CHAPTER 5
FIERCE'S POV
Nakatulala ako habang hawak ang labi ko na pinapak kahapon ni Cloak. Hindi na halata ang pamamaga non at normal na ang itsura niya. Kagabi kasi parang ka re-r**e lang ng labi ko.
Kasalukuyan akong inaayusan ng mga babaeng hindi ko alam kung saan galing. Basta kasama sila ni Craige kanina at bigla akong pinaayusan. Nasa hotel kami malapit sa company ni Jarrice para sa mission ko. Pinapanood ko sila habang bino-blower ang buhok ko na kulot na ngayon at may brown highlights na.
Tumayo ako ng matapos nila akong lagyan ng make-up. Fine. I look really pretty.
Tatalikod na sana ako para magbihis dahil naka robe lang ako at naka suot ng manipis na nightie sa loob dahil iyon ang pinasuot sakin kanina. Sabagay pwede narin since hapon na.
Napatingin ako sa likod ko ng pinigilan ako nong babae. Nagtataka ako ng iginaya niya ako sa isang fainting couch at pinahiga. Hihiga na sana ako kung hindi ko lang nakita ang hawak nong babae—Wax.
"No! Ayoko niyan!" sigaw ko.
"Miss Fierce—"
"Ayoko"
"Kailangan po kasi. Hindi po kumpleto.” sabi ng babae.
Tumakbo ako papunta sa pinto. Bubuksan ko na sana yon ng tumama ako sa isang matipunong katawan. Buti na lang nahawakan niya ako kung hindi bumagsak na ako. Nag-angat ako ng tingin. Ang taong rumape sa labi ko— Cloak.
“What’s happening here?” tanong niya.
“Cloak!”
“.......”
“Gusto nila aking i-wax! Ayoko!”
Napapalatak siya at hinila ako pabalik sa fainting couch. Napasimangot ako. Ayoko talaga ng waxing. Ayoko ngang binubunot ang kilay ko at saka hindi naman ako balahibuhin eh.
“Ayoko!”
“It would hurt. A little.”
“Pa’no mo nalaman?” tanong ko.
“My charger before use to wax herself. She said that it hurts at first.”
Sumimangot ako at humiga na sa fainting couch. Tinanggal ko ang robe ko at nakita kong napaangat ang gilid ng labi ni Cloak. Kaya naman pala nightie ang pinasuot sakin. Gagawin pala ako na parang manok na tatanggalan ng balahibo. Umupo si Cloak sa tabi ko. Nararamdaman ko na may nilalagay na sila sa akin at pagkatapos ay biglang hinila dahilan para mapatili ako.
“It’ll be okay— Aray!” naputol ang sasabihin ni Cloak ng kinagat ko siya sa kamay.
Habang ginagawa akong inasal na manok ng mga babae ginagawa ko namang teether ang kamay ni Cloak. Kaya sa buong durasyon ng pagtatanggal sakin ng kung ano-ano nagsisigawan kami ng dalawa.
Nang matapos kami napangiti ako ng makita ko si Cloak na hinihimas ang kamay niya. Napahagikhik ako. Tinignan niya ako ng masama. Pagkatapos ay yumuko siya sa akin dahilan para mapasandal ako sa fainting couch.
“You want some kind of punishment again?”
“Mmm...No. Kasi ka a-apply lang sakin ng lipstick at may lakad pa tayo mamaya.”
“May interest na kapag bukas ko siningil.” sabi niya.
“Okay.”
“...........” Was that some kind of agreement? Halik bilang parusa? Hindi na rin masama— Damn it!
Diba nga kailangan kong lumayo para ma i-clear out ko ang mga bagay-bagay. Para hindi ako maguluhan sa huli at magkasakitan pa kami pareho? Pero sabi ko nga din diba, unti-unti magsisimula bilang magkaibigan—with benefits?
Hindi ko kasi alam kung sa ngayon kaya kong magkaroon ng relasyon kay Cloak. Yung relasyon na hindi ko alam kung kaya ko na ngayon. Relasyon na alam kong panandalian lang. Pareho kaming hindi sigurado.
Nang matapos kami at lumabas na kami at nagbyahe na papunta sa Kompanya ni Jarrice. Nang makarating kami doon ay may mga camera na nakaantabay samin. Lumabas si Cloak at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Nakangiting lumabas ako at sinalubong ang press.
“Miss Taylor ‘bat nawala po kayo ng ilang linggo?”
“Nagtanan na raw ho kayo?”
“Sino ho ang kasama niyo?”
Nginitian ko sila kahit na parang gusto ko silang sakalin lahat. Eto ang una kong nabasa tungkol kay Jarrice. Mabait siya sa lahat ng tao. She loves charity at the same time socialite din siya. At kahit na mabait siya may share din siya ng kalokohan. She loves men like she loves clothes.
“Business and business and no hindi ako nakipagtanan and this man, this is my man.” sabi ko kaya napaangat ang kilay ni Cloak na nakangiti lang at walang sinabi. Umaasa ka pa bang may sasabihin iyan eh parang cellphone yan na kailangan i-charge para magkaroon ng energy na magsalita.
Lumabas na ang security guard at tinulungan na kaming makapasok. Nakangiting pumasok ako kahit na gusto ko ng magpapapasag sa dami ng tao.
“I don't know how she can do this.” bulong ko.
“...........”
Lumingon ako kay Cloak. He just gave me a reassuring smile. Bumuntong hininga ako.
Pareho kaming nagulat ni Cloak ng may lalaki na biglang humarang sakin at hinalikan ako. Napabuga ako ng hangin ng mawala siya sa tapat ko dahil bigla siyang sinaklit ni cloak sa kwelyo at iniangat. Literally. Pumamewang ako at tinignan sila.
“Woah! Sino ka?” tanong ng lalaking nanghalik sa akin.
“I should be asking that.”
“I’m Ivan Andrews. Jarrice and I are currently dating—”
“Hindi na ngayon dahil ako na ang boyfriend niya.” pagkasabi niya non ay bigla niya akong hinila at iniwan na namin ang tulalang lalaki.
Naglakad na kami papunta sa elevator. Mula don ay tumuloy kami sa pent house ng company. Dito kami tutuloy. “Should I tell you to relax?” tanong ko kay Cloak.
“...........”
“I guess that’s a no.”
Nang makarating sa pent house ay pumasok na kami. Halos sabay kaming umupo sa sofa na para bang nahahapo. Mukhang mahihirapan kami sa mission na ‘to. Una dahil ang hirap magpanggap. Pangalawa nangangapa pa kami. Hindi pa namin gaanong kakilala si Jarrice at hindi kami pwedeng tumunganga at pag-aralan ito dahil kailangan naming simulan kaagad ‘tong mission.
“Mag mouth wash ka.” basag ni Cloak sa katahimikan.
“Why?”
“That guy kiss you and I wont kiss you again if you won't—” tumayo agad ako at pumunta sa bathroom. Nag tooth brush ako at nag mouth wash. Mahirap na. Baka hindi pa ako ‘parusahan’ ng lalaking yon. Day! Interesadong interesado ka! Umamin ka na!
“So anong unang gagawin natin?” tanong ko ng makabalik na ako.
May inabot siya sa akin na papel. Binasa ko iyon. Kailangan kong um-attend mamaya ng isang party kasama si Cloak. After that bukas kailangan naming magkaroon ng presscon. After that kailangan kong pumunta sa isang charity. Madami pa palang gagawin. Napabuntong hininga ako.
“Party. The last time na um-attend ako ng party kasama ko pa si Harvey noon. Lagi kaming lumalabas. The best days of my life. Now...it's currently my dark ages. But it’s not that bad., I guess.
“............”
“Natahimik ka na naman diyan.”
“............”
“Whatever. Wag kang magsalita kung ayaw mo. Pero hindi ka pwedeng mag-recharge.” sabi ko dahilan para mapasimangot siya. Babaero talaga.
“I wonder kung anong susuotin ko.” Napatingin ako kay cloak ng may binulong siya. “What?”
“Nothing.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Kahit kailan mahirap kausap ang lalaking ‘to. Pabago-bago ng mood. Malihim at kung ano-ano pa. Tinalo niya pati ang babae kung magbago ng isip.
“Ewan ko sayo.”
Nagkibit balikat siya. Tumayo ako at lumapit sa isang wine stand. Kumuha ako ng isa at nag-salin sa baso. Pagkatapos non ay uminom ako. Umupo ako sa ibabaw ng counter ng mini bar at pagkatapos ay inabot ko kay Cloak na lumapit sakin ang wine bottle. Imbis na kumuha ng wine glas ay sa mismong bote siya uminom.
“Barbaric.”
“..........”
Nang maubos ko ang wine sa bao, kinuha ko sa kaniya ang bote at uminom narin mismo doon. Napatitig siya sakin at pagkatapos ay kinuha niya ulit iyon at uminom.
“Barbaric?” tanong ni Cloak.
“Ahuh.”
Ngumiti siya. Why do this man looks so seductive? Minamana ba iyon? “Cloak”
“Hmm?”
“Ano iyong sinabi mo kanina? Iyong binulong mo?”
“Huh?”
“Ano iyong binulong mo nang sinabi ko kung anong susuotin ko?”
Tumingin siya sakin pagkatapos ay ngumiti. “I said that you’ll look good whatever you’ll wear, angel”