SIX ❤️

1357 Words
-LUCKY MEGAN- "Alam ba ng hayop na iyon ang sinasabi niya?" Nanginginig ang boses na bulong sa amin ni Kiray. "Easy lang, girl. Huwag mo na lang pansinin," saad ko. Hindi masagot ni Geo ang tanong ng kaibigan niya kaya si Patricia na ang nagsalita. "I'm Patricia. This is Megan and the other one is Ki─" "Hi, everyone! I'm Johanna, Geo's girlfriend." Napanganga ako sa sagot ni Kiray. 'Langya talaga itong babae na 'to oh. Lagi na lang ako ginugulat sa mga banat niya ah. Naghiyawan sa loob ng studio at lahat sila tinutukso si Geo. "Grabe, Geo! Ibang klase talaga ang s*x appeal mo ah." "Ginugulat mo kami, Gee! Alam ba ni Sam yan?" "Gago! Huwag niyo ng idamay pa si Sam dito," matalim na titig ang pinukol niya sa kaniyang mga kaibigan. "Oo nga! Huwag niyo ako madamay-damay diyan ah. Wala akong kinalaman sa inyo" "Ano feeling mo, ikaw si Samantha? Kailan pa naging Samantha ang Samson, aber?" Pinanlakihan ng babae ng mata ang lalaking may kulot na buhok. Pasalampak na umupo sa black couch na malapit sa puwesto namin si Geo. "Tingnan mo itong kabastusan ni Gee. Mapag-usapan lang si Sam, sinasaniban na naman ng masamang espiritu." Inismiran niya si Geo at saka niya binaling ang tingin sa aming tatlo. "Sorry girls, mga ungentlemen talaga itong mga kasama ko. Halika kayo, maupo kayo. Pasensya na kayo sa ugali ng mga iyan. Ganiyan lang ang mga iyan pero harmless naman sila at hindi nangangain ng tao." Tinanggal niya ang mga nagkalat na chichirya sa upuan at umupo na kami. "Sino pala si Sam?" Umiral na naman pagka-chismosa ni Kiray. Lahat napatingin sa kaniya. "Ako si Sam." Tumingin ako sa lalaking nagsalita. Saka ko lang napagmasdan ang mukha niya. Parang may kahawig siyang korean singer. Hindi ko lang maalala kung sino iyon. Imbes na sagutin siya ni Kiray ay inismiran lang siya nito. "Ito na ang kape!" May lumabas na lalaki mula sa pinto na nagmumula siguro sa kanilang pantry. Hawak nito ang isang tray na may lamang mga tasa. Nagulat ako nang makita ko siya. Kahit siya ay nagulat din nang makita ako. "Oh. May bisita pala kayo." Ano ba iyan?! Parang hindi yata siya natuwa nang makita ako at parang hindi kami nagkita kanina ah. Deadma lang talaga ako?! "Tropa ni Geo, pare." "Well. That's good. At least hindi lang tayo ang kaibigan ni Gee ngayon. Marunong na rin siya makihalubilo sa ibang tao." Nilapag nito sa mesita ang hawak na tray at nagkaniya-kaniya na sila ng kuha ng mga tasa. Parang natakam ako nang maamoy ko ang aroma ng kape. "Ay, sandali lang mga, girls. Ipagtitimpla ko lang kayo ng kape ah." Pumasok ang babae sa pintuan na pinagmulan ni Goin Bulilit. Singkit ang mata, maganda, sexy at mabait siya. Ang suwerte naman ng boyfriend nito kung sino man iyon sa mga lalaki na narito ngayon. Hindi naman nagtagal ay na-i-served rin naman sa amin ang kape. "Girls, kape muna kayo oh," nakangiting saad niya sa amin. Walang pakiyeme na kumuha na rin ako ng tasa at humigop. Hindi nagtagal ay nagpakilala sila sa amin isa-isa. "May dalawa pa kaming tropa. Kaya lang wala pa rito dahil maraming busy ang kambal,” wika ni Samson. "Kambal?! Boy or girl?" excited na tanong ni Kiray. "Macho gay!" At nagtawanan sina Aikee, Sam at Jun. "Mga bruho kayo, ginawa niyo pang bakla iyong dalawa. Eh baka nga kayo pa ang bakla eh,” pang-aasar ni Vanessa sa mga kasamahang lalake. Nagkatuksuhan lang sa loob ng studio. Masaya lang silang nagbibiruan at naghaharutan. Mapaghahalataang matagal na silang magkakaibigan. Ang saya lang nila pagmasdan. Pero iyong isa naman, tahimik lang sa isang sulok. Tahimik na umiinom ng kape habang tulalang nakatingin sa kawalan. Pinasadahan ko ng tingin ang braso niya. Siguro ay si Vanessa ang nagbalot ng bandage sa sugat niya. Hindi kaya siya ang boyfriend ni Vanessa? "Hoy, pare. Ikaw naman ang magpakilala sa mga bisita natin. Masyado kang busy kakaisip diyan eh," untag ni Jun sa lalaking kanina ko pa tinitingnan. "Jin-U." Sandali lang niya kami tinapunan ng tingin at bumalik na agad sa kawalan ang paningin niya. "Gin Yu?" wala sa sariling tanong ko. Tumingin ulit siya sa akin ng may pagtataka "Bakit?" "Ha? W-wala naman." ***** Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kuwarto. Maganda ang kanilang studio. Hindi kalakihan iyon pero sosyalen ang mga gamit sa loob. Kompleto talaga sila sa gamit. May mga musical instrument din doon gaya ng gitara, drums at keyboard. Napansin ko rin ang mga pictures na nakalambitin sa red wall ng studio. Tiningnan ko ang bawat isa roon at napansin ko na sila rin pala ang nasa litrato na iyon. Nakita ko iyong kambal na tinutukoy nila. Cute pareho, parang si Goin Bulilit lang. May napansin lang ako na nakasulat sa isa nilang litrato. May nakasulat na "COVERAP" kung saan ay kumpleto lahat sila. Nakalagay din doon ang mga pangalan nila. Pito silang lalaki at nag-iisa lang si Vanessa na babae sa grupo Yujin pala ang pangalan niya. Ayos sa spelling ah. Pero parang narinig ko na ang pangalan na iyon dati. Hmmm. "Magsimula na tayo." Napalingon ako sa nagsalita. "Ui, Geo, gising na. Mamaya na iyang tulog-tulog. Asikasuhin mo muna girlfriend mo." Tinapik ni Vanessa si Geo sa binti ngunit hindi ito gumalaw. Tinanggal niya ang sumbrero na nakatakip sa mukha ni Geo at nilapit ang bibig sa tenga nito. "Nandiyan na si Samantha." Agad itong napabalikwas ng tayo at napahilamos sa mukha. Tumingin ito sa paligid at nagpalinga-linga. "Punasan mo muna bibig mo. Ang daming laway. Nakakadiri ka talaga, Geo." Tinawanan siya ni Vanessa nang makita nito ang nakakagulat na reaksiyon niya. Nang malaman niyang gising na talaga ang diwa ni Geo, saka naman niya hinarap ang mga equipment na ginagamit sa recording studio. First time ko lang makakita nito. Ang daming dapat pindutin at hindi ko alam kung para saan ang mga iyon. Nakaharap sa isolation booth sina Aikee, Jun at Vanessa. Nasa loob naman ng booth si Sam at inaayos ang mga camera. Tumayo kami nila Patricia at Kiray para makiisyuso sa ginagawa nila Vanessa at Jun. "Yujin Abraham." Lumingon ako sa nagsalita. "Pero mas kilala ako sa pangalan na Jin-U." Humigop siyang muli ng kape habang nakatingin sa ginagawa ni Sam na nagkakabit ng kung ano-ano sa loob. Ilang sandali pa ay nilapag na niya sa mesita ang baso at pumasok na sa loob. Naiwan akong tulala at sinundan ng tingin si Yujin. "Vaneee! Nasaan si Sam?!" yugyog ni Geo sa balikat ni Vanessa. "Ano ba, Geo?! Bulag ka ba?! Nasa loob ng booth si Sam! Ligalig nito oh," nakasimangot na sagot sa kaniya ni Vanessa. "Hindi si Samson ang tinutukoy ko. Si Samantha!" "Aba, malay ko. Hindi naman ako tanungan ng nawawalang tao. Tulungan mo na lang si Sam sa loob nang matapos tayo agad." "Iyan! Tulog ka kasi nang tulog. Napagalitan ka tuloy ng bossing natin,” pangbubuska ni Jun. "Bakit mo ba hinahanap si Sam kung nandiyan naman si Johanna." Sabay nguso ni Aikee kay Kiray na tumitingin pa rin sa ginagawa ni Vanessa. "Johanna, ilan taon ka na?" tanong ni Jun. Hindi siya napansin ni Kiray. Palibhasa hindi naman talaga nakasanayan ni Kiray na tinatawag siyang Johanna kaya kung hindi ko pa siya kinalabit ay hindi pa kami mapapansin. "Ha? Bakit?" maang tanong niya. "Ilan taon ka na raw tanong ni Jun,” saad ni Patricia. "Tweenteen." Sabay sulyap naman niya kay Jun. "Sure ka? Bakit parang ─ teen ka pa lang?" tonong pang-aasar ni Jun kay Kiray. "10?! Wow ha! Gawin ba akong bata? Hindi lang po halata dahil baby face ako pero tweenteen na po ako. Ganiyan talaga kapag cute, hindi halatado ang edad," sabay halakhak na parang mangkukulam. "Ready?" Napukaw ang atensiyon ko sa tanong ni Vanessa. Sina Yujin at Sam ang tinatanong niya na kasalukuyan nasa loob ng isolation booth. Sumenyas naman ng okay sign ang dalawa. "Miss, pwedeng pakiss─lapin ang mga ngipin? Imbis na mainis sa akin, napangiti din. Akala ko iisnabin ng binibining nagpatibok ng puso kong nahulog at nagdurugo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD