-LUCKY MEGAN-
"Miss, sa'yo yata to." Sabay kami napatingin sa lalaking nagsalita.
Blurred na ang tingin ko sa mukha niya kaya hindi malinaw ang imahe niya sa paningin ko.
"Friend, sa'yo nga iyong salamin na hawak niya," sabi ni Kiray.
"Sure ka?" tanong ko sa kaniya.
"Yeah. We're very sure about it. Wala ka bang tiwala sa maganda kong mata? Kahit singkitin ako, malinaw ang mata ko ah. 20/20 yata 'to. Hay naku. Hindi mo tuloy makita ng malinaw ang padala ni Mayor."
"Hay naku, puro na lang padala ni Mayor ang alam mo. Baka padala lang yan ng barangay tanod ah," bulong ko kay Kiray.
Bigla naman napahigikgik si Kiray sa sinabi ko. "I swear. Padala siya ni Mayor." Nagpipigil lang sa pagtawa si Kiray pero hindi niya rin matiis kasi napatawa na rin siya nang malakas.
"Tumigil ka sa kakatawa mo, Johanna," bulong ko sa kaniya.
Nagtakip naman ng bibig si Johanna at tumigil na.
"Salamat." Sabi ko sa lalaking nababalutan ng kulay itim ang katawan.
Lumakad ako papalapit sa lalaki para kunin ang eyeglasses ko. Hustong nakalapit na ako sa kaniya at aabutin na ang hawak niya nang bigla siyang napapikit at napayuko.
"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya.
Nginuso niya ang nasa paanan namin dalawa at saka ko napansin na natapakan ko pala ang paa niya.
"I'm sorry." Bulalas ko sa kaniya. Bakit ang tanga-tanga ko ngayong araw?!
"Poor, Megan. Bulag na talaga," narinig kong usal ni Pat. Nakalapit na sa likod ko ang dalawa.
"Mag-contact lens ka na lang kaya, friend?" Kiray suggest.
"Ayoko. Alam niyo naman na takot ako maglagay ng kung ano-ano sa mata 'di ba?''
"Whatever you say,'' balewalang sagot ni Patricia.
"Are you okay, Mister? May masakit ba sa'yo? Hindi mo natatanong, I'm certified RN. I can take care of you." Here we go again. The flirty Kiray is on the house.
"Really? You're RN? As in Registered Nurse?" amuse na tanong ng lalaki kay Kiray.
"Of course I am! As in Registered Nanny! You can hire me if you want. For free!" baliw-baliwan na sagot ni Kiray.
Tumawa nang malakas ang lalaki nang malaman niya ang ibig sabihin ng kaibigan kong duwende.
Lukaret talaga to!
"You know what, I like you."
"And I love you too."
"Pagpasensyahan mo na iyan ah. Bagong labas lang iyan sa mental kaya ganyan iyan." Halatang iritable na si Patricia sa mga pangyayari.
"I don't mind. Masaya nga ang may kasamang ganiyan eh."
"Excuse me, can I have my eyeglasses, please."
"Ow, sorry. Here."
"Salamat." Agad ko itong sinuot at bumalik na rin sa normal ang paningin ko.
Mas malinaw ko ng nakikita ang mukha ng lalakeng kaharap ko ngayon. Bumalandra sa akin ang mapuputi niyang ngipin nang ngumiti siya.
Ang guwapo niya! Puwede siyang maging babae sa sobrang gandang lalaki niya.
"You're welcome. Got to go. Ingat kayo." Lumakad na papalayo ang lalaki.
Ingat ka.
Ingat kayo.
Bakit? May panganib na naman bang parating?!
"Wait!" sigaw ni Kiray.
Lumingon naman agad ang lalaki pagkasigaw ni Kiray.
Sinita ko siya. "Ano na namang balak mo, bruha?"
"Wait and see." Ngiting nakakaloko lang ang binigay sa akin ni Kiray.
Ngiting sponge bob lang ang peg!
*****
Nasa loob kami ngayon ng studio. At kung bakit kami napadpad dito? Dahil lang naman sa kalokohan ng kaibigan naming duwende.
"Wait!" Lumingon naman agad ang lalaki pagkarinig sa malakas na sigaw ni Kiray.
Sinita ko siya, "Ano na namang balak mo, bruha?"
"Wait and see." Ngiting nakakaloko lang ang binigay sa akin ni Kiray.
Ngiting sponge bob lang ang peg!
"Bakit?" tanong ng lalaki.
"What's your name?!"
"Geo."
"Geo, puwedeng sumama?" Napataas ang kanang kilay ko sa tanong ni Kiray.
Lukaret talaga ito. Wala ba siyang balak umuwi?
"Ha?" Naguluhan din yata iyong lalaking may pangalang Geo sa tanong ng kaibigan ko.
"Maulan pa kasi. Wala kaming payong kaya hindi pa kami makakauwi. Kung okay lang sana, puwede jumoin sa'yo?" malandi niyang tanong.
"Adik ka talaga. Baka busy iyong tao tapos sasama ka? Saka hindi naman natin kilala iyan eh," saway ni Patricia.
"Kaya nga tinanong ko name niya para kilala na natin eh."
“Kiray, hindi ka pa ba nadala sa nangyari sa atin kanina? Tandaan mo, narito rin sa building na ‘to iyong mga manyakis na iyon? Paano kung bigla natin sila makasalubong sa hallway?”
“Juice ko po, hindi na magtatangka pa na hanapin at habulin tayo ng mga iyon. Subukan lang nila at isusumbong ko sila kay Geo.”
Napatingin naman ako kay Geo at halata sa mukha niya ang pagtataka sa mga sinasabi namin.
"Um, Geo, never mind her. Sige mauna ka na." Sabi ko sa kaniya bago pa maging question mark ang kaniyang mukha.
"Kung wala pa kayong mapupuntahan dahil malakas pa ang ulan sa labas, puwede kayo tumambay sa studio namin."
Medyo nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang masayang pag-imbita ni Geo sa amin kahit ang gulo-gulo naming tatlo.
"Oh 'di ba! Sabi ko sa inyo eh, hindi busy si Fafa Geo. Tara na!" Nauna ng lumakad si Kiray palapit kay Geo.
"Huwag na, Geo. Makakaabala lang kami sa iyo." Buti pa si Patricia, marunong makiramdam.
"Ayos lang. Kaysa naman nandito lang kayo sa labas. Mabo-bore lang kayo rito." Nakangiti pa rin si Geo sa amin.
"Ang aarte niyo! Tara na. Uuwi rin naman tayo agad kapag tumila na ang ulan. Dali at baka magbago isip ni Fafa Geo oh," and then she happily held Geo's arm and wrapped it against her body.
Napailing na lang ako. Parang balewala lang sa kaniya ang nangyari sa amin kanina sa 13th floor Room 1313 ah.
Agad nagtaasan ang balahibo ko sa batok nang maalala ko na naman ang eksena na iyon. Gusto ko na sila hilahin pauwi pero kasalukuyan pa ring malakas ang buhos ng ulan sa labas kaya hindi na ako tumutol pa nang makita kong magkasabay ng naglalakad si Geo at Kiray habang nasa likuran nila si Patricia.
Sumunod na rin ako sa kanila at pumantay sa level ni Patricia. Nagkatinginan na lang kami at napailing.
"Ang landi talaga ng kaibigan mo, Meg."
"Oo. Tinalo pa tayo sa kalandian. Naku, baka mapahamak na naman tayo nito ah," sabi ko kay Patricia.
"Hayaan mo. Iiwan agad natin si Kiray diyan sa Geo na 'yan."
Salamat at walang malaswang kaganapan dito sa loob ng studio nila Geo. Medyo kabado talaga ako habang papunta kami rito kasi malay ba naming kung itong Geo na ito ay kabilang din sa mga manyakis na iyon na nasa room 1313. Pero nakapaka-suwerte ng bruha dahil room 0919 na itong pinasukan namin. Dahil kung nagkataon lang talaga na mapadpad na naman kami sa kuwarto na iyon, talagang aawayin ko na si Kiray.
Medyo malayo na sa 13th floor itong 9th floor na pinuntahan namin. Nandito na nga kami sa loob ng studio. Akala ko iyong typical na studio type ng bahay na may sala, kusina, cr at bedroom. Iyon pala, recording studio! Hanep! Singer pala si Geo?
May mga tao sa loob. Marami rin sila. Halos lalaki, isa lang iyong babae na nakita ko. Siguro boyfriend niya ang isa sa mga iyon.
"Oh, pareng Gee, nandito ka na rin sa wakas! Tingnan mo nga naman, nagdala ka pa ng mga hot chicks."
"Tatlo pa talaga ah. Para ba sa amin 'yan?"
"Tropa mo, Gee? Ayos ah. May kasama ka pa na pang Ms. Universe. Iyong isa parang arigato sayonara at may bata ka pang kasama!"
Napaisip ako sa arigato sayonara na binanggit ng kaibigan ni Geo. Ano kaya ang ibig niyang ipahiwatig sa sinabi niyang iyon?
"Um." Napatingin sa amin si Geo.
"Alam ba ng hayop na iyon ang sinasabi niya?" Nanginginig ang boses na bulong sa amin ni Kiray.