Chapter 4

1633 Words
CHAPTER 4 FIERCE'S POV   Kasama ko si Cloak ngayon. Katatapos lang namin sa isang nakakapagod na training at ngayon ay magkasama parin kami dahil marami pa kaming kailangang gawin. Ilang months narin ako dito kasi sa The Camp at kailangan ko ng kumuha ng test.   Not some written boring test. It's an actual test.   Papunta kami ngayon sa isang room sa main office ng The Camp. Kailangan pa naming sumakay sa isang golf car bago makarating doon dahil malayo iyon.   Nandon kasi lahat ng security department ng The Camp kung saan sila ang nag mo-monitor sa mga nagbabalak pasukin ang The Camp. At doon din pumapasok ang mga mission.   Nang makarating kami roon ay iginaya ako ni cloak sa isang kwarto. Pagpasok namin ay nagtatakang tinignan ko ang malaking glass cabinets na hinati hati sa malilit na squre na kasing laki ng isang folder. May mga folder sa loob non at may mga agents na pumapasok at may tinitignan sa loob pagkatapos ay may pipirmahan sila sa table.   "Ano yan?" tanong ko.   Nilingon ko si cloak na kasalukuyang may isinusulat. Mukhang inaasahan na niya ang magiging katanungan ko. Pagkaraan ay inabot niya sakin ang papel na sinusulatan niya kaya binasa ko ang nakasulat.   "That folders contain missions. Pipili ang mga agent kung anong gusto nila diyan. This is the Room of Missions. Anyway may mga tinatawag na Blue Missions. Iyon ang mga mission na ibinibigay na talaga ng papa ni Paige sa isang agent. Ibig sabihin, nakatakda na. May mga tinatawag din na Special Mission. Iyon naman ang mga mission na mabilisan. Iyong halos isang araw lang. It's not The Camp's forte kaya bihira na magkaroon ng ganoon na missions."   "Wow. Ang dami naman palang dumadating. So araw-araw napapalitan yan?"   Umiling naman siya. Sabagay hindi naman ganoon kadami ang may problema at hindi naman ganung kadami ang taong handang mag bayad para masolusyunan ang problema nila at bihira lang din ang taong may problema na kailangan pa ng serbisyo ng mga agents.   "So kukuha ako? Wew! Masaya to. Nakaka challenge. Kung anong makuha ko iyon na ang mission ko—" napahinto ako ng napailing si cloak.   "Pipili ka ng mission. Be responsible. Hindi to bunutan. Basahin mo muna ang laman bago mo tuluyang kunin. Tignan mo muna kung kaya mo at ng hindi ka mahihirapan. Resposibilidad kita kapag napahamak ka and if you fail a mission alam mo na kung saan ang kahihinatnan nating dalawa—"   "O hinga ng konti. Hindi ka ba hiningal diyan? Mahihimatay ka na ba?— Ouch!" napasigaw ako ng bigla niya akong kinurot sa pisngi. Problema ng taong ‘to?   "Aray tama na!" pagpupumiglas ko.   "You look cute." pagkasabi niyon ay binitiwan niya na ako. Ngiting ngiti siya kaya napatulala ako dahil kitang kita ang dimples niya at dahil na distract na naman ako bahagya akong tumungo at kinagat siya.   "AHH!"   Napahagikhik ako. Akala niya ha.   "Excuse me love birds. Pwede ko muna ba kayong maistorbo sandali?" sabay kaming napalingon ni Cloak sa pinto kung saan may lalaking nakatayo at nakangiting nakatingin samin. May hawak siya na blue na folder.   Greg Lawrence   Bahagya akong napaatras dahilan para mapabangga ako kay Cloak na nasa likuran ko.   "Yes, Sir?" tanong ni Cloak.   "Ibibigay ko lang kay Fierce itong mission—“ nagulat akong bigla akong hinila ni Cloak papunta sa likod niya. Sumilip ako kay Greg Lawrence na ngayon ay na a-amuse na nakatingin samin.   "Come on, Cloak. I'm not gonna hurt her."   "You're carrying a blue folder. A blue mission. Bakit kay Fierce mo ibibigay yan? Hindi pa pwede si Fierce sa ganiyan. It would be hard for her."   Blue mission? Ako? ‘Bat ako?   "I know that but I have no choice. Tanging si Fierce lang ang maaring makagawa ng misyon na ito."   Inabot niya kay Cloak ang folder at dahil hindi ko makita lumusot ako sa braso niya. Nanlaki ang mga mata kong makita ko ang laman nong folder. May larawan don. My picture. No not exactly. But the girl really looks like me. Ang pagkakaiba lang ay may make-up siya at kulot ang buhok niya, hindi katulad sa akin.   She's not me but she looks exactly like me. Creepy.   "Mas maganda ka diyan." bulong ni Cloak.   "Whatever." Don't make me like you, damn it!   "That's Jarrice Taylor. Anak ng isang mayamang negosyante. Nawawala siya. Kailangan nating malaman kung sino ang kumuha sa kaniya at the same time kailangang mag panggap ni Fierce bilang siya." paliwanag ni Sir Greg.   From the looks of it, it won't be easy. Ayon sa file, madaming mga ginagawa si Jarrice. Mga charity na kung ano-ano. At ang dami din niyang negosyo. Bukod doon pumupunta pa siya sa iba't ibang bansa para asikasuhin ang mga negosyo niya roon. She's a modern princess. Mahihirapan akong magpangga bilang siya.   Una dahil kung sino man ang kumuha sa kaniya alam na impostora ako. Pangalawa ang hirap mapag-aralan kung ano ang mga ginagawa niya. Hindi ko matututunan iyon overnight.   But there's no other choice.   "Sa tingin ko hindi ko siya makakaya mag-isa. I dont think I'm ready for that kind of mission, Sir."   "I understand, dear. Hindi ka naman mag-iisa, Cloak's coming with you."   Napanganga ako. Cloak? "Ano naman ho ang gagawin niya?" tanong ko.   "He can be your assistant and bodyguard but that would be hard dahil magtataka ang makakakita kung bakit kayo magkasama lagi. He'll be your boyfriend and bussiness partner." sabi ni Sir Greg.   Napatingin ako kay Cloak na kasalukuyang may sinusupil na ngiti sa mga labi niya. Tama bang ikatuwa iyon? "O-Okay sir. Babasahin ko na lang po ‘to." alanganing ngumiti pa ako.   "Good. I'll see you two around."   Lumabas na si Greg Lawrence. Ako naman ay kinakabahang hinawakan ang blue folder. Nilingon ko si Cloak na nakangiti na ngayon. "Ano pang inginingiti-ngiti mo diyan?"   "............."   "Stop with that silent type of guy thing. Anong gagawin natin? Bakit boyfriend?"   "Well apparently we will need to spend too much time together. People will get suspicious if they saw you kicking and biting your 'assistant'. Kung makikita nila tayo na ganoon na alam nilang boyfriend mo ko iisipin nila na may LQ tayo o naglalambingan lang."   "Pero—"   "At kapag na huli tayo sa isang lugar, we can tell them na may ginagawa lang tayong milagro."   Sinimangutan ko siya. "Parang pinag-isipan mo na lahat ‘to ah?"   "............"   "So, you'll help me?" tanong ko.   "To not get killed, yes."   "Hindi mo ako tutulungan sa mismong mission?"   "I'll just keep you safe pero ikaw ang mag-iisip at gagawa ng kilos. Dahil eto ang test mo. Kapag may ginawa kang kapalpakan sa mission na to that means I’m the winner."   "Pa’no kung magawa ko naman ng tama at naligtas si Jarrice pero along the way may na gawa ako na kapalpakan?"   "I'll still be the winner. Parang iyong kay Paige lang. Diba naparusahan siya? When you fail a mission it doesn't mean the entire mission. You can fail along the way and it's still called failure."   Parang pahirap ng pahirap ang mga nagaganap. I certainly don't want to fail.   Napatingin ako kay Cloak ng mag beep ang cellphone niya. Nang ibinalik niya yon ay nagtatakang tinginan ko siya. Naglalakad na kasi siya paalis.   "Ipapasundo kita kay Hade."   "Saan ka pupunta?" tanong ko.   "I talked too much and I need to re-charge. Luckily my charger texted me." napatulala ako.   Nang makalabas na siya ay kumunot ang noo ko. Babaero talaga ang walang hiya. Kailan kaya magseseryoso ang malanding lalaki na iyon? Maybe kapag tinamaan na siya ng HIV? Or ng AIDS? STD?   Hindi ko alam kung bakit, pero umiinit talaga ng todo ang ulo ko. Bago pa ako makapag-isip ay kinuha ko yag phone ko at tinawagan si Craige. Napapasimangot ako ng walang sumasagot.   Isa pa ‘tong lalaking ‘to. Sakit din sa ulo ni Thea, isa sa mga kasamahan kong agent na laging pineperwisyo ang araw-araw ng dalaga.   "Hello?"   "Craige."   "Fierce what is it? I'm busy kissing—" Napaangat ang kilay ko ng marinig ko ang boses ni Thea na sumisigaw sa kabilang linya. Mukhang may nagaganap sa dalawang aso at pusa na iyon.   "Gusto ko lang itanong kung pwedeng pigilan niyo si Cloak na lumabas ng The Camp?"   "Like lock him up?" tanong ni Craige.   "Yes."   "I don't think so. Hindi ako gumagawa ng mga ganoong Bagay." napasimangot ako. "But I can make an exemption."   Nabuhay ang dugo ko sa sinabi niya. Napangiti ako at sinabi ko sa kaniya ang gusto kong mangyari. Na hindi palalabasin si Cloak ngayong araw na ‘to sa the camp at hindi siya pwedeng palapitan sa kahit sinong babae na maaring maging charger niya. Parang naiimagine ko na kung gano ka-frustrate ang magiging itsura ni cloak. Halos suki na siya sa Jolibee. Jollibee kasi ang sign na may ginagawang kahalayan ang mga agents. Mabilis daw kasing kainin at after a few minutes lang ready to rumble na naman.   Hindi naman masama ang ginawa ko diba? Isa lang akong mabuting mamayan na gustong pangalagaan ang mga taong malapit ng magkaroon ng AIDS.   Nakangiting tinignan ko ang pumasok. Sinasabi ko na nga ba eh. Babalik siya dito.   "WHAT HAVE YOU DONE?!" sigaw ni Cloak.   "What? Wala naman akong ginagawa ah." I looked at him innocently. Mukhang gigil na gigil na siya at malapit na akong sakalin. Namumula ang mukha niya.   "You. Come here." utos ni Cloak kaya nilapitan ko siya.   "Promise wala akong ginawa."   "I would be damn if I belive you right now."   I don't know why I did what I did. Hindi ko alam kung bakit pero sinadya ko. Obvious naman. Sinadya ko para gawin niya ‘to. Yes I’m confuse pero right now wala akong pakialam. Ang kailangan ko lang ay ito.   His kiss.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD