ibabaw ko kung ayaw mong ihagis kita papunta sa kaniya." Ano raw? Naghahabol daw sa kapatid niya? At sinong kapatid ang tinutukoy nito? Hindi ko alam na may bastos na nilalang pala ang nakatira sa pamamahay ni Patricia. "Ano ba naman ito oh! Walastik. Miss, bumangon ka na nga!" Pinilit kong bumangon dahil makakatikim talaga ng pamatay na suntok ang baliw na 'to. Naiinis na ako sa bunganga nito eh. Inayos ko ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko. "Me ─ megan?! Anong ginagawa mo rito?!" Natigilan ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang malakas na sigaw na iyon at parang ayoko ng kumilos nang mapag-sino ko kung sino ang kanina pa putak nang putak. "O.M.G." 'Yan na lang ang nasabi ko. "Anong ginagawa mo rito?!" 'Yan lang din naman ang sigaw niya. Kinusot ko ang mata ko at nagtanggal muna ng muta dahil baka mali lang ako ng nakikita. Parang kanina lang ay magkasama kami sa panaginip at ngayon, pagkamulat ng mata ko ay siya ang nabungaran ko. Maganda na sana ang gising ko pero bakit kailangan niya ako sigawan? Pero bakit nga ba siya nandito? Pooteek talaga! Hindi ko akalain na iuuwi ni Patricia si Yujin dito sa bahay niya. "Ako dapat ang magtanong sa'yo! Anong ginagawa mo rito sa bahay ni Patricia?!" "Bahay ni Patricia?" Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya. "Yes. Anong ginagawa mo rito?" And then biglang may nag-pop-up sa utak ko. "Oh my gosh! You're doing something 'no?!" "Doing something?" "May ginagawa kayong milagro 'no?!" "Baliw ka ba talaga? Anong milagro pinagsasabi mo riyan? FYI lang, bahay namin ito. Saka umalis ka na nga sa ibabaw ko. Ang sakit na ng katawan ko dahil ang bigat mo." Mataman ko siyang tinitigan. Ako? Nasa ibabaw niya? Paano mangyayari iyon eh nakadapa ako sa sofa ─ Agad kong napansin ang posisyon namin. Nasa ilalim ko siya. Ibig sabihin, nasa ibabaw nga niya ako?! Oh s**t talaga! Ano nga ba ang ginagawa ko sa ibabaw niya? Ang natatandaan ko ay padapa akong humiga sa sofa, hindi sa ibabaw niya. Ganito ba talaga ang epekto ng alak? Kung ano-anong milagrong nangyayari? Mabilis akong kumilos para makaalis sa ibabaw niya at kung sinuswerte ka nga naman, may nahawakan akong hindi ko dapat mahawakan. Para akong napaso sa bagong kulo na tubig at agad ko inangat ang kamay ko. Halata sa mukha niya ang pagkabigla at pagkapahiya. Napabalikwas siya ng bangon dahilan para magkauntugan kami. "Aray!" daing ko. Agad kong hinilot ang noo ko na nasaktan sa pagkaka-untugan namin. "Could you please be more careful?! Nahahawakan mo ang hindi dapat mahawakan eh." Pati siya ay hawak-hawak ang noo niya at ang nasa gitna ng hita niya. Nag-init ang mukha ko pagkakita sa hitsura niya. "Ikaw ang mag-ingat! Mabubukulan ako sa'yo eh." Kinapa ko ang noo ko. Baka may biglang sumulpot na bukol. My gash, what's happening ba?! Nasaan na ba si Patricia? Napapahamak ako sa pinaggagawa niya eh. Bakit nga ba sa sofa ito natutulog? Pero may na-realize lang ako. Parang gusto ko yata magtatalon sa tuwa. Tama! Buti na lang talaga at dito siya natulog sa sofa. Kami ni Yujin ang magkatabi! Kami lang naman! Hindi lang pala simpleng magkatabi, nakapatong pala akong natutulog sa kaniya. Bakit hindi ko man lang napansin na siya pala ang hinigaan ko kagabi? Ugh! Kasalanan lahat ng hang-over 'to eh! Pero teka, kasalanan man ni hang-over, parang gusto kong magpasalamat sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi to mangyayari! Oh my! Thanks, Big Bro! You just granted my wish and my dream! "Why you're smiling?" Nagising ako sa pagda-daydream ko. Napatingin ako sa kaniya. "Nothing." "Pinagnanasahan mo ba ako?" deretsahan niyang tanong. Nabigla naman ako at hindi ko alam ang isasagot ko. Pinagnanasahan ko nga ba siya? "You had a dream, right?" tanong niya ulit. Napatango na lang ako. "And you're dreaming of me?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya "What?!" "You're dreaming of me." Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Do we make love in your dream?" Napaatras ako. Bakit ganito ang pinagsasabi nito? Lasing pa rin ba siya? "Ka...Kapal mo. Nanaginip man ako pero hindi ikaw ang kasama ko sa dream land." Tinulak ko siya palayo sa akin. Baka himatayin ako kapag nagpatuloy ang pagkakadikit namin. "At sino naman iyon?" "Errrrrr. Si. Ano." Panic! Panic! Give me names! "Sino?" Halata sa boses niya ang panunukso. Napapikit ako. Dahil nagiging sensual na ang tinatakbo ng pag-uusap namin ay biglang nagpakita sa isip ko ang imahe ng lalaking nakita ko sa room 1313. "Si Edgar!" malakas kong sagot sa tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD