Prologue
Disclaimer
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Sorry for any grammatical errors that you may find in my story as I am not a perfect writer.
Prologue
"Masyado mo naman atang pinapantasya ang kaibigan ko, kung makatingin ka parang huhubaran mo na!" binigyan ko ng masamang tingin ang lalaking antipatiko.
"Bawal na ba humanga sa kanya ha?" tanong ko sa kanya. Porket yung nililigawan niya, nagpaligaw sa kanya. Tapos ako, hindi pa umaamin kase takot masaktan.
"Umamin ka na kasi kay Clarence, gusto ka rin naman niyan eh. May crush yan sayo matagal na, parati nga nating kasama yan. Hindi mo ba pansin ha?" napakunot ang noo ko sa sinasabi niya. May preno pa talaga.
"Ano yung di ko pansin ha?" napakamot pa ako sa ulo ko sa pinagsasabi niya.
"Hinahatid sundo niya ikaw~"
"Hep, tayo kasi magkapit bahay tayo at ikaw ang sinusundo niya at pinapasabay mo lang ako." tuloy ko sa sinasabi niya. Ayaw ko pa namang ma-issue, andaming marites sa gilid gilid ng baranggay namin.
Kami pa nga lang dalawa, na iissue na, isasama niya pa si Clarence, edi ano na ang balita sa akin? 'Peony, the two timer, pinagsabay ang magtropa'. Kadiri pareh.
"Sinabi ko lang naman, crush ko siya, magkaiba yung crush sa like at sa love" explain ko sa kanya.
"Masyado mong ini-specific mga trip mo kaya walang nagtatagal sayo eh!"
"Aray! Bakit mo ko piningot?!" sabay hampas ko sa likod niya. Yung mukha niya akala mo parang minaltrato ng step mother ni Cinderella eh.
"Okay ka lang?" Pinanlakihan ko ng mata si Gabriel ng makita ko ang mukha ni Clarence na nag aalala habang hawak ko ang tenga ko.
"Hindi okay lang. Nanghaharot kasi si Gab eh, sabi niya crush mo daw ako, sabi ko naman hindi hehe" Ngiting aso naman ang kulokoy dahil sa nadulas ako at pulang pula na ang mukha ko sa kahihiyan.
"Huh? Akala ko alam mo na, diba sinabi ko sayo last 2 years noong grade 7 tayo? Sabi na eh, di ka nakikinig sa akin madalas eh" Napapailing na sabi niya. Tumawa naman ng malakas ang katabi ko dahil pulang pula na ako.
"Eh, nakalimutan ko haha. Saglit lang ha bibili lang ako ng scramble sa may gate." Sabay alis paalis sa may court ng school. Kahit nakalayo na ako, naririnig ko pa rin ang tawa ni Gab. Nung makalayo na ako, pumunta na ako sa room namin at kinuha ang bag ko dahil uwian na.
Kaya naglalaro na ng basketball sila Clarence at Gabriel dahil P.E class na namin at last subject yun, tuwing hapon ng biyernes.
Bakit ko ba kasi kinalimutan na umamin na pala siya sa akin nung grade 7 at nireject ko siya. Ang tanga ko talaga.
Ibang iba na ang itsura niya ngayong grade 9 kami. Hindi na siya yung mataba na nakasalamin. Sakto na ang katawan niya para sa isang athlete player ng sepak takraw. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magustuhan, gustong gusto ko na magustuhan siya dahil nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki pero bakit ayaw ng puso ko na matutunang magustuhan siya?
Parati kong iniisip kung ano ang mga dahilan pero bakit ba mga dahilan ang hinahanap ko?
Naghihintay na ako sa may gate para kapag nagsabi na si manong gaurd na pwede ng lumabas ay makakalabas agad ako at makakabili ng scramble.
"Uy! Sakto nandidito na ang napuno ng kahihiyan sa harap ni Clarence. Clarence nandidito kami ni Peony!" Siniko ko naman siya dahil ang asim niya galing sa paglalaro tapos aakbay siya sa akin.
"Ano ba! Ang baho mo na eh!" Sabay takip ng ilong ko at paypay sa hangin.
"Masyado mo naman akong iniiwasan Nini, HAHAHAHA, ganun na ba ako kagwapo sa paningin mo para magustuhan mo na rin?" napairap na lang ako sa kahanginan niya. Eto minsan ayaw ko sa kanya, masyadong mahangin, parang tatangayin na ako sa lakas.
"Rence crush kita pero hanggang dun lang yun."
"Sure ka hanggang dun lang? Crush kita, crush mo ko pero ayaw mo manligaw ako sayo. Sus etong bespren mo Gab! PAASA! Last month umamin na kinrush back ako pero ayaw niyang ligawan ko siya, ang g**o!" Napapailing na reklamo niya.
"Sinusunod niya lang payo ni tita. Tsaka 3 years na lang pre pormal ka nang pwede manligaw diyan kay Nini, aba sa akin pasok na pasok ka sa banga para sa bespren ko, tutulungan pa kita kay tita pero wag na wag mong sasaktan yan, little sister turing ko diyan, magiging mukhang aso yang mukha mo kapag nagkataon." Sweet naman niyang kuya na yan.
"Aba nasa tabi niyo lang ako hoy! Hindi ako papayag na manligaw yan sa akin at bakit nasama si mama sa usapan ha?"
"Alam mo baby~ awww bakit ka nangungurot?" Sabay himas niya sa tagiliran niya.
"Anong baby? Pagsabihan mo yang kaibigan mo Gabriel ha!" Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng P.E pants ko at naglaro na lang ng Mobile Legends. Yung dalawa nagkukwentuhan pa rin at sa tingin ko hindi na ako yung pinag uusapan nila.
Minsan naaasar talaga ako kung bakit may mga taong ipag pipilitan na ang crush ay love, yes, it can be a bridge to get a relationship to someone you trully love but isn't it different to the actual love that I know?
Crush is an infatuation madaling mawala but love is long lasting, everlasting and can live eternally.
"Pwede na lumabas!" Sa isang sigaw na iyon, lahat ng estudyanteng kanina pa atat na atat lumabas ay nag sipag takbuhan at nakipag siksikan sa makitid na labasan na gate ng school namin.
"Hatakin mo ko Gab, naglalaro pa ako ng ml!" Sigaw ko sa katabi ko dahil sobrang ingay ng paligid. Ganito talaga sa public school na may mahigpit na gaurd akala mo sa kanya ang school. Daig niya pa ang principal, wanya!
Sa inis ko dahil matatalo na kami kumapit na ako sa braso niya at sumama palabas ng gate. Sanay na kasi siya minsang kumakapit ako o umaangkla sa braso niya dahil minsan busy sa kakacellphone o minsan nagrereview ako.
Malapit na kami sa may hintayan ng jeep at bus o waiting shed, sa tabi nun may bilihan ng mga pagkain tsaka nandun yung nagtitinda ng scramble. Alam ko namang matangkad ang bespren ko at si Rence, minsan napag gigitnaan talaga ako kaya feeling ko ang liit liit ko sa height ko na 5'2.
"Bilihan mo ko saglit kaya pa ata itong i-comeback eh, yung tag bebente para malaki kung dadagdagan mo ng sampo pera ko hehe maraming salamat kung ganun. Ay yawa ka! Back ka na Ling! Ay ambobo naman, sayang set ko ambobo ng core, nak ng pucha oh!" Sa inis ko ay pinatay ko yung cp ko at binulsa ulit at kinuha na yung wallet ko sa kabilang bulsa naman, sa may kanan, sa likod. Tinanggal ko ang pagkakapit sa kanya at kumuha ng bente pesos at inabot to sa kanya.
"Peony! Peony! Peony!" Nangunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Boses kasi yun ni Rence, kung nasaan si Rence naroon din si Gabriel, pero most of the time naman yun kasi minsan nagkakahiwalay din naman sila.
"Eto na yung Scramble mo Peony." Kinuha ko yung tag, teka tag fififty to ahh! Nanlaki ang mata ko ng marealize kong sa ibang lalaki ako kumapit at inutusan ko pa siya.
"Sorry kuya Duke, bayaran ko na po yang tag sisingkwenta, akala ko po si Gab yung katabi ko kanina dahil katabi ko lang siya kanina. Sorry po!" Inabot ko yung singkwenta pesos na buo sa kanya pero umiling lang siya. Nakakahiya!
"Wag na, libre ko na, masyado kang nastress kanina sa laro haha!" Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya nang kinuha ko yung libre kuno niya sa akin.
"Peony, kanina ka pa namin hinahanap, asan ka ba nanggaling?" Aligagang tanong ni Rence ng makita niya akong naglalakad hawak hawak ang scramble.
"Bumili ka na ng scramble ng wala kami? Si Gab kukunin lang daw yung kotse niya para makauwi na tayo."
"Parang laki naman masyado niyan para sa bente pesos? Sure ka ikaw bumili niyan, sa kuripot mo?" Nakataas ang kilay niyang nagtatanong. Para namang hindi ko kayang bumili ng tag sisingkwenta pesos. Masyado kasing malaki ang singkwenta pesos na scramble talaga. Kailangan dalawang kamay gamit mo eh.
"Hinde, nilibre lang sa akin ni kuya Duke, gusto ko ngang bayaran dahil akala ko si Gab yung nakapitan ko, yung pinsan niya pala." Sarap na sarap ako sa scramble ng makita ko ang sasakyan ni Gab.
Niyaya ko na si Rence ng matapos na siyang bumili ng dalawang tag tetrenta para sa kanilang dalawa.
"Alam mo bang nagpalibre yan sa pinsan mo. Andidito naman yung ka-MU niya parang nabalewala ang feelings ko bro."
"Sino kay Duke? Mabait naman yun kaya okay lang. Masyado ka namang seloso kahit wala namang kayo." Pinasimulan niya nang paandarin yung kotse at ako ay kumakain pa rin at parang di maubos yung scramble.
Pagkauwi ko sa bahay ay di pa rin ito ubos at nilagay muna sa ref namin.
Gusto kong tanungin ang sarili ko ng isang tanong na napakalalim?
Sino ba ang pipiliin ko, ang taong mahal ko o mahal ako?
Paano mo nga ba masasabing nagmamahal ka?
Paano ko masasabing nagmamahal ako, lingid sa kaalaman ko?
Hindi ko naisip ang mga tanong na yan, pero nag simula yan ng marealize ko na yung taong gusto ko para sa akin ay kahit kailanman, hindi pwede maging akin.